Unang bakas ng pagkatao

1.1K 77 10
                                    


Natahimik nalamang ako dahil sa mga bagay bagay na di ko maipaliwanag.

"Hayaan mo na miss wag mo nalang pansinin yung tanong ko alam kong pagod kapa sa mga nangyari at di mo na maalala ang mga  nangyari sa buhay mo. Ang importante naman ay ligtas ka na sa bahay na ito." -binigyang nya ako ng katiyakan at lumapit sakin sabay hawak sa aking balikat.

"Maya maya pupunta ulit ako sa hospital para kumuha ng mga gamot di ko kasi nakuha yong gamot kagabi kasi masyado nang delekado tsk. -wika nya sabay pahabol na salita  -"ahmm baka gusto mong sumama para naman malaman mo kung ano ang nangyayari sa lugar natin."

"Ahm..ano kasi..-(nalilito pa ako kung sasabihin ko ba yong nangyari kagabi tungkol sa mga nakita kong mga halimaw sa lugar kung saan ako nagising. Nagdadalawang isip talaga ako baka isipin nyang nababaliw na ako.)

Oh!? ano ang gusto mong sabihin miss?-nakakunot ang noo nya  at naghihintay na marinig ang sasabihin ko.

"Ah ano wala yon, wag mo na yong pansinin" pagpapangap ko sa kanya na di mahalaga ang sasabihin ko.

Ningitian nya  lang ako  sa mga sinabi ko.

"Sige , maghahanda lang muna ako miss. Maiwan na muna kita , maghanda ka na din para pagbalik ko dito ay agad na tayong makaalis."nakangiting sinabi ni clint palingon sa akin.

Ilang minuto na din ang lumipas , ngayon ko lang napansin ang oras  ,habang nakatunganga akong nakahiga sa  bath tub na tila may kalumaan ngunit elegante pa rin dahil sa mejo klasiko nitong desenyo.

Nababagabag ako  dahil sa mga  pangyayaring di ko maipaliwanag.Oo marami akong mga katanungan  ngunit pinipigilan ko lang  ang sarili ko at baka sabihin ni clint na wala na ako sa aking tamang pag iisip , pero alam ko sa sarili ko na nakakita ako ng mga halimaw.

Tok!!! Tok!!! Tok!!!!

Tatlong katok ang narinig ko   , at  dahan dahan akong lumapit sa pintoan ng banyo upang tingnan kung sino, ng may napansin ako sa salamin ,nakita ko sa salamin ang likod ko na may nakasulat. Di ko maintindihan kung ano ang ibig sabihin nun kaya naman naghanap ako ng ballpen at sinulat ko sa lumang papel ang nakalagay sa likod ko.

hinimas himas ko ang nakatatak sa may likod ko  at pilit kong inalala kong kelan ako nagpatatto habang di ko na napansin na may kumakatok sa pintoan ng kwarto

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



hinimas himas ko ang nakatatak sa may likod ko  at pilit kong inalala kong kelan ako nagpatatto habang di ko na napansin na may kumakatok sa pintoan ng kwarto.

Maam Amelia!!Maam!!Anjan po ba kayo!?Bubuksan ko na ang kwarto nyo ! Wika ng babaeng may katandaan na ang boses.

Po!Sino po ba kausap nyo? Wala pong ibang tao dito ako lang magisa sa kwartong ito. Sagot ko sa kanya.

"tapos na po ba kayong maligo ?at pinatatawag po kayo ni mayor dahil may sasabihin sya sa mga tao sa bahay."

"Sinu po yan? Sinong amelia ? Wala pong amelia dito" litong litong sinabi dahil sa pagkakaalam ko di amelia ang pangalan ko at wala din akong alam kung ani talaga ang pangalan ko kaya naman nagdadalawang isip ako agad.

"Ako nga pala si linda yong katulong po ni mayor, mayordoma dito sa bahay na ito. " pasigaw na sinabi ni ate linda.

"sabi kasi ni mayor amelia daw po itawag na pangalan sa inyo."matagal nyang nadugtungan ang sinabi nya .

Habang tinititigan ko ang nakalagay sa aking likoran  at pinakikingan ko ang sinasabi ni ate linda nang biglang sumabat si clint.

"Miss ! Tara na ,  aalis na tayo habang maaga pa dahil delekado na sa bayan kapag  gabi na."

"Wala na akong panahon para pag isipan ang bagay bagay na di ko maipaliwanag , di ko maexplain ang tatto sa likod ko at sa mga nangyari sa akin mas mabuti pang hayaan ko nalang ang panahon na matuklasan ko ang mga bagay bagay"sabi ko sa isip ko , "ang tangi ko lang magagawa ngayon ay tuklasin  ang tunay na nangyayari sa bayan na to."habang nakaharap sa salamin ng banyo.

"Per0 sir , pinapatawag pa po si amelia  ni mayor dahil may sasabihin sa kanya " pabulong na sinabi ng katulong habang papalabas na ako sa pintuan.

"Miss!!  Ipagpaliban na muna natin ang pagpunta sa hospital kasi may gagawin pa pala  akong importante." Sabi ni clint na tila biglang nagbago ang plano nya.

Lumabas na ako sa kwarto  na basa ang buhok habang nakasout ng malaking t-shirt at short na maikli.

Erupa   (on Going / Major Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon