HOTEL 2F

404 49 4
                                    


Ano nga ba ang ibig sabihin ng tattoo sa likod ko? Anong kaugnayan nito sa aking pagkatao?

Maraming katanungan ang lumabas sa aking isipan habang naglalakad patungo sa nagiisang Hotel sa islang ito.

"Ang ibig bang sabihin ng tattoo mo hija ay totoong hotel? kung yan talaga ang ang tinutukoy nito makikita mo yan sa bandang hilaga ng isla kung saan malapit sa dating daungan ng barko" mga wikang naalala ko sa matandang nakausap namin.

"Joana ? ok ka lang ba?halos isang araw na tayong naglalakad patungo sa daungan di ka pa ba pagod?" - halatang pagod na sinabi na Noel sa akin ngunit kahit ganun paman ay nakuha nya paring magbigay ng ngiti sa akin.

Di ako nakasagot sa kanya ng agaran bagkus ay binigyan ko lamang sya ng ngiti.

Wala nang panahon para magpahinga, dahil kung totoo man ang sinabi ng matandang yun malamang andun nakalagay ang mga bagay na makakasagot sa totoong pagkatao ko.

Inabot na kami ng takip silim ngunit di ko parin masilayan ang gusaling hinahanap namin,walang niisang gusali ang nakita namin sa paglalakad at halos natatabunan ang lugar ng mga puno.

Masyado ng delekado ang lugar kapag nagsimula ng kumalat ang kadiliman sa lugar ay magiging aktibo na ang mga edom. Ito daw kasi ang panahon kung saan nakakagala ang mga edom sa isla.

"Kaylangan na nating makahanap ng matataguan Joana , napakadelekado na ngayon" wika ni Noel habang kinkuha nya ang baril sa kanyang bag.

"Sana di tayo makasalubong ng Edom ngayon Noel"

Tahimik na ang paligid, nagsimula na ring lumamig ang simoy ng hangin, habang ang dilim ay unti unti ng nagsisimula.

Halos hinahabol ko na ang aking hininga sa sobrang bilis naming maglakad upang maiwasan ang edom sa daanan ngunit ....

.... napatigil kami ni Noel noong nakita naming may gumagalaw sa bandang harapan ng damohan.

Agad agad itinutok ni Noel ang kanyang baril sa mahabang damuhan kung saan nay gumalaw.

"May tao ba dyan!?" Malakas na sinabi ni Noel.

Nabigla kaming dalawa sapagkat may sumagot sapagkat di na namin inaasahang may tao pa na mananatili sa  kagubatan.

"Sandali lang! wag kang magpapaputok! "-sigaw ng boses ng binatang lalaki.

"Lumabas ka dyan kung totoong hindi ka nga Edom!" sagot ni Noel.

Dahan dahang lumabas ang binata sa damuhan na nakataas ang kamay.

"Sino ka? at anung ginagawa mo dyan sa damohan?" usyusong tanong ni Noel sa binata.

"Maawa na po kayo, wag nyo po akong patayin, galing ako sa gubat naghahanap lang ako ng makakain." wika ng binata.

"Makakain sa ganitong oras?-tanong ko sa binata.

" Nakatulog kasi ako sa damohan dahil sa pagod, di ko na namalayang gabi na pala."

Nilapitan namin ang binata at doon nakita namin na hawak hawak nya ang mga nahuli nyang ibon.

Marami kaming mga katanungan sa binata tungkol sa kanyang pagkatao kaya naman hinayaan namin syang sumabay papunta sa tinatawag nilang hotel sa isla.

"Ako nga pala si Joana, pasensya kana sa aming inasal kaina, natatakot lang kami at baka isa ka sa mga edom."

Inabot ni Noel ang kanyang kamay para kamustahin ang binata sabay wikang "Noel nga pala ang pangalan ko".

"Masaya ako't nakita, ay este nakilala ko kayong dalawa. ako nga pala si Markus"- pakilala ng binata na halatang maligaya na nakita sya ng mga tao.

"San ka ba papunta markus?"- tanong ni Noel

"Wala din akong mapupuntahan ei, may nakita akong matanda don sa lumang kotse ngunit tila ayaw nya ng kasama bagkus ay tinutukan ako ng baril para lumayo, sama ng ugali ng matandang yon."

"Haha, kami nga din nakita din namin yun, kung gusto mong sumama samin pupunta kami sa hotel kung saan malapit sa daungan."

Patuloy kami sa pagtakbo dahil madilim na ang paligid ,halos isang oras na mula ng nakita namin sya sa damuhan hangang sa nakarating kami sa  hinahanap naming hotel.

Isang malaking letrang SternumGold ang nakalagay sa itaas na bahagi nito na binalot ng kulay ginto. Malaki ang hotel at napakataas na umabot sa sampung palapag.Makikita mo sa desinyo na pangmayaman talaga ang hotel na ito ngunit ang nakakalugnkot ay wala ng mga taong natira sa lugar na ito.

Nakakapagtataka lamang sapagkat di agad nakita kahit na napakataas na nito siguro dahil sa makapal
na ulap at ang nagsisilakihang puno.

Erupa   (on Going / Major Major Editing)Where stories live. Discover now