I Less Than - Twenty Four

446 19 30
                                    

"Welcome to 32nd Foundation Day of Iah Travels Corporation!" Sabi ng emcee nang pumasok si Vinessa sa venue kasama si Andrew.

Nagpalakpakan ang mga tao. Dali-dali silang naglakad papunta sa table nila.

"Where have you been Andrew?" Tanong ng Daddy ni Andrew

"Sa labas lang po, Pa. Sinamahan ko lang si Vinessa"

Napatingin naman ito kay Vinessa na namumugto ang mga mata.

"Are you okay, Vinessa?"

Ngumiti siya ng pilit at tumango. Buti na lang may isang staff sa hotel na marunong magmake up at naging maayos ulit ang mukha niya. Andrew decided to bring her at her room dito mismo sa hotel. Nag check in sila kanina para sa event dahil pagkabukas, merong aattenan na meeting si Andrew at siya.

"To give his message for this event, please welcome the OIC of Iah Travels Corporation, Mr. Gerland Alcantara"

Nagpalakpakan ulit ang mga tao. Tumayo si Mr. Alcatara at umakyat sa stage para magbigay ng mensahe.

Napatingin si Vinessa kay Trail at nakahawak lang ito sa wine glass at malalim ang iniisip.

"Do you want to talk to him again?"

Napatingin siya kay Andrew at ngumiti ito. Hindi ba ito napapagod sa kanya? Lagi na lang siyang tinutulungan.

"Soon Andrew and I don't need your help. You always helping me"

Ngumiti si Andrew sa kanya. "Of course, I am your f-"

"Stop Andrew. My gawd! Bati ba naman dito gusto mo e-announce?" Iritang sabi ni Vinessa

Tumawa si Andrew dahil sa reaction ni Vinessa. Natutuwa talaga siya kapag napipikon sa kanya ang babae. Namumula kasi ito kapag naiinis. Ang cute tuloy ni Vinessa.

"Anong pinag-uusapan niyo dyan?" Tanong ng Mama ni Andrew

"Tita, Andrew is teasing me" batang sumbong ni Vinessa

Tumawa naman ang ginang. "Andrew, stop teasing Vinessa, sige ka hindi yan sisipot sa kasal"

"Tss" sagot naman ni Andrew at tumawa na lang si Vinessa at nakinig kay Mr. Alcantara.

"Now, I am turning over the position to the real owner of Iah Travels Corporation. Finally, she made her decision to accept the position. She's tough, she's independent and she's ready to run her parent's company. Please welcome the CEO of Iah Travels Corporation, Heriah Alcantara"

Nagpalakpakan ang mga tao at hinanap ang heir ng ITC. Tumayo si Heriah at pumunta sa Tito Gerland niya. Niyakap siya nito at sinabing,

"This is your moment Heriah, let them know what you've got"

Bumitaw ang Tito niya sa yakap at ngumiti sa kanya. Binigay ang microphone. She sighed.

"Good evening everyone. I am Heriah Alcantara, the CEO of Iah Travels Corporation"

Nagpalakpakan ang mga tao.

"I am so proud of you Heriah" sabi ni Hyacynth sa pinsan habang pumapalakpak. Napatingin siya kay Trail at tulala ito.

"Trail" tawag niya sa kapatid ngunit hindi ito sumagot.

"Sapakin mo nga Ivan"

"Ha?" Nagulat naman ang lalaki sa sinabi ni Hyacynth sa kanya

"Kanina pa yan tulala. We are here to support Heriah, pero yung isip niya nasa hangin. Wake him up"

Ivan's sighed at tinapik si Trail. Napatingin ito sa kanya at tinuro si Hyacynth. His sister is glaring at him.

I Less Than Three YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon