Ang masakit na katotohanan

282 56 5
                                    

"Araaaay" bat parang naramdaman ko sa personal ang nakikita ko sa aking isipan, ngunit kahit na masyadong masakit ang nararamdaman ko ay pilit ko paring iniinda dahil gusto kung malaman ang katotohanan tungkol saaking pagkatao.

Tinititigan ko yung babae upang makita ko ang kanyang mukha ngunit kinabahan ako sapagkat tumitig din sya sa akin na parang nakikita nya ako , minulat ko agad agad ang aking mga mata sa sobrang kaba ko.

Nararamdaman ko na unti unti ng bumabalik ang mga alaala ko.

Habang nakatitig sa bintana naalala ko din ang sinabi ni clint noon na ma aalala ko rin daw yung nakaraan ko, ngunit parang kahina hinalang pakingan na tila kilalang kilala nya na ang pagkatao ko at yung pakiramdam na tila matagalkona syang kilala

Ang larawan ni amelia na nakahawak ng espada at sa kabilang kamay naman ay pugot na ulo ang nagpagising sakin sa malalim kong pagkakatulog.Madilim pa ang paligid ngunit napansin ko na wala na si noel sa kwarto. Binalot ng katahimikan ang kwarto hanggang sa may narinig akong putok ng bala.

Nawendang ako lalo nung nakita ko na Pumapasok ang mga edom sa kwarto.

"Tulong!!! Noel san ka na ba?"

Agad agad akong kumilos palabas ng kwarto upang hanapin si noel. Narinig ko ang mga tunog ng paglalakad ng maraming tao na nagtatakbohan patungo sa itaas. Marami rami din ang putok ng baril na pinakawalan.

Binuksan ko ang pintuan sa baba ng nakita ko si Noel na sugatan ang kanyang braso , habang akay akay sya ng isang lalaki papunta sa taas. Nagtaka ako kung saan galing ang mga tao na sobrang dami.

Pumasok lahat sila habang may dala dalang armas. Parang nasa 40 katao ang nandoun sa malaking kwarto.

Agad agad kong nilapitan si noel habang ang iba sa mga taong di ko kilala at tumulong para gamotin si Noel.

"Anu ba ang nangyari noel?"

"Nabaril sya ng kasama namin akala kasi namin kalaban sya"

"Huwag naman sana kayong padalos dalos ! Buhay yan at normal na tao!

"Pasensya na miss di talaga namin sinasadya,Sobrang kabado na yung kasama ko , aksidenti lang talaga ang mga nangyari"

Teka! Di ba ikaw si Amelia? Sabi ng lalaking may katandaan na parang nasa edad 40 na, sya ata ang leader nila.

Nakatingin lang ako sa kanilang grupo habang prinoproseso sa isip ko ang sinabi nya dahil gulong gulo ako sa nangyaring pagbaril kay Noel.

"Noel , tumayo ka jan! BAT KASAMA MO SI AMELIA?SUMAGOT KA! Di mo ba sya kilala,
Sya ang anak ng kalaban natin!

Si amelia bayan? Ka miguel.......sa pagkaka alam ko ay sya ang dahilan bakit kumalat ang erupa!

Tama! narinig ko din na may kinikidnap sila sa bayan para hawaan ng sakit!

Napakasama nyang babae!

Ha? Sya ba yun? Yung galing sa china?

Sya yun! Ang hayop na si amelia!

Itali nyo yang babaeng yan! Isa syang hayop!di man lamg sya naawa sa atin, kung anu ang mga nangyayari sa lugar na ito ay dahil sa kanya at sa pamilya nya. Galit na sinabi ng mga tao sa loobng kwarto

Patuloy silang nagsalita sa harap ko at galit na galit na sinusumbat ang mga kasalanan ko. Di kona masyadaong naintindihan ang mga sinasabi nila tungkol sa akin sapagkat mas nangibabaw ang pagaalala ko kay Noel.Hanggang sa narinig kong sumigaw si Noel.

Hindi sya si Amelia! Itigil nyo yang pagsasalita sa kanya ng masama!
Nobya ko sya.

Joana Reyes ang kanyang pangalan.

Biglang tumahimik ang boung paligid.

Totoo ba yang pinagsasabi mo Noel? Di ako maaring magkamali, kilalang kilala ko sya kahit na nagiba na ang kulay nya .

Kung sya nga si Amelia bat parang ang dungis dungis nya ? Hindi maatim ni Amelia ang ganyang klaseng kalagayan dahil masyado yung mapagmataas , halos di ata yun tumatapak sa lupa.

Narinig ko din na halos lahat ng gamit nya ay nababalot ng ginto! wika ng isang taong kasamahan nila

"Kamiguel marami nang edom ang nakapalibot sa baba, pwede bang maya na muna yan baka naman makagat tayo lahat dito ng mga edom"

Erupa   (on Going / Major Major Editing)Where stories live. Discover now