I Less Than - Ten

351 18 7
                                    

Nandito ako ngayon sa mall para bumili ng mango shake. May blender naman sa bahay pero hindi ako marunong magkudkod ng manga kasi hindi ako kumakain ng fruits. Oo na, ako na ang hindi buong healthy. Hindi buo kasi kumakain din naman ako ng gulay.

After kong bumili, pumunta na ako sa parking lot at may biglang pumalo sa ulo ko. Nandilim ang paningin ko pero naririnig ko ang pangalang Heaven at parang tinatalian nila ang paa ko at kamay. Binuhat nila ako at nilagay sa hindi ko alam at nawalan ng malay.

*****

Nadatnan ko si Ate sa sala na parang hindi mapakali.

"Ate, are you okay?"

Napatingin siya sakin habang ang phone niya nasa tenga niya.

"Si Essa kasi"

Their rookie?

"What about her?"

"Kanina dapat magkikita kami para sa huling practice eh, pero hindi siya sumipot. Kanina ko pa siya tinatawagan, hindi siya sumasagot.

"Pinuntahan niyo ba ba siya sa bahay niya?"

Hindi kaagad nakassgot si Ate, wag niyang sabihin na hindi niya alam?

"Hindi namin alam kung saan ang condo niya"

"What?"

"Huhu. Trail, help me please?" Sabi ni Ate na umiiyak.

"Sige Ate, I'll help you"

Kinuha ko naman ang phone ko at tinext silang lahat. Biglang tumawag si Lorence.

"Hello Dude?"

"Nandyan si Hyacynth?" Lorence

"Oo, nasa tabi ko"

"Give your phone to her"

Binigay ko naman ang phone ko kay Ate.

"Hello? Lunch time na. Sabi niya bibili raw siya ng mango shake. Sige, thank you Lorence" sabi ni Ate at binalik ang phone sakin.

"Samahan mo ko Trail sa paghahanap. Sabi ni Lorence, sasama niya raw sina Herrick at Ivan.

Tumango naman ako at dali-daling sumakay sa kotse.

*****

Third Person's POV

Pumunta siya sa mall at dumiretcho sa CCTV room.

"Good morning Sir" bati sa kanya ng operator. He just nodded.

"Find this girl now" sabi niya at pinakita niya ang picture ni Essa.

"Sir, tignan niyo 'to"

Dali-dali naman siyang tumingin sa monitor at bigla siyang tumakbo sa parking lot.

*****

Ramdam ko ang kirot sa kaliwang ulo ko. Minulat ko ang mga mata ko. Bumangon ako at nalaman kong nasa condo ako. Anong nangyari?

Naalala ko na nasa mall ako para bumili ng mango shake. Tapos pumunta ako ng parking lot at may pumokpok sa ulo ko. Biglang kumirot ang sugat ko.

"ARAY!" Sigaw ko at may narining akong kumalabog. May isang babaeng lumapit sakin, all white ang suot niya.

"Ms. Hyundale, kamusta ang pakiramdam niyo?"

I frowned and she just smiled.

"I am your personal nurse Ms.Hyundale"

Personal nurse?

"Ha? Teka. Bakit ka nakapasok sa condo ko?"

"Hindi ko po masasagot yan Ms. Hyundale, kumikirot pa po ba ang sugat niyo?"

I Less Than Three YouWhere stories live. Discover now