I Less Than - Twenty

275 22 4
                                    

NASA LOCKER room silang lahat habang nagdedecide ang management ng association kung ano ang decision tungkol sa nangyari.

"Sa tingin mo ba Cap, tayo na ang champion?" Tanong ni Ariane habang palakad-lakad, ang mga teammates nila ay naka-upo lang sa upuan.

"Stop walking Ariane, nahihilo ako sa'yo" inis na sabi ni Trish

"I can't. Natetense ako" Ariane

"I don't know. I can't say that" sagot ni Cynth sa kay Ariane at nagbuntong hininga

"Kung ikaw tatanongin Cap, kung sa atin ang decision, what will you do? Or what will your decision?" Steph

Lahat ay tumahimik sa tanong ni Steph kay Cytnh.

"Kung sa atin man manggaling ang decision, gusto ko isang set lang for championship, 2-2 na kanina eh"

"You mean nanalo tayo sa 4th set?" Gulat na tanong ni Essa

Tumawa sila.

"Oo Essa, ikaw kasi eh nag walk out ka kaagad" Steph

"Talaga? Akala ko talaga mananalo na ang ADCU, kasi sunod-sunod na ang tawag ng referee"

"Nope, si Mads nagsuggest na magstay sa position na lang, kanya-kanyang adjustment at kung magseset na lang 'wag na yung usual na pagtoss natin, kaya ayun" Captain

Tumingin si Essa kay Mads at ngumiti siya.

"Wow! Good job Mads at sa inyo guys! Pag umalis ako, kaya niyo na. So proud of you all girls!" Masayang sabi ni Essa pero napangiwi siya ng makitang nakasimangot at masama ang tingin sa kanya

"A-Ahm. He-He. Joke lang. Kayo naman" palusot ni Essa at kumamot sa ulo. Bakit niya ba kasi binubuking sarili niya?

"Essa" Ate Hym

"Po?"

"Paano mo malulusutan ang kanina? Yung boses mo at yung ngiti mo. Panigurado yan ang magiging tanong talaga ng media sa inyo, mas lalo na sa inyo at baka alam na ni Trail na ikaw si Essa at Vinessa ay iisa"

Naisip na yan ni Essa nang simulang ibuka niya ang bibig niya kanina para e cheer up ang team nila. Bahala na si batman at tsaka buo na decision niya after ng championship, aalis na siya.

"I know Ate, pero hanggat wala pa naman, wag ko na munang isipin, iisipin ko na lang pag andyan na. May game pa tayo kaya doon lang muna. Tsaka malulusotan ko rin naman yan. Andyan naman si Captain eh" sabi ni Essa at ngumiti.

Napakamot na lang sa ulo si Cynth at tahimik lang ang lahat sa sagot ni Essa, may kanya-kanya silang naiisip sa nangyari nang may kumatok. Binuksan ni Mads ang pintuan at niluwa nito ang isa sa mga committee.

RING NG RING ANG cellphone ni Essa habang papunta sila sa bahay ampunan para magpractice dahil nagdecide ang association na ipagpatuloy ang fifth set pero yung captain ng ADCU ay hindi na makakalaro kahit kailan, pati ang referee kinasohan na rin. At sinigurado ng association na wala nang mangyayaring bayaran na magaganap sa next game.

"Silent mo kaya Essa" sabi ni Trish. Ang tinutukoy neto ang cell phone niya

"Sino ba yan?" Cynth

"Si Trail"

"Yeeeeeeeeeei" tukso sa kanya ng nga teammates niya. Hindi siya nagreact. Kahapon pa tumatawag si Trail sa kanya pero hindi niya sinasagot. Natatakot kasi siya na baka alam na neto ang totoo, na baka sumbatan siya or what. Mayamaya hindi na tumunog ang cell phone niya.

Trail stopped calling her. Buti naman kung ganoon. Kailangan niya muna magfocus sa game bago niya harapin si Trail kung ano man ang nalaman nito or wala. Tataposin niya muna ang laro at kapag tapos na, saka niya haharapin ang lahat.

I Less Than Three YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon