Larawan

192 39 0
                                    


Biglaang nagiba ang larawan sa aking isip, nakita ko ang dalawang batang babae na naglalaro sa harden. Kambal silang babae habang tintawag sila ng kanilang ina para kumain. Napansin ko na mas gusto ng ina yung isang batang babae.

Nalilito kung ang mga pangyayari na bumabalik sa isip ko ay parte ba ng buhay o pawang nasa isip ko lamang.

Biglang nagdilim ang nasa larawan ng isip ko at unti unti long nakita sa isip ko ang isang malakas at matapang na babae. Kamukhang kamukha ko sya ngunit ang galing galing nyang magkarate. Alam kong hindi ako yon dahil mahinhin akong kumilos at di ko alam paano lumaban.

Ilang segundo lamang ay Nagbago na naman ang nakita ko na nagpakaba sa akin.dahan dahang nilalapit ang patalim ng matandaang babae at tinapat sa may likoran ko habang nagsasalita ang dalawang matanda ngunit di ko sila marinig.

Biglang sumiklab ang liwanag na halos wala akong makita.Narinig ko ang patak ng luha at tinig ng isang babae,unti unti naglinaw ang paligid , nakita ang isang babae na umiiyak sa gilid ng kwarto. Napapalibutan sya ng mga taong nakasout ng puti na mukhang mga doktor . Singkit ang kanilang mga mata lahat at nagsasalita sila ng lingwahe na di ko maintindihan.Ininjectionan nila yung babaeng umiiyak ng kulay dugo at habang tinuturok ay naramdaman ko sa kanya ang sakit na nagmumula sa ulo hangang kumalat patungo sa boung likod ko.

"Araaaay" bat parang naramdaman ko sa personal ang nakikita ko sa aking isip. Ngunit kahit na masyadong masakit at ininda ko dahil gusto kung malaman ang lahat lahat. Tinititigan ko yung babae upang makita ko ang kanyang mukha ng tumitig din sya sa akin na parang nakikita nya ako , dahil sa sobrang kaba ko minulat ko ang aking mga mata.

Nararamdaman ko na unti unti ng bumabalik ang mga memory ko. Habang nakatitig sa bintana.

Naalala ko din ang sinabi ni clint noon na ma aalala ko rin daw yung nakaraan ko,peru nakakaparanoid lang pakingan na parang kilalang kilala nya na ako at yung feeling ko din na kilala ko na sya dati pa..

Nagising ako sa pagkakatulog dahil sa napaginipan ko ulit ang larawan ni amelia na nakahawak ng espada at sa kabilang kamay naman ay pugot na ulo.

Maaga akong nagising dahil madilim pa ang paligid ngunit napansin ko na wala na si noel sa kwarto. Binalot ng katahimikan ang kwarto hanggang sa may narinig akong putok ng bala.
Nagising ako lalo nung nakita ko na Pumapasok ang mga edom sa kwarto.

Agad agad akong kumilos palabas ng kwarto upang hanapin si noel. Narinig ko ang mga tunog ng paglalakad ng maraming tao na nagtatakbohan patungo sa itaas. Marami rami din ang putok ng baril na pinakawalan.

Binuksan ko ang pintuan sa baba ng nakita ko si Noel na sugatan ang kanyang braso , habang akay akay sya ng isamg lalaki papunta sa taas. Nagtaka ako kung saan galing ang mga tao na sobrang dami.

Pumasok lahat sila habang may dala dalang armas.
Parang nasa 40 katao ang nandoun pumunta sa malaking kwarto .

Agad agad kong tinulungan si noel habang tumulong sila para gamotin si Noel.

"Anu ba ang nangyari noel?"

"Nabaril sya ng kasama namin akala kasi namin kalaban sya"

"Bakit? Mag ingat naman sana kayo."

"Pasensya na miss di talaga namin sinasadya"

Teka! Di ba ikaw si Amelia? Sinabi ng lalaking may katandaan na parang masa edad 40 na, sya ata ang leader nila.

Nakatingin lang ako sa kanilang grupo habang prinoproseso sa isip ko ang sinabi nya dahil gulong gulo ako sa nangyaring pagbaril sa kay Noel.

"Noel , tumayo ka jan ! Bat kasama mo si Amelia? Di mo ba sya kilala,
Sya ang anak ng kalaban natin?

Si amelia bayan? Ka miguel.......sa pagkaka alam ko ay sya ang dahilan bakit kumalat ang erupa?

Tama narinig ko din na may kinikidnap sila sa bayan para hawaan ng sakit

Napakasama nyang babae

Ha? Sya ba yun? Yung galing sa china?

Sya yun! Ang hayop na si amelia!

Erupa   (on Going / Major Major Editing)Where stories live. Discover now