I Less Than - Twenty Two Point Two

260 24 7
                                    

It's been 10 days.

NO Essa Legaspi, NO Vinessa Hyundale. Merong walang pakialam, merong naghihintay at merong umaasa na babalik siya. Ang mga teammates niya ay handa pa rin siyang tanggapin kahit nawala siya na parang bula.

Si Heriah, kahit papano nagiging okay na pero mas lalo pa yatang tumindi ang pagsigaw kapag high blood or galit. Minsan nga pwede na siyang sumali sa guinness world records na loudest voice in the world.

Si Trail, walang pinagbago pero halatang umiiwas na sa babae, hindi naman masabing woman hater, may kinakausap naman siyang babae pero hanggang kaibigan lamang iyon.

Si Hyacynth, hindi pa sila okay ng kapatid, aminado naman na may kasalanan naman siya. Nakausap naman niya ang Dad niya pero ang sabi lang nito "Everything is going to be fine Iha" Naisip niya na nga lang, time will heal the pain pero kilala niya ang kapatid niya. Malalim ang sugat nito. Alam niyang kunting panahon lang naman na nagkakilala sila ni Essa pero who is she to judge the love of his brother to Essa?

Papasok na si Trail sa kanilang bahay ng makita niyang mabilis na bumaba sa hagdan ang Ate niya at nakita siya. Natigilan ito. Kumunot ang noo niya.

"Trail"

"Why in a hurry Ate?" tanong niya ng lumapit ang Ate niya sa kanya.

"I promise to myself na hindi na ako magtatago ng secret from you. So yeah, sasabihin ko lang kahit parang wala kang pakialam"

Mas lalong kumunot ang noo niya.

"Ano ba kasi yun?" pagpupumilit niya

"Ano kasi.. About kay Essa" sabi ni Hyacynth at pinag-aralan neto ang mukha ng kapatid.

"Ah? Okay. No problem with me. Total sa inyo lang naman siya, hindi ko naman siya pag-aari" sabi ni Trail, kahit tunog bitter man 'yun at umakyat sa hagdan. Huminga ng malalim si Hyacynth at nilingon ang kapatid.

"Today is the graduation day, magpapakita siya. Aattend si Essa Trail" huminto ito sa ikalimang baitang ng hagdan. "You know the rule of our school, kapag hindi ka umaattend ng graduation day, hindi mo makukuha ang diploma mo. As I have said earlier Trail, I will no longer keep a secret from you" sabi ni Hyacynth at dali-dali lumabas ng bahay at sumakay sa kotse niya.

Tinawagan kasi siya ni Mads na aattend ng graduation si Essa dahil nasabi raw ng kapatid nito. Alam na rin ng mga kateammates niya na a-attend si Essa kaya nagdecide sila na maghiwa-hiwalay muna sila ng pwesto para madali nilang makita si Essa. Sandali lang nila nakasama ang rookie ng AU pero nag-iwan naman ito sa kanila ng aral at naging mabuting kaibigan. Inaamin man nila na utang na loob talaga nila kay Essa na nanalo sila.

NASA HALL si Hyacynth kasama si Trish, yung ibang teammates nila nasa gate sa unahan, yung iba nasa likod at yung iba nag iikot-ikot. They badly need Essa's explanation. Five minutes na lang magstastart na ang graduation.

"Cap, sure ba si Mads na pupunta si Essa? Kasi according sa teammates natin, di pa nila nakikita si Essa"

"Ewan ko, pero yun ang sabi ng kapatid niya eh. Maghintay na lang tayo" sabi ni Hyacynth at nag-umpisa na ang graduation ceremony.

Parade of Graduates....

No Essa found.

Naghintay pa sila ng kunti pero wala talaga. Dahil maraming courses ang ang Alcantara University, hindi kaya ng hall e-accomodate lahat ng graduates kaya per course ang graduation at ngayon ang araw ng graduation ng CBA or College of Business Administration.

"Trish, chat mo sa GC na bumalik na lang dito sa hall. Maghintay na lang tayo hanggang sa matapos total andito na rin tayo" sabi ni Hyacynth at naghihinang umupo.

Habang naghihintay sila sa teammates nila, isa-isang tinawag ng emcee ang mga graduates.

"Gallo, Marie"

"Gardose, Louie"

"Gerhano, Kevin"

"Ginosa, Lovely"

"Guzman, Wally"

"Hanosa, Erica"

"Hermosa, Albert"

"Cap" tawag ni Steph kay Hyacynth ng dumating sila. Nakita naman niya na dumating ang mga teammates niya. Tumango lang siya.

"Di ba Hyundale ang apelyedo ni Essa, baka nandyan" Ariane

"Kanina pa kami dito, wala siya. Her chair is vacant" sabi ni Trish at tinignan ang upuan. Nasa 50 plus ang number of graduates ng CBA.

"Uwi na tayo?" sabi ni Hyacynth at tumayo. Tumango naman ang lahat ng teammates at tumalikod na sila.

"Honaso, Gerry"

"Hyundale, Vinessa"

Narinig nilang tinawag ang pangalan ni Essa pero hindi na sila nag abalang bumaling sa stage.

"Hyundale, Vinessa" ulit ng emcee.

"Hyundale, Vinessa - Cum Laude"

Narinig nilang napasinghap ang mga tao. Bumaling ng tingin si Trish.

"Shit! Essa is here!" sigaw nito at lumingon sila. Kitang-kita nila si Essa!

Si Vinessa Hyundale!

Nagbihis bilang si Essa Legaspi!

Pero bakit ganoon? Gulat na gulat si Essa na huminto malapit sa back stage? Bakit nandoon siya sa back stage? Doon ba siya nagtatago all this time?

To be continued...

A/N: Reaction pls?


I Less Than Three YouWhere stories live. Discover now