I Less Than - Five

366 22 3
                                    

Pagkadating na pagkadating ko sa court niyakap kaagad ako ng mga teammates ko. Yumuko kami kasi part rin yun ng pag-uusap namin, ayoko na may makakilala sakin na schoolmates o ibang tao. Alam kong medyo nakakasagabal yun sa kanila pero they respect my decision.

"Essa. Waaa! Bakit ngayon ka lang?" Trish

"Sorry, traffic eh" sagot ko

"Kaya ba natin?" Step

I smiled. "Oo naman. Give me a good 5 set Trish and Step, para makapag time out ang SU, sinabihan ko na rin si Ate Hym kung ano gagawin ni Captain, kaya ako muna ang babanat, babawi lang. Wena, Ariane and Yesh, segundahan niyo ako. Okay?"

Tumango naman sila at nagsibalikan kami sa pwesto namin. Balik ako ulit sa dull face, alam kung napaka ewan ng reason ko, pero ayoko talaga na may atensyon. Ayoko.

Nasa SU ang bola at nagserve, short server ang number 8 nakuha naman ni Trish, dahil siya ang libero, sinet ni Step at tumalon ako at nagspike.

Hindi nila nasangga. Nakita ko naman na natuwa ang teammates ko kaya nagkumpulan kami ulit at yumuko.

"Good job Essa" sabi ni Trish

"Kayo rin, apat pa" sabi ko at ngumiti. Napatuloy ulit ang laro hanggang sa 5-0 na. Humingi ng time out ang SU at bumalik kami sa bench.

"Good job guys!" Sabi ng Captain namin. Ngumiti silang lahat except sa akin. Tumayo ako at pumunta sa gitna, kaya nagsipuntahan rin sila at yumuko.

"Grabee. Feeling ko pinag-uusapan tayo kasi yumuyuko everytime na nag-uusap eh" natatawang sabi ni Wena kaya nagtawanan na rin kami.

"Essa, salamat kasi dumating ka" sabi ni Captain sa akin.

"Hala. Wag nga kayong magthank you sakin, hindi naman natin magagawa 'to kung wala ang isa't isa di ba?"

Tumango naman sila isa-isa. "Cap, did you observe?" Tanong ko

"Yeap, so guys ganito lang ang gawin natin, kapag nagseserve ang kabila, sukatin niyo kung aabot sa pwesto niyo o sa likod niyo, sabihin niyo "short" kung abot niyo, pero kapag hindi, sabihin niyo "back" para may sasalo, okay?"

Tumango naman sila. Tama naman ang observation ni Captain, palaging nakaka ace ang SU eh. Bumalik na kami sa court. At nagserve si Trish pero hindi sumablay sa net kaya nagtaas siya ng kamay na nagsosorry sa Captain, nag okay sign lang si Captain at ngumiti. Lihim akong napangiti dahil walang nagsisihan sa team namin, hindi katulad noon sa practice na nagsisihan.

Tumabi ako kay Step.

"Step, samahan mo ko sa block" sabi ko at tumango siya. Tinignan ko naman ang ibang teammates ko at tumango sila. Ilan lang 'to sa mga routines and set na pinaractice namin. Nagserve na ang SU at sumigaw si Wena na back, binalik ni Wena ang bola dahil masyadong malakas ang serve. Balik kami sa pwesto namin at naghanda sa spike ng SU. Tumalon kami ni Step at nablocl namin. Puntos ulit. 6-1. Hanggang sa humingi ng time out si Captain, dahil 13 - 11 na, lamang kami ng dalawa, hindi ako nagsalita dahil nakatutok ang camera.

"Trish, palitan ka na muna ni Lara" sabi ni Captain at tumango si Trish. Nahalata na siguro ni Cap na napapagod na si Trish, itfo naman kasi si Trish, ayaw rin magpahinga eh. Dapat sa volleyball, kapag nakaramdam ka ng pagof, sabihin mo agad sa coach o sa captain para palitan ka para hindi na lumala o masyadong mapagod dahil may susunod pa na laba.

May sinabi si Captain pero hinsi ko na pinakinggan, tinitignan ko kasi ang Arena at lalong dumami ang students at nakatingin sa side namin.

We heard the whistle at hudyat na yun na tapos na ang time out namin. Bumalik na kami sa court at yumuko ulit

I Less Than Three YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon