I Less Than - Sixteen

312 18 10
                                    

Author's POV

Nakatingin si Heriah kay Andrew na nagpapractice ng basketball para sa championship. Hinanap niya ang pinsan niya pero 'di niya nakita. Binalik niya ang tingin niya kay Andrew. He looks so serious while dribling the ball. Nakita niyang pumwesto si Andrew sa 3-point line at initsa ang bola.

3 points!

She smiled. Darn! He looked so hot on that shot! Napatingin sa gawi niya si Andrew. Nagulat si Heriah at biglang tumakbo sa control center na kung saan siya ang namamahala sa CCTV. Naupo siya sa harap na maraming LED TV. Mga CCTV Cameras sa Alcantara University, kung saan niya nakikita lagi ang lahat.

She sighed.

Naalala niya na naman ang naabotan niyang may kausap si Andrew sa cellphone.

"Damn it" she whispered. Nagring ang cellphone niya at sinagot ang tawag.

"Anong kailangan mo?" Malamig niyang tanong sa tumawag

"Whooa! Bakit ang lamig ng boses mo?" Rinig niyang tanong ni Trail sa kanya

"Wala kang pakialam! Ano bang kailangan mo?!" Inis niyang tanong.

"Easy there cousin"

Naiinis na siya. "DAMN IT TRAIL! TELL ME WHAT YOU WANT?!"

"Good! Ganyan nga. Yan ang pinsan ko! Laging nagmemenapause Anyway, text mo sakin kung saan si Vinessa. I need to talk to her. Bye"

Napabuga siya ng hangin at ibinababa ang cellphone. Hinanap niya naman sa LED TV kung saan si Vinessa at nang makita niya tinext niya kaagad si Trail. Tumayo siya at nagdecide na umuwi na lang. Lumabas siya sa control center at nilock ng mabuti ang pinto.

"Heriah"

Nabitawan niya ang susi at unti-unting lumingon. It's Andrew looking her intently. Tumikhim siya at dali-dali niyang pinulot ang susi.

"I need to go" sabi ni Heriah pero aakma na sana siyang lumakad ng hawakan siya ni Andrew sa wrist.

"Are you avoiding me?" Andrew

"Of course not, bakit naman?" Tanong ni Heriah at ngumiti ng peke

"Don't give me that smile Heriah, I know it's fake"

Napabuga si Heriah ng hangin at tumingin ng seryoso kay Andrew.

"Anong kailangan mo?" Mahinahin niyang tanong kahit gusto niya ng sumigaw sa harap nito. Sa madaling salita, Andrew is her weakness.

"Can we talk over dinner?"

Nagulat siya sa tanong ng binata at 'di niya inaasahan 'yun dahil lagi siya ang nag-iinvite dito. Yeah. Kakababae niyang tao, siya pa talaga ang nagyaya, well she doesn't care at all. She promotes gender equality.

"We are talking now Andrew, and you know I am calm now, hindi ako mahirap kausapin" mariin niyang sabi lalo na ang huli. Hindi umimik si Andrew at tinignan lang siya. Lumakad na si Heriah ng magsalita si Andrew.

"I'm sorry Heriah..." Huminto siya. "....I'm sorry for hurting your feelings"

Hindi niya inaasahan na biglang tumulo ang luha niya. Hindi siya iyakin, pero oo nga pala, Andrew is her greatest weakness. Napakuyom siya nang kamao.

"I'm reall-"

Di niya pinatapos na magsalita si Andrew. Nilingon niya ito.

"FUCK YOU ANDREW! I HATE YOU! SANA SINABI MO NUNG UNA PALANG! EH DI SANA OKAY AKO! GAGO KA RIN! ALAM MO PALANG MAY FIANCE KA, LUMANDI KA!" sigaw niya at nag-uunahang tumulo ang luha niya. Wala na siyang pakialam kung ano ang itchura niya dahil ngayon masakit na masakit ang puso niya.

I Less Than Three YouWhere stories live. Discover now