I Less Than - Twenty One

280 19 1
                                    

One week na ang nakalipas nang magchampion ang AU sa volleyball pero walang Essa o Vinessa Hyundale na nagparamdam. Marami ang nagtatanong kung bakit biglang nawala ng parang bula ang dalaga at naging trending pa ito sa social media sites, kahit ibang schools and celebrity ay nagreact din sa nangyari. Hindi rin masasagot ng mga co-players ni Essa, lalo na ni Hyacynth kung nasaan ito. They tried to contact her pero operator lang ng network ang sumasagot, kahit ang bahay ampunan wala ring balita tungkol sa kanya.

Ang huling sabi ni Vinessa sa kanila ay mag a-outing sila kapag tapos na ang championship, pero tapos na nga at walang Essa na lumitaw. Ang huling kita lang kay Essa ay magkasama sila ni Andrew na nagpakilala na fiance nito. Kahit si Andrew hindi na rin nagpapakita sa school at hindi ito sumali sa championship ng basketball kahit naging champion rin ang AU sa basketball.

"Nasaan kaya si Essa? I really missed her. Everytime I called her, si Marian Rivera ang sumasagot at namimiss ko lang siya lalo" sabi ni Step na malungkot. Nasa AU gym sila para magmeeting sa papalapit na victory party.

Noong gabing nanalo ang AU au busyng-busy sila sa yakapan, sa pagtawa at pangcongrats sa kapwa members nila dahil nga sa ilang beses na huli lagi sa standing ay sa wakas nanalo rin sila ng championship award. Nang hanapin ni Hyacynth si Essa dahil magpipicture taking na hindi nila nakita.

"Where's Essa?" tanong na sigaw ni Hyacynth sa mga co-players niya dahil hindi na magkarinigan sa loob ng court dahil maraming tao at maingay ang paligid. Hinanap naman ng mga members si Essa pero hindi nila ito makita.

After nang ilang minuto, awarding ceremony na. MVP finals si Hyacynth at rookie of the year si Essa at si Mads na lang ang kumuha ng award as representative. May konting interview ang isang reporter kay Hyacynth at nagtanong sa pagkawala ni Essa after the game, sinabi rin nito na nahagip ng camera si Essa na tumabok sa exit at may kakaunting fans na nakita siya, akala ng mga ito ay may kukunin lang at babalik pero walang Essang Legaspi na bumalik. Tanging ngiti na lang ang nasagot ni Hyacynth sa tanong, buti na lang hindi na nagpumilit pa ang reporter.

"How's Trail?" tanong ni Ariane sa captain nila.

"Ewan? Parang okay naman siya" hindi siguradong sagot ni Hyacynth

"So, alam niya na?" Trisha

Tumango lang si Cynth. Hindi nga niya alam kung bakit parang wala lang kay Trail ang nangyari. Nang umuwi siya sa bahay nila, inaasahan niyang susumbatan siya ng kapatid or e-coconfront pero walang reaction. As in! Walang wala. Gusto niya sanang tanongin ang kapatid pero baka bumalik lang ang tanong niya sa kanya. In the first place, siya ang naglihim sa kapatid. Dapat sa kanya magalit si Trail at hindi kay Essa, pero galit nga ba? Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Trail at parang kalmado lang ito.

Biglang napatayo si Trish sa kinauupuan. Tumingin ang lahat sa kanya.

"Napano ka Trish?" Ariane

"Cap! Nasaan si Heriah?" Tanong ni Trish kay Hyacynth na biglang lumapit sa kapitana at hindi niya sinagot ang tanong ni Ariane

"Nasa CCTV room lang yun" sagot nito na parang siguradong-sigurado.

"May something ba si Andrew at Heriah?" Tanong ulit ni Trisha at hinimas himas ang baba.

"Ha?" Nag-isip muna siya kung nakita niya si Andrew at Heriah na sweet. Wala namang pumapasok na memories sa isip niya. "Wala naman. Close ba sila? Wala naman sinasabi sakin si Heriah. Paano mo nasabi?" Sagot ni Hyacynth kay Trish na parang nagulat pa dahil sa tanong.

"Kasi napadaan ako sa may cctv room para kunin ko yung libro ko sa locker at nakita kong nagsisigaw si Heriah kasama si Andrew"

"Lagi naman siya sumisigaw" Hyacynth at natawa ng kaunti.

I Less Than Three YouKde žijí příběhy. Začni objevovat