I Less Than - Eleven

349 18 8
                                    


Sinirado ko ang laptop ko at pumunta ng kusina. Grabe talagang mantrip ang mga teammates ko. Hindi ko naman alam na 'yun ang sinasabi kapag busy o hindi macontact ang phone. Tss! Ano kaya ang lulutuin ko? Pero baka mabinat ako? Oo, tama. Mahirap na baka mag-aalala na naman sila sakin, ang ayaw ko kasi sa lahat 'yung may pinag-alala akong tao eh. Padeliver na nga lang ako. Bumalik ako sa sala at tumawag sa isang fastfood chain na bida ang saya. Umupo ako at binuksan ang laptop. 

Ine open ko ang facebook at sabog na naman ang notifications ko. Tinignan ko at maraming tanong kung bakit hindi ako naglaro ng 3 games straight, wala na silang balita sakin. Hmm. Ano kaya ang pwedeng mapost? Aha! Kinuha ko ang phone ko sa table at pumasok sa kwarto ko. I took a picture of dextrose para malaman nila na nagkasakit ako. Bumalik ako sa living room at nagpost ng picture from my phone. Sabi ni Captain magpost daw ako ng picture para malaman ng mga netizens na nandito pa ako or U must say na I am still in team. Marami raw nagtatanong, wala raw silang matinong sagot kaya ito epopost ko nalang with caption na "I'm getting better" I tapped the post button at ayun naupload na. Nasabi rin sakin ni Captain na huwag muna raw akong magpakita sa school o kay Trail siguradong dudumugin daw ako. Magkita na lang daw kami sa bahay ni Ariane, tinanong nila ako kung saan ako nakatira pero hindi ko sinagot kasi nga ayokong may makaalam kung saan ako nakatira.

Nilapag ko ang phone ko sa mesa, ayaw ko munang tignan kung may comment o wala sa FB. Nag open ako ng new tab at tinype ang youtube, dito ko raw makikita ang full video ng CCTV. Nakita ko ang recent post na may title na 'Full CCTV Footage of  Vinessa Hyundale" I clicked the video at pinanuod. Nakita kong hinampas ako ni Heaven ng baseball bat at pinagtulungan nila akong ilagay sa compartment. Natapos na ang video. I sighed. Kaya talaga ni Heaven na patayin ako?

Tumingin pa ako sa ibang video at nakita ko ang pangalan ni Trail Alcantara. Medyo nacurious ako kaya I clicked his video. Napanganga ako sa mga sinabi niya.

"Please help me to find my girlfriend, I love her so much. Please send me any information, kapag may nakita kayo o ano man yan na may kinalaman sa girlfriend ko, magbibigay ako ng pabuya na 200,000 pesos kung sino man ang may alam  kung nasan siya"

The hell?! Is he kidding me? Bakit siya maglalabas ng pera ng ganun kalaki?

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Captain.

"Captain, ano ang pinagsasabi ni Trail na magbibigay siya ng pabuya ha?" Sabi ko na parang natataranta.

"Relax Essa, si Daddy ang nag-alok kay Trail sa pabuya kasi hindi ka talaga namin mahanap"

"Alam niya na ako si Essa?"

"Of course not, pero muntikan na namin sabihin"

"Ha? Bakit?"

I heard her sigh.

"Essa, you can't blame us, parang mababaliw na rin kami sa kakahanap sa'yo kung saan kana ba, kahit may CCTV man ang mall, hindi ka namin mahanap sa compartment ng kotse, hindi nga namin alam kung sino ang kumuha sa'yo at saan ka dinala. Pero teka nga Essa, paano ka pala nakabalik ng condo mo?"

Hindi ako umimik dahil wala naman akong alam. Biglang nagring ang telephone ko kaya nagpaalam muna ako kay Captain.

"Yes Hello?"

"Good noon Mam, there's a delivery for you. Our waiter will deliver the foods in your room. Thank you"

Yes! Tamang-tama gutom na ako.

"Thank you" sabi ko at hinintay na lang ang delivery ng waiter.

Hindi ko ba nasabi sa inyo na may kalapit na hotel itong condominium ko? Bago ako makarating sa condo ko, kailangan ko munang dumaan sa lobby ng hotel at sa tuwing nagpapaorder ako ng pagkain, waiter ang nagdedeliver dito at bayad na. Hindi na ako nagtanong kasi ayokong malaman tsaka libre na rin kaya okay lang. Minsan nga nagpapadeliver ako ng bucket eh para sa mga kapatid ko sa ampunan.

I Less Than Three YouWhere stories live. Discover now