Ang pagbabalik ko sa bahay

257 56 0
                                    

Sinubukan ko ang bawat damit upang malaman ko kung anu ang bagay sa akin ngunit may nahulog na liham na galing sa pulang damit na isinukat ko ,kaya agad long binasa ang laman nito.
"Para sa kapatid ko,
"Bago ko malimotan ang lahat at tuluyang maglaho ang pagiging ako, gusto kong malaman mo na mahal na mahal ko kayo ni itay, pasensya na sa pagiging mahina ko na nagdulot ng malaking problema sa bayan. kong anu man ang mangyari sa akin sanay wag kayong mag alin langan na paratayin na lamang ako dahil ayaw kong lalong manganib kayo at ang bayan na eto."

Ginimbal ng liham ang aking pagkatao nang binasa ko sa ibabang bahagi ng liham kong sino ang nagsulat nito.Iniisip kong mabuti saan at kelan to sinulat ,kaya agad agad akong naghanap ng lalagyan ng liham , ngunit wala akong nakita.

"Nakakatakot na basahin ang mga sulat na ito dahil ito ay may kaugnayan sa problema namin ngayon at nakakatakot dahil may alam ako ngunit di ko ma alala. Sino ba talaga ako at ano ang kaugnayan ko sa sakit na Erupa"


"Ako pala ang nagsulat sa liham na eto?" Sinong kapatid ? Bat parang alam na alam ko na may kakalat na sakit?"

Tumingin ako sa bawat parte ng kwarto umaasamg may mag papa alala sa aking nakaraan, dahan dahan kong pinikit ang aking mga mata at pinakikiramdman ang mga bagay bagay, huminga ako ng malalim habang nakapikit.

Ilang minuto din akong nakatayo sa kwarto,nang maramdaman kong may biglang humawak sa braso ko.

"Huuuwag po"
Agad agad akong dumilat at nagpumiglas.

"Joana?!"

"Noel, kaw lang pala yan akala ko ay mga edom na gutom na gutom at hihilahin ang braso ko, muntik na akong magka heart attack don Noel ah"

"Pasensya na joana, akala ko kasi anu nangyari sayo kasi di kana gumagalaw"

"May nakita kasi akong liham dito, eto oh basahin mo"

"Napakawierd Noel di ba?

"Na aalala mo ba kong bakit eto ang sinulat mo? Nakakakilabot naman ang laman ng sulat na eto"

"Noel, magsabi ka nga mg mabuti kilala mo ba ako? Bat di kita maalala pati yung ate mong si erwinda? Please maawa ka Noel "

"Pasensya na joana ngunit yung ate ko lang ang nakakakilala sayo , hindi kasi ako dito lumaki."

"Nakakapagtataka lang kasi bat yung pangalan ko ang nakasulat dito, tsaka nung pagising ko sa bahay nina mayor tinatawag nila akong amelia"

.

Biglang pumasok sa isip ko ang mukha ni erwinda at narinig ang boses nya hanbang paulit ulit na sinsabing "di ka parin nagbabago , matigas pa din yung ulo mo Joana R. Lim"

"Joana R. Lim"
"Joana R. Lim
"Joana R. Lim"
"Joana R. Lim"

Paulit ulit kong nadining na tinawag nya akong
"Joana R. Lim"

Biglang tumulo ang luha ko sa halong pagkainis at galit dahil wala akong alam sa mga nangyayari sa buhay ko noun.

Bigla kong napaisip na baka hindi ako si joana at ang mga taong kasama ko ay impostor ngunit anu ba ang makukuha nila sa akin kong magsisinungaling sila sakin ,lalo na sa panahong may delubyo pa.

"Joana, magpahinga ka nalang muna , alam kong pagod kana sa mga nangyayari, hayaan mo kapag naka alis na tayo dito ay magsisimula tayo mg bagong buhay.

Nakapagbugtong hininga ako dahil wala akong magawa kundi maniwala muna kay noel at malalaman ko din ang katotohanan sa bandang huli.

Pagpasok kung saan kami natulog ni noel ay may nakita akong kotselyo na may kalumaan na.

Tinitigan kong mabuti ang desenyo nito ng biglang may na alala ako.

Nakita ko ulit yung matandang lalaki at babae na papalapit sa akin, narinig ko ang sinasabi ng matandang babae na nagsasabing "Amelia ! Amelia!

Habang mahigpit akong hinahawakan ng matandang lalaki.

Erupa   (on Going / Major Major Editing)Where stories live. Discover now