I Less Than - Two

382 21 0
                                    

 "Where have you been Dad?"  Tanong ko ng makitang kararating lang ni Daddy. Pagdating ko kasi wala siya, I guess may business meeting siya na pinuntahan 

 "I went to Bahay Ampunan Iho, where's your Mommy?" 

 "She's in the kitchen"

Umupo si Daddy sa kabilang upuan. Nandito kami ngayon sa sala at nanunuod ng NBA.

 "How was your practice?" tanong ni Daddy

 "It was good Dad. So, nakahanap na po kayo ng kapalit ni Ate?" sagot at tanong ko naman habang nakatutok pa rin sa TV.

 "Well, meron na" 

Napabaling ang tingin ko kay Daddy. Wala kasing nakakapasa sa screening ng volleyball team, hindi ko alam kung tinatamad lang ba ang mga schoolmates ko na mag try outs or hindi sila naglalaro ng volleyball.

 "Who is she?" 

 "Not now Iho, baka paiyakin mo na naman eh" 

 Tumawa lang ako.

 "Dad, you know me. Dapat ang isang professional athlete matapang, kaya nga number one tayo sa curricular at extra curricular school sa buong Pilipinas eh"

Totoo naman pero pagdating sa volleyball kulilat kami kaya yung ibang staff ng school dumadayo pa sa ibang provinces para maghanap ng varsity player sa volleyball para mas lalo pang palakasin ang sports ng school. Hindi naman sila lugi dahil bukod sa scholar sila ng school, libre din yung dorm at allowances nila.

 "I get your point Iho, kaya nga may training 'di ba? And I will assure you, babangon ang Volleyball team ng Alcantara University" 

 "I hope so Dad" sabi ko at nanuod na lang ng NBA. MO

 *****

"Ms. Hyundale, go the the SSC Office" sabi sakin ni Prof Jalondoni. 

 "H-Ho?" 

 Bakit naman ako pinapatawag? Bigla naman ako kinabahan.

 "I said, go to the SSC Office" 

Tumingin na naman sila sakin. Tumayo ako at nag excuse kay Prof. Jalondoni. Pumunta ako sa SSC Office kahit hindi ko naman alam kung bakit ako pinapatawag.

Kumatok ako at binuksan ang pinto. Pumasok ako at nakita ko ang President ng SSC, si Hyacynth Alcantara na nakaupo at hawak2 ang ballpen na pina ikot-ikot sa daliri niya.

"Good morning Ms. President, pinapatawag niyo po raw ako?" sabi ko at ang higpit ng hawak ko sa pantalon kong mahaba.

 She smiled. She looked at me from head to toe. Medyo na conscious ako sa tingin niya. Tumayo siya at nilapitan ako. 

 "So, you're Vinessa Hyundale, right?"

 "Yes Ms. President" 

 She glared at me. 

 "Don't call me that. Just call me Cynth" 

 "S-Sige po. Bakit niyo po ako pinatawag?" pilit kong kinakalma ang sarili ko dahil first time kong makausap ang SSC President

 Bago nakasagot si Ms. President, merong nagbukas ng pinto. 

 "Am I late?" tanong ng lalaki na bagong dating

 "No Dad, you're just in time" sabi ni Ms. President at binigyan niya ito ng halik sa pisngi at bumaling sila ng tingin sakin

 I frowned. Dad? 

 "Good morning Ms. Hyundale" 

 "G-Good morning Mr. Alcantara" sabi ko at nauutal pa. Lumakad si Mr. Alcantara at umulo sa upuan na kinauupuan ni Ms. President kanina. Si Ms. President naman ay tumayo na lang sa gilid ng Daddy niya at tumingin ulit sakin at ngiting-ngiti. Gusto ko sanang kumunot ang noo pero hindi na lang baka kasi masabihan ako na mataray. Mahirap na ayokong may makaaway sa school, as much as possible, ayokong may maka-away dito

I Less Than Three YouWhere stories live. Discover now