Sa dating Ospital

802 61 16
                                    

Di halos maintindihan ng isip ko ang larawang bumungad sa akin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Di halos maintindihan ng isip ko ang larawang bumungad sa akin. Sa katunayan napaatras ako at kinain ng kaba dahil sa nakita ko,nagtataka kung bakit  kamukhang kamukha ko ang babae.

tinitigan kong maigi ang larawan Hanggang sa napansin kong nagkamali ako.Maputi,makinis at halatang anak ng mayaman ang nakikita ko habang kabaliktaran naman kung ano ako.

"Hindi ako to!siguro talagang marami akong kamukha sa lugar na ito."bulong ko sa aking sarili habang hinihimas ang mga peklat sa aking kamay.

Ilang minuto akong nakaharap sa  larawan dahil  sa matinding paghanga ko na hinaluan ng malaking pagtataka.

"Pakiusap maam amelia ibalik nyo na po ang takip sa larawan bago pa makita ng mayor natin yang pinagagawa mo." Inis na sinabi ni Ate linda na tila natatakot sa mga pinagagawa ko sa bahay.

Sino po ba yung nasa larawan ate linda?-alam kong di sya sasagot sa mga tanong ko sapagkat natatakot sya ngunit sadyang mausisa ako at puno ng katanungan kaya naman di ko napigilang maghintay sa kanyang kasagotan.

Di man lang sya sumagot ,sa halip sinabi nya lang "Pinatatawag ka na ni sir Clint , bilisan mo daw at aalis na kayo. " -wika ng katulong na halatang ayaw nyang sagutin ang tanong ko.

Di na ako nagtanong ulit kay ate linda simula nun , dahil alam kong may tinatago sya at baka pinagbawalan syang magsalita kung ano ang kanyang nalalaman, Naramdaman ko din namang ayaw nya talaga sa akin kaya di ko na sya pipilitin.

May mga sekreto ang mga tao rito siguro para mapangalagaan sila o ang  bayan. Pero ipinangako ko sa sarili kong matutuklasan ko ang totoong nangyayari sa islang ito.
~~
Tahimik kaming naglalakad palabas sa bahay ni mayor kasama ang katulong hanggang sa nakita ko si Clint sa labas na nagaayos  ng gamit sa kotse.

Habang tinititigan si Clint naramdaman ko agad ang pintig ng puso ko na tila unti unti nang nahuhulog sa kanya . Nagmamakaawa na sanay saluin nya rin.

Di ko pa sya gaanong kilala ngunit nararamdaman ko ang pagiging busilak ng kanyang kalooban at kahit nahalata ko sa kanyang may tinatago rin sya. Hmmmm malamang isa rin sya sa mga taong  susi sa pagtuklas ng tunay kong pagkatao.

Palapit na ako nong nakita nya akong nakangiti at agad naman nyang binuksan ang pintoan ng kotse sabay bigay ng matatamis nyang ngiti.

Inaamin ko na kinilig agad ako sa mga simpleng bagay na ginagawa nya. napakagentleman at sa tuwing nakatingin ako sa kanyang mukha ay parang naglalaho ang mga problema ko. Ganito siguro pagdahan dahan ng nahuhulog ang loob mo sa taong bago mo lang nakilala.

"Halika miss na maganda , pumasok ka na at nang makaalis na tayo."wika ni Clint.

Tuwang tuwa ako ngayon at alam kong nararamdaman ni clint ang ligaya na nadama.

Tawagin mo nalang akong amelia :)

Ilang oras kaming nagusap ni Clint sa daanan habang mabilis na humaharorot ang sasakyan.Hanggang sa dumatingbsa pontong may natanong akong isang bagay na tila nakaapekto sa kanya dahilan upang tumigil sya sa pagmamaniho.

Oh? Bakit ? Ok ka lang ba clint?

Nagiba ang kanyang ekspresyon sa mukha,di ko alam kung bakit? Siguro dahil sa tanong kong "May mga kapatid ba sya?"

Natahimik sya bigla at tila nahihirapan syang sumagot.

Dahan dahan syang lumingon sakin at sinabing "wala na akong kapatid matagal na silang naglaho"

Nagpatuloy sya pagdrive papuntang hospital at pahabol nyabpa sa kanyang sagot na "Huwag na muna natin pagusapan yan ,palapit na tayo sa hospital kaya dapat tayong magingat sa posibleng mangyari satin.

Habang patungo kami sa hospital ay di na ako umimik at bumalik na naman ang aking pagkaparanoid.Maraming bagay  ang nagpapalito sakin. Hindi talaga mawala wala sa isip ko na may tinatago silang lahat sa akin.Bigla din dumaan sa aking isipan ang mga taong nakita ko, isang ketong lang ba talaga ang kumakalat sa bayan natin? Ano ba ang tinatago ni mayor sa amin?

Habang pinagmunimunihan ko ang mga bagay sa isip ko ay sinusulyapan konsi Clint na nagmamaneho.Kahit wala na syang imik ay talagang napakacute pa din nyang tingnan , malinis at simpleng binata.

"Dito na tayo miss " mahinang sinabi nya habang binubuksan ang sasakyan.

napansin ko na nagbago ang tono ng pananalita ni clint na parang ang lungkot lungkot nya.

"Ang laki pala ng hospital! " -pagpapangap ko na parang walang nangyari.

"Oo miss, Maari kang maligaw sa sobrang lawak nito. Mapanganibbsa loob at di ko maipapangakong maililigtas kita ulit , Siguro dito mo nalang ako hintayin sa parking lot na ito at kapag madilim na at di pa ako nakabalik pumasok ka nalang sa kotse para sa kaligtasan mo.ok lang ba sayo?"

"Gusto ko sana sumama kaso baka maging pabigat ako sayo Clint. Sige dito nalang ako maghihintay."

"Sige na , wag ka na mag alala babalik ako agad." -wika nya  saki sabay talikod na pumasok sa madilim na lugar ng ospital.

Erupa   (on Going / Major Major Editing)Where stories live. Discover now