Dating kakilala

763 66 2
                                    

Naghintay ako ng matagal sa labas hanggang sa dumilim na ang kalangitan ,na sinabayan ng  malamig na hangin at ambon.

Tiningnan ko ang boung kapaligiran hanggang sa nabaling ang aking paningin sa ospital. Napakataas ng gusaling pinasukan na Clint na tila hindi isang ospital.

Matagal akong nagmasid hanggang umabot ang paningin ko sa ikalimang palapag. Nakaramdam ako ng kaba dahil sa napansin kong may  gumagalaw sa bintana.

Di ko masyadong maaninag kung ano ang gumagalaw sa itaas.lumakad ako ng sampong hakbang papalapit sa ospital.

Mga tao pala  na tila dumungaw sa bintana, ay hindi! Di ko masyadong maintindihan kasi nagyayakapan sila habang ipinatong nila ang paa nila sa bintana.

"Naku po... ano bang balak nila at tila magpapakamatay sila"kinakabahang binibigkas habang nakatitig sa kanila.

"Huwag nyo gawin yan!"

"Hoy!!"

"Kasalanan ang magpakama..." napatigil ako sa pagsasalita sapagkat nakita kong tumalon ang isa sa kanila.

Di ko na maintindihan kong ano ang gagawin ko upang matigil sila sa kanilang ginagawa hanggang isa isa silang nagsitalonan.

Nanginginig ako sa aking mga nakita habang di ko mapigilang umiyak.

Wala akong nagawa at wala akong nasabi kundi ....
                         "Bakit?"

Nawalan na ba sila ng  dahilang mabuhay?

-

-

-

Natulala na lang ako habang umiikot sa aking isipan ang mga katagang

"Wala akong nagawa, di ko man lang sila napigilan!"

"Di ko sila napigilan , sunod sunod silang tumalon at nagpakamatay sa building . Wala! ...... wala man lang akong nagawa"

Nilapitan ko kung saan sila nahulog at nag baka sakaling may nabuhay pa ngunit biglang bumuhos ang malakas na ulan. Nagpatuloy ako sa paglalakad at nawala na sa isip ko ang sinabi ni Clint na maghintay sa kotse kung saan  ligtas ako.

Madilim na ang paligid at malapit na ako sa lugar kung saan  sila nahulog.Napansin kong may gumagalaw , nasiyahan ako sapagkat may nabuhay pa pala.

Dahandahan akong humakbang  sa mga basag na salamin ng bintana. Napatigil ako sapagkat ang nakita kong gumagalaw ay  nakaupo sa harap ng mga taong nagpakamatay at ngumunguya.

Napansin kong wakwak ang tyan at puno na ng dugo. Ang nginongoya pala ng taong gumagalaw ay atay at puso ng  nahulog.

"Dyos ko! Anong klasing nilalang ba ito"nasabi ko saking sarili.

Hindi ko naisip na tumakbo dahil sa mga pangyayaring di ko halos mapaniwalaan hanggang sa isaisang nagsilabasan ang mga taong  tila mga halimaw dahil sa kanilang pisikal na anyo.

"Isang panaginip lang to , hindi ito totoo!" -pangongombinsi ko sa aking sarili hanggang sa may humawak sa aking balikat.

"Shiiiiit!"-sigaw ko  sa sobrang takot.

"Miss! Delekado jan umalis na tayo dito napapalibutan na  ng mga edom ang hospital na ito.-wika ng babaeng morena na kulot ang buhok

Bigla nyang hinawakan ang aking kamay  at nagmadaling umalis papalayo sa lugar kung saan natunghayan ko ang kahindikhindik na pangyayari.

"Teka..teka.. ano bang nangyayari don sa kanila?"litonglitong natanong ko sa kanya habang napatigil kami sa kabilang bahagi ng ospital kung saan  nakaparking ang sasakyan ni Clint.

Tinitigan ako ng babae  at sinabing-"Joana? Ikaw ba yan ? Oh my gosh girl  ako to!

Wala akong tugon sa mga sinabi nya kundi  isang  litong mukha.

"Joana ako to! Ako yong friend mo nong Elementary? Remember?  Clasmate tayo "-tuwangtuwang wika nya habang yumayakap sa akin.

"Ahm.pasensya na miss ngunit wala akong maalala"-malungkot na sagot ko.

"Di mo na ba ako naalala joana? Ako to gurl yung clasmate mo sa high school si Erwinda Luis. Naalala mo nong sabay tayong nagaaral ng templar letters , yung code ng templar sinusulat natin sa mesa para kodigo."wika nya

Hinawakan bigla ni erwinda ang aking mga kamay , habang tumatakbo, Nakita ko sa kanyang mga mata na maligaya syang nakita ako ulit.

Sa bandang unahan nakita ko ang mga kasama nya na naghihintay. Dalawang lalaking may karga kargang armas.

"Magtago na tayo ngayong malapit ng dumilim dahil Hahabolin tayo ng mga edom."-wika ng morenong lalaki na kasama ni Erwinda.

"Anu ba yung edom?"-tanong ko sa kanila.

"Edom yung tawag namin sa mga taong malala na ang sakit na Erupa."-sagot ng nakatatandang lalaking kasama namin.

"Erupa?Edom? Ano ba yan? Yung mga edom ba ang tawag sa mga taong nakita ko kainang kumakain ng lamang loob ng tao?-di ko napigilan ang pagtatanong ko kahit na tumatakbo at hinahabol ko ang aking hininga.

"Oo, gurl , paglumala ang sakit na Erupa  nagiging edom sila. Edom dahil yun din ang panahon na kumakain sila ng lamang loob.kaya naman gurl bilisan mo na ang pagtakbo dahil gabi sila lumalabas.

"Lamang loob? Ang ibig mong sabihin ay nagiging canibal sila?"-di ako tumigil sa pagtatanong kahit na nahihirapan na akong tumakbo.

"Oo ,parang ganun na din ,Wala silang pinipili , mapatao man o hayop."-wika ng lalaking binata.

"Paano nyo ba nalaman ang mga eto?"

"Joana naman ano bang nangyayari sayo? San ka ba galing at tila wala kang kaalam alam sa mga nangyayari? , buti pa magpahinga na muna tayo at malayolayo narin ang tinakbo natin"

"Pasensya na wala talaga akong naalala pati pangalan ko simula nang gumising ako"

"Ah ganon ba!pasensya di ko alam na nagkaamnesia ka pala.teka ito pala ang nakakabatang kapatid kong si Noel at ito naman si Zaldy yung kuya namin.

"Hello joana!-sabay nila akong binati

"Joana ba talaga ang pangalan ko?"paniniguradong tinanong ko si Erwinda.

Natagalan sa pagsagot si Erwinda,nang biglang sumagi sa isip ko ang tatoo sa bandang likod. Naisip kong isang clue yon upang malaman kung sino talaga ako.

Erupa   (on Going / Major Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon