I Less Than - Fourteen

309 18 5
                                    

"Essa?"

Lumingon ako sa tumawag sa pangalan ko. Ngumiti ako at hinayaan ang bag ko na nakabukas. Nandito kami ngayon ng team sa bahay ampunan.

"Yes po Sister?" tanong ko at lumapit.

"Pwede ba tayong mag-usap?"

"Opo naman po, syempre. Dito po ba tayo mag-uusap?"

"Doon na lang sa opisina ko"

Mukhang matatagalan siya yata.

"Sige po. Sabihan ko lang po ang team. Susunod po ako" sabi ko at tumango naman si Sister at umalis. Lumapit ako kay Captain

"Cap, Sister wants to talk to me, pwede na kayong mauna" sabi ko

"Ha? Sinong kasama mo pauwi? Mag-gagabi na. Hintayin ka na namin"

"Baka matagalan, mukhang seryoso si Sister eh"

"We can wait Essa, we will make sure na makakauwi ka ng safe. Alam mo naman na mahirap ang panahon, baka marape ka. Di ka ba nanunuod ng news? Dapat kasi death penalty na ang parusa ng mga rapist eh!" inis na sabi ni Captain.

I sighed. Kung sakin rin gusto ko death penalty din ang parusa sa mga rapist na pinapatay ang biniktima nila.

"Sige, dito lang muna kayo"

"Sure" sabi ni Cap at umalis na ko papunta sa office ni Sister Hannah.

Nang makarating ako, kumatok ako sa pintuan ng tatlong beses at binuksan. Pumasok ako at sinirado.

"Sister Hannah, bakit po?" tanong ko kaagad ng makita siyang nakaupo na para bang hinihintay talaga niya ako.

"Opo ka Iha" sabi niya at umupo naman ako malapit sa table niya.

"Di naman sa nanghihimasok ako saýo iha, nalaman ko kasi na Legaspi ang dinadala mo at hindi Hyundale, at tsaka bakit iniiba mo ang mukha o ayos mo sa volleyball court? Ang mga bata kasi sakin nagtatanong na bakit ganyan, bakit mo tinatago ang totoong pagkatao mo? Si Carmina kasi sinabihan sina Juday na kinakahiya mo kung saan ka nanggaling. Alam ko na may rason ka Vinessa, kasi kilala kita. Mabait kang bata at masayahin, pero apektado ang mga bata. Kinukumbinsi ko naman sila na hindi ganoon, pero mukhang ayaw nilang makinig sa akin. Hihingin ko sana ng pabor sayo yan Vinessa na kausapin sila. Pansin mo naman siguro na hindi sila kumikibo saýo"

I sighed. Yeah, nahalata ko nga. I have my reasons naman kasi, yan talagang Carmina na yan, pakialamera kung ano-ano pinagsasabi sa mga kinakapatid ko. 

"Sige po, kakausapin ko po sila"

"Salamat Iha"

" Sige po, pupuntahan ko na po sila at tsaka po, diretcho na po ang uwi namin, baka kasi gabihan kami Sister"

"Sige Iha, mag-ingat kayo" 

Tumayo ako at lumapit kay Sister Hannah. 

"Thank you for everything Sister. After po ng season sa volleyball, outing po tayo" sabi ko at ngumiti

"Naku, matutuwa ang mga bata niyan Vinessa, salamat" masayang sabi ni Sister

"Sige po" sabi ko at umalis at pinuntahan ang mga kinakapatid ko.

"WHAT HAPPENED to you Trail? Mukhang badtrip na badtrip ka dyan?" tanong sakin ni Ate habang papaupo sa sofa at pumikit, napagod siguro. Kararating niya lang yata galing sa practice nila.

"Si Vinessa kasi, I called her many times, but she didn't answer my call!" inis kong sabi

She opened her eyes and she looked at me with amusement in her eyes.

I Less Than Three YouWhere stories live. Discover now