Tinatagong emosyon

1.5K 80 11
                                    

Nagising ako sa isang napakagandang silid, kulay asul ang pader na may dalawang malaking bintana kung saan makikita mo ang isang napakagandang harden. Tahimik at litong litong pinagmamasdan ang laman ng silid nang biglang bumukas ang pintoan.

Isang lalaking tsinito na may matamis na ngiti ang pumasok sa kwarto na may daladalang pagkain at inumin.

"Kamusta na ang pakiramdam mo magandang binibini? Tanong ng lalaki sa akin.

Nakatulala lang ako at di ko agad sya nasagot hanggang sumabat sya bigla bago ko buksan ang aking bibig.

"Mayroon ka na bang naalala? Wika  ng binata.

Nagtaka ako sapagkat di ko naman sinabi o nabangit na wala akong naalala at sa pagkakaalam koy unang beses ko pa lang syang nakita.

"Huwag kang matakot mabait kaming tao rito. Kung nagtataka ka kung bakit alam kong wala kang naalala ay dahil sa mga kinikilos mo, nalilito ,Balisa at di makasagot agad na parang naninibagohan ka sa mga nangyayari."Wika ni Clint.

Tahimik lang akong nakikinig sa kanya sabay ngiti sa mga sinabi nya.Nahulaan nya kasi agad na wala akong maalala.

"Hmm Ako nga pala  si clint." Sabay abot ng kamay  nya para komustahin ako. Naramdaman ko ang higpit ng kanyang hawak habang nakatitig lang sya sa mga mata ko.

Pilit kong inalala ang aking nakaraan at ang aking pangalan habang tinititigan si Clint,isang makisig na binata na parang na sa edad 22 anyos , nakasuot ng puting damit at may nakasabit na stethoscope sa kanyang balikat.

Napakawerdo  man  at masyadong awkward ang aming  pagkakilala sa isa't isa ay di pa rin yon naging hadlang  na mahulog ang loob ko sa kanya.

Kahit di ko maintindihan ang kanyang mga kinikilos pero siguro naman ay may paliwanag o dahilan sya.

Binaliwala ko lang ang lahat ng napansin ko at nagpangap na ok lang ang lahat.

"Pasensya na wala akong maalala talaga. Ang tangi ko  lang naalala ay yong nasa madilim na sulok  ako nang biglang tinakpan ang bibig ko at tuluyang nawalan ng malay.Takot na takot ako noon dahil sa nakit.-" agad kong tinigil ang aking pagsasalita dahil naisip kong di iyon maaring mangyari.

Tinitigan ko syang maigi habang abala sya sa paglagay ng pagkain at juice sa mesa.

"Ganyan talaga siguro  miss..
(napahinto sya sa pagsasalita na tila  pinipigilan nya rin ang kanyang sarili)
-"hayaan mo maa-alala mo rin yan " wika nya sabay ngiti. Napakawerdo  ng mga tugon ni clint na tila may tinatago talaga sya sa akin ngunit binabaliwala ko lang iyon.

"Sya nga pala may dala akong pagkain alam kong gutom na gutom kana." Wika ni Clint.

Ilang oras din kaming nag usap ng binata na tila kilalang kilala ko na sya dati ngunit di ko maalala kung saan at ano ang relasyon ko sa kanya.

"Kanino nga pala tong bahay na to  Clint?" Tanong ko habang patuloy na nginongoya ang beef steak na dala nya.

"Bahay ito ng ating mayor.  Maraming mga taong katulad mo ang nandito  at tinutulungan ni mayor dahil sa masamang nangyari sa bayan natin."wika ni Clint na tila napakasayang nakaupo at tinitingnan ako habang nakakakain.

"Bakit nya naman kinukopkop ang mga tao sa bayan? Tsaka napansin ko nga pla kagabi tila walang katao tao ang lugar kung saan ako nagising.-

-Ano ba ang  nangyayari  sa bayan natin? " biglaang bumulalas sa aking isipan ang larawan ng mga tao na nakita ko sa kagabi sa dilim.

Gusto ko na sana pagusapan yong mga nangyari kagabi kaso biglang sumabat si Clint.

"Wala ka ba talagang maalala kahit isang bagay?"Usyusong tanong ng binata sakin na tila iniisip nyang nagpapangap lang ako.

"Pasensya na Clint gustohin ko mang may maalala, ngunit  wala talagang kahit bakas man lang ng nakaraan ang naalala ko"-malungkot kong sinagot  sya.

Erupa   (on Going / Major Major Editing)Where stories live. Discover now