I Less Than - Eight

376 14 1
                                    

A/N: Nabuhay ako. Sorry, nacorrupt files ko. Lahat ng stories ko, wala na. Simula ulit sa una :(

"Our best player of the game is Trail Alcantara, 29 points 4 rebounds and 8 F/Ts. So, Trail what adjustment that Coach Jerry did in your team?"

"Sabi ni Coach Jerry habang nasa locker room kami kanina, umayos daw kami sa second half kasi hindi kami nagpractice ng todo kung matatalo lang kami"

"In your next game Trail, ano ang preparation ng team niyo?"

"Ahm. Siguro mas magfofocus pa kami at isantabi mo muna ang mga personal na bagay kapag nasa laro"

"Beam and Coach Renz, may tanong kayo kay Trail?” tanong ng courtside reporter sa dalawang announcer.

“First of all Trail, congrats sa team niyo” Beam

“Thank you Idol”

“Trail, matanong nga kita kung sino ‘yung babaeng kasa-kasama niyo sa locker room? Nahigit kasi ng camera naming na sumama siya sa inyo after the first half”

“Ah. She’s my girlfriend”

“Wow! Kaya pala inspired na inspired ka kanina sa court”

“Hindi naman Idol”

“Ikaw Coach Renz, may tanong k aba?”

“Trail, maganda ang pinakita mong mga moves, meron pa ba kaming aabangan sa team niyo for your next game?”

“Meron pa, we will do our best to our next game lalo na hindi basta-basta ang kalaban” sagot ko naman

“Kasama ba ulit ang girlfriend mo?” tanong ni Coach Renz

“Let’s see kung manunuod siya ulit”

“May gusto ka bang batiin Trail?”

“Hello po sa Alcantara Family, specially kay Mommy, Daddy na nanunuod ngayon. I will explain later po, tapos hello din sa pinsan kong si Heiriah and sa girlfriend ko na nanuod sa game, thank you” sabi ko at hinintay muna nag cue na pwede nang umalis.

Bumalik ako sa bench naming at hinanap si Vinessa pero hindi ko siya makita.

“Coach, where’s Vinessa?”

“She left Alcantara, pinapasabi niya na ‘wag mo na lang daw siyang sundan dahil may exam pa siya"

I just nodded at pinunasan ang pawis ko. I never thought that Vinessa Hyundale is a good observant.

"You are lucky Alcantara, you have a girlfriend who can support you through her presence and her words"

Ngumiti ako ng pilit kay Coach at bumalik sa locker room.

*****

Palabas pa lang ako ng classroom ko after exam ng may tumawag sakin. I saw Captain's number flashing on my phone. Sinagot ko ang tawag niya.

"Bakit?" Tanong ko kaagad baka kasi emergency.

"Vinessa Hyundale! Boyfriend mo ang kapatid ko? You watched their game! Did you know that the two of you are now trending on Twitter and Facebook?!"

Nilayo ko kaagad ang cellphone ko sa tenga ko. Buti na lang wala masyadong tao sa school dahil na rin sa volleyball at basketball.

"Let's talk about tomorrow, nandito pa ako sa school eh, pauwi pa lang"

"Ingat ka Essa, be ready tomorrow malakas ang kalaban natin"

*****

Kapapasok ko pa lang ng locker room ng salubungin ako ng mapanuring mga mata. Oo, MGA mata dahil nandito na naman ang lahat ng teammates ko. Hindi ko alam kunh bakit sa tuwing may issue sa akin eh lahat sila nandito.

I Less Than Three YouWhere stories live. Discover now