I Less Than - Six

352 16 0
                                    

"Bakit ngayon ka lang?"

Bungad kaagad sakin ni Captain habang papasok pa lang ako ng pintuan. Hindi ko siya tinignan at sinirado ko ang pintuan at tumingin ako sa kanya.

"Whoah!" sabi ko na gulat na gulat. Paano ba kasi nandito lahat ng mga teammates ko. Sa Arena ako dumiretso, kunyari nanunuod tapos pupunta sa dinaraanan ng mga players at pumasok sa locker room.

Nagtawanan naman sila dahil sa reaction ko.

"Teka, ang aga niyo yata?" Tanong ko at binaba ang bag.

"Well, tinawagan ko sila narinig pa lang nila na hindi ka maglalaro eh, parang kabute na susulpot na lang bigla dito" natatawang sabi ni Hyacynth

"Bakit hindi ka maglalaro?" Trish

"Oo nga naman Essa, may problema ba? Sabihin mo samin para makatulong kami" Wena

Tinignan ko si Captain.

"Ang daya mo naman Cynth, naghanap ka pa talaga ng kakampi ah?" Sabi ko

Tumawa lang siya.

"Ano ba kasi ang problema Essa? Di ba friends mo kami at pamilya na rin? We can help you" sabi naman ni Lara

I sighed. Kinuwento ko ang nangyari sa fastfood, except kay Trail at sa EX niya.

"Natatakot ako na mas lalo nila akong susundan o ano, ayoko talaga ng atensyon, gusto ko lang tulungan ang mga kapatid ko sa ampunan at syempre, para inyo dahil alam kong mahal na mahal niyo ang sports na 'to. Nakita niyo naman na kung gaano kaadorable at masaya ang mga bata dun di ba?" Sabi ko.

"You know Essa, para matigil na ang curiosity ng mga tao sa'yo ay gumawa ka kaya ng social media account, para doon na lang sila mag-abang, kasi kapag hindi ka nagpaparamdam, mas lalo silang nagiging interesado sa'yo" sabi ni Ate Hym at napatango-tango na lang ang mga teammates ko.

"Tama si Ate Hym, Essa" sang ayon naman ni Captain at sinugundahan naman ng mga teammates ko.

"Hindi ako mahilig magpost ng pictures" sabi ko

"Essa, hindi naman lahat dapat photo ang epopost eh, pwede rin na einvite mo ang mga schoolmates natin para panuorin ang laban natin diba?" Step

"O di kaya mga inspirational quotes mo na sinasabi sa amin, para ang mga tao sa social media mo na lang mangungulit" Yesha

Pinag-isipan ko ang offer nila sakin, mukhang tama naman sila.

"Sige na nga, pero facebook lang ha?" Sabi ko at tumango naman sila.

"Mamaya na lang ako gagawa" sabi ko

"Wag na, nagawan ka na namin bago ka pa dumating, friends mo na kami" sabi ni Ariane

"Wow ha? Pinaghandaan" sabi ko at ngumiti lang sila.

"Magpost ka na, para mashare na namin sa social media accounts namin ang account mo para matigil na rin ang pangungulit nila samin, at hindi lang naman ikaw ang magulo ang buhay Essa, simula ng nanalo tayo, marami ng nagfollow at nagpapapicture sa amin" sabi ni Lara

"Ready na kayo?" Tanong ni Step at tumango naman sila. Napailing na lang ako.

"Okay, ano ang email ko at password?" Tanong ko at binigay sakin ni Trish. I downloaded the FB App, at ininstall at inopen ang FB ko.

"Post kana, para mascreenshot namin" sabi ni Trish.

I sighed at nagtype.

This is my official facebook account only. Please don't send me flood messages on my account and don't tell me that I am snob because I have two hands only. I am reserving my hands for the game. I am not a robot to accomodate you. So please. Thank you.

I Less Than Three YouWhere stories live. Discover now