Awa ang papatay sayo

659 57 7
                                    

"Ahm maiba muna tayo gurl, baka alam mo ang ibig sabihin ng nakalagay sa likod ko"-tanong ko kay Erwinda.

Agad itinaas ang t-shirt na sout ko at pinakita ang  tattoo na nakatatak sa likod.

"Oh my!Joana this is templar code."-tuwangtuwang sinabi ni Erwinda.

"Ha? Bakit ano ba ang ibig sabihin nyan? Maari mo bang edecode ang nakasulat?"-pagsusumamo ko kay Erwinda.

"Teka muna!...  huwag muna kayo magsayang ng oras at  napakadelekadong manatili sa labas , lalo na sa ganitong oras .tsk... buti pa tumoloy na muna tayo sa gusaling malapit sa atin"-Sabat ni Noel  habang tumoturo sa gusaling may tatlong palapag.

~~
"Erwinda ihanda muna yung mga solar flashlight jan habang kayo naman Noel at maam Joana,maari bang maghalughog kayo sa bawat kwarto ng mga naiwang  delata na pwede nating makain ngayong gabi.Magkitakita tayo sa ikatlong palapag malapit sa hagdanan makalipas ng isang oras"- wika ni Zaldy habang  tumatakbo kaming papasok sa gusali.

"Ah Maam joana, samahan mo nalang pala si Erwinda baka mapano sya , total alam ko namang kaya na ni Noel na magisa."-pakiusap ni Zalde.

"Opo! Gagawin ko ang aking makakaya"-sagot ko kahit di pa nasagot ang templar code na nakasulat.

Naghiwalay ang grupo papunta sa ikalawang palapag, si Zalday pumunta sa kanang kwarto , si Noel pumunta sa kaliwa habang kami namay patuloy na umakyat sa ikatlong palapag upang ihanda ang ilaw.

Habang tumatakbo kami bigla kong naalala si clint na naiwan pala sa ospital.

"Erwinda, kaylangan kung bumalik sa ospital naiwan yung kasama ko."

Biglang lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa pangambang andon pa si Clint  ,naghihintay na makita ako ulit.

"Maghunos dili ka! Huwag ka munang bumalik doon! Mapapahamak kalang, bukas na ng umaga tayo bumalik"-sabi ni Erwinda habang tiningnan nya ako sa aking mga mata  at hinawakan ang aking balikat.

Nasa 3rd floor kami ng building at mukhang apartment ang building kung saan kami tumigil.dumungaw ako sa bintana nang nakita ko ang grupo ng mga tao?....
-ay hindi pala, isang grupo ng mga halimaw na tinatawag nilang edom ang naglipana sa daanan. Talagang napakarami nila ,tinititigan kong mabuti at tila may pinagaagawan sila sa gitna ng kalsada.

"Isara mo na yang bintana joana! Baka maramdaman nila ang presensya natin sa gusaling ito."-tumigil sa pagsasalita at lumapit sa akin.

"-Sabihin mo sa akin paano kaba lalabas ha? Di ka padin nagbabago, matigas pa din yung ulo mo."-Pinagalitan  ako ni Erwinda sapagkat di ako nakikinig sa kanya at nagpupumilit pang bumalik sa ospital.

Natulala ako sa nakita ko habang iniisip ang mga sinabi ni Erwinda sa akin.

"Ano bang nangyari sayo joana at tila wala kang alam sa mga nangyayari!hello! We have experienced this hell for how many months already and yet you act like nothing happens!Why?"-pagtatakang tinanong sakin ni Erwinda.

"Gurl!....di ko maalala! wala akong maalala ni isang bagay. Nagising akong walang kaalamalam sa mga pangyayari,pati nakaraan ay ipinagkait  sa akin"-malungkot na sinagot ko si Erwinda na tila naluluhaluha na ang aking mata sa sapagkat wala akong magawa kung paano matulongan ang sarili ko.

"Ha? Bakit? Nagkaamnesia kaba joana? Ilang taon din kaya tayong di nagkita, nawala ka din sa bayan na ito. akala ko nga di kana babalik."-wika nya sa akin

"Bakit ? Sino ba talaga ako?-napasigaw ako sa kagustohan kong  malaman ang katotohanan.

Tumahimik bigla si erwinda at sinabi nya nang dahan dahan sa akin ,
-"Magkaklass tayo noong Elementary ngunit nagbago ang buhay nyo at biglaan kayong naging mayaman o sasabihin kong bumalik kayo sa pagiging mayaman nyo ulit. Umalis ka pa nga sa isla, Alalahanin mong mabuti , anak ka ng .................."-di natapos sa pagsasalita si Erwinda noong narinig namin ang sunod sunos na malakas ng putok ng baril dahilan upang magtago ako sa ilalim.

Madilim ang  kabilang bahagi ng kwarto kung saan narinig ko ang putok ,di ko namalayang patungo na  pala sa amin.

Nakayuko kong nilingon si Erwinda ngunit di sya nakaligtas at natamaan ang ulo nya na naging dahilan ng pagkamatay nya.

Di pa tumigil ang putok ng baril dahil nasundan pa ito ng tatlong putok,kaya naman tumakbo ako ng mabilis na mabilis upang mapalayo sa killer.

"Isa kang traydor! Isa kang traydor!"-sigaw ng bumaril kay Erwinda na may pamilyar na boses.

Tumakas ako papalabas ng kwarto habang yung lalaking nagpaputok ay patuloy parin sa pagbigkas ng salitang "Isa kang traydor".

Huminto ako sa paselyo malapit sa hagdan upang huminga ng malalim , doon ko na din napansin na tumalsik pala ang dugo ni Erwinda sa mga damit ko.Habang nagmamasidmasid sa lugar kung nasundan ba ako ng killer, paulit ulit kong naririnig sa aking isipan ang boses ng killer na tila pamilyar talaga.

Naging mapagmatyag ako habang iniisip kung sino ang killer nang may biglang humawak sa likoran ko.

Nanginig ako ng sobra.Di ko agad naigalaw ang katawan ko sa sobrang takot.

"Ok ka lang ba Joana?"

"Sh*t akala ko yung killer, kaw lang pala yan Noel"-humihingal na sumagot sa kanya.

"Ano bang nangyari?Agad akong tumakbo dito sa ikatlong palapag at nagbakasakaling pumunta sa kaliwang bahagi ng gusali.-nagaalalang wika ni Noel.

Di ko halos masabi na patay na si Erwinda at mas nauna ko pang sinabing -"nasa bandang kanan kami Noel.ahmm paano ko ba to sasabihin"-umiiyak na nagsasalita sa harap ni Noel.

"Ha? Ano ba ang nangyayari? Bakit may dugo ang damit mo?"

"P..pp Patay na si Erwinda! Pinatay sya ng killer.... hindi ko alam ang gagawin ko , patawarin mo ako , di ko man lang sya natulungan"-umiiyak kong sinagot si Noel sa kanyang mga tanong.

Biglang tumakbo si Noel sa kwarto kung saan namatay si Erwinda.

"May dalang baril ang killer"-sigaw ko sa kanya habang mabilis na nakalayo si Noel sa akin.

Gusto ko sana pigilian si Noel ngunit mabilis syang nakarating sa kwarto kung saan nabaril si Erwinda.

Sinundan ko si Noel at nanatili sa labas, wala sana akong balak na pumasok ngunit narinig ko si Noel.

"Alam kong mangyayari to! Kung di lang ako pinigilan ni ateng patayin ka noon pa man ay sanay buhay pa sya ngayon!"-wika ni Noel habang umiiyak.

Napaisip ako, anu bang ginawa ni erwinda kay zaldy at humantong sa pagpatay nya sa kanyang kapatid.

Pumasok ako at nakita kong naging Edom na pala si Zaldy. Kinain nya ang lamang loob ni Erwinda habang nasa limang metro ang layo namin sa kanya.

Nakatotok ang baril ni Noel sa kanya habang kinakausap ako.

"Sanay pinatay nalang namin si zaldy noun paman,"

"Bakit? Kahit ano pang rason yan wala tayong karapatang kumitil ng buhay!"

"Tumahimik ka! Di pa ba sapat ang nakikita mo!"-sigaw ni Noel.

Bigla syang natahimik, napaluha at kinalabit ang gatelyo ng baril nyang hawak.

Tumahimik ang boung kwarto habang tinititigan namin ang kanyang ate na nakahandusay sa sahig katabi ng kanyang nakakatandang kuya.

"Awa ang papatay sayo sa bandang huli"wika ni Noel sakin.

Erupa   (on Going / Major Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon