I Less Than - Eighteen

277 15 1
                                    

Kararating ko lang sa kwarto ko at humiga. I sighed. Championship na bukas at ilang araw na lang gagraduate na ako. Narinig kong nagriring ang phone ko. Bumangon ako at kinuha sa bag ang phone ko. Kumunot ang noo ko dahil unknown number ang lumalabas sa screen. I decided to take the call.

"Hello?"

"Ms. Hyundale?"

Hindi ako umimik. The voice is familiar, pero hindi ko matukoy kung sino.

"This is the VP of Alcantara University"

"S-Sir! Good evening po" sabi ko. Bakit siya napatawag? 'Wag niyang sabihin na...

"Good evening too Ms. Hyundale, it's time to know the last agreement"

I sighed. "Okay Sir, ano po yun?"

"ATE? BAKIT NGAYON KA LANG?" tanong ni Trail sa Ate niya mukhang pagod na pagod.

"Syempre finals na sa friday. Tied kami sa series ng ADCU kaya kailangan doble kayod"

"Wag mo kasing pressuren ang sarili mo. You have a team and I saw the first game Ate, kahit hindi man lagi pumapasok si Legaspi, panalo pa rin kayo"

"No. Hindi ako makakampante lang Trail. Habang kaya ko pa, bibigay ko ang best ko" sabi ni Cynth at umupo sa sofa. "Trail?" tawag sa kanya ng Ate niya na ngayon ay nakapikit na.

He shook his head. Ang tigas talaga ng ulo.

"Yes Ate?"

"Nagugutom ako"

Tumawa siya. "Okay. I'll get your food. Dito ka na lang kumain sa living room. I'll be back"

"Okay" antok na sabi ng Ate niya. Pumunta si Trail sa kusina at inutusan ang kasambahay nila na maghanda ng dinner para sa kapatid niya at nang maihanda, bumalik siya sa sala at naabutan niyang tulog na ang Ate niya.

He looked at her sister. Kahit brat ang kapatid niya, mabait naman ito at lagi siyang tinutulungan sa lahat ng bagay kahit naiinis ito sa kanya. He loves her Ate so much kahit noong nakipaghiwalay siya kay Katya, nabigla lang siya noon. He loved Tanya too, but he will choose his sister over his woman dahil ayaw niyang masaktan ang Ate niya.

Nagpapasalamat na rin siya sa Ate niya dahil kung hindi siguro nasabi sa kanya ang tungkol sa boyfriend ng kapatid nito at sa girlfriend niya baka hanggang ngayon niloloko pa rin siya. Nilagay niya ang tray sa table at ginising ito.

"Ate?"

Hindi sumagot. He sighed. Gustohin man niyang 'wag istorbohin ang Ate niya sa pag-tulog, inistorbo niya dahil nagugutom daw ito.

"Ate, kumain ka na at matulog"

Tinapik-tapik nito ang balikat at nagising si Hyacynth.

"Bukas na lang ako kakain" antok na sabi ng Captain ball ng AU.

"No. Whether you like it or not, kumain ka Ate. Sige na" pagkumbinsi niya sa Ate niya.

Tamad na kumilos si Cynth. Trail sighed again. Kinuha ang pinggan at sinubuan ang kapatid ng pagkain.

NASA FOURTH SET na ang Alcantara Univeristy at 10-10 sila ng Arancillo Dela Cruz University. Maganda ang laban kung kaya napuno ang isang sikat na venue kung saan lagi nagcoconcert ang mga singer mapa-Pilipinas man o ibang bansa. Nagtime out ang ADCU dahil nasa ADCU ang bola.

Makikita sa volleyball team ng AU na desidido silang manalo ngayon dahil after 10 years, nakabalik ulit sila sa championship.

"Cap, okay ka lang ba?" tanong ni Arianne kay Hyacinth. Tumango lang ito at nakitang nakabenda ang talampakan niya. Lihim siyang napamura, bakit ba kasi siya natapilok habang hinahabol ang bola sa 3rd set, kaya ayan hindi na siya makalaro. Kahit kaya niya naman pero ayaw siyang payagan ni Essa. Tumingin siya kay Essa at nakita niya itong nagste-stretch kasama ang mga co-players niya. Para kasing may mali, napasobrahan yata ang pagiging seryoso nito. Narinig niyang pumito ang referee at nagsibalikan ang mga co-players niya sa court. She sighed, sana kasama siya dun.

I Less Than Three YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon