Chapter 3

221K 6.7K 704
                                    

Lauren's POV

"Clark para saan ba 'to?" tanong ko kay Clark habang hawak ang kwintas na nakasabit sa aking leeg.

Narito kami sa garden ng University. Pareho kasi kaming wala pang klase. Nagkataon na pareho kami ni Clark na walang professor. Nilingon niya ako at tinaasan ng kilay.

"Necklace?" he sarcastically said.

Binatukan ko siya sa inis kaya agad siyang napasimangot. I also frowned at him and held the pendant of the necklace tightly.

"Eeeh! Ang weird kasi. I mean, maganda pero parang hindi siya normal na necklace," saad ko at tinitigan iyon nang mariin.

It's a violet crystal that was cut beautifully na may maliit na pula na kung ano sa loob. Hindi ko alam kung ano ang nasa loob. Then may kasama siyang parang balahibo ng manok pero kulay pink. Binigay ito sa 'kin ni Mama noon. Ayaw niya nga ipahubad sa 'kin eh. Pero minsan, sa bahay ay hinuhubad ko 'to kapag napagtripan ko. Minsan kasi ay sagabal siya sa pakiramdam.

"Tss, paranoid. Basta 'wag mong tatanggalin sa leeg mo ang kwintas na 'yan," seryosong saad niya. Parang gusto ko tuloy kabahan dahil sa ekspresyon niya. But I just shrugged it off.

Is this some kind of dream catcher? Pero crystal 'to eh. Mukha pa namang mamahalin. Benta ko kaya? Magkano kaya kapag nabenta ko 'to? Napangisi ako sa naisip.

"Hoy, babae? Ano na namang nginingisi mo riyan? Wag ka magkamaling ihiwalay sa leeg mo 'yan," saad niya. Lumabi ako ngunit pinandilatan lamang niya ako ng mata.

Napakamot naman ako sa ulo. Curiosity is killing me! Hindi ako mapalagay. Parang may something talaga, eh!

Nag-commute lang ako papasok. Hindi ako nasundo ni Clark dahil may gagawin daw siya. Okay lang naman iyon kahit medyo sanay na akong sinusundo niya. Araw-araw na iyon kapag may pasok. Sa ngayon ay sumakay ako ng tricycle. Nakakamiss nga, eh. Kahit naman ang isang dyosang katulad ko ay sumasakay rin sa tricycle. Mahal kaya taxi! 'Tsaka natatakot ako sumakay doon.

Pagdating ko sa campus ay biglang nanlalaki ang mata ng ibang estudyante. They look at me na parang pagkain ako. Shit, ano bang nangyayari sa kanila? Alam kong maganda ako pero 'di ako pagkain. Medyo kinabahan ako dahil sa kakaibang titig nila sa akin. Oh my ghad talaga!

Tumatakbo palapit sa akin si Clark. Maya-maya ay biglang nag-iba ang reaksiyon niya. Bakit mukhang gutom sila lahat? Napangiwi ako at kinunotan siya ng noo.

"Fuck! Where's your necklace!" galit na sigaw nya.

Halos mapatalon ako sa pagkabigla dahil sanay akong mahinahon siya. Lumayo siya at tila pilit na kinakalma ang sarili. Lalo akong nagtakha sa kinilos niya!

Nakakagat labi siya at nanlaki ang mata ko nang makitang umaagos ang dugo dahil sa madiing pagkagat niya sa kaniyang labi.

"A-ah eh, nakalimutan ko isuot eh. Nahubad ko kanina. Hehe," I awkwardly said.

Naiilang talaga ako. Lahat sila nakatingin sa akin. Shocks! Alam kong maganda ako pero, tama ba na tignan nila ako sa ganiyang paraan?

Tila nahihirapang lumapit sa akin si Clark at mahigpit na hinawakan ako sa braso. Huminga siya nang malalim.

"Y-you need to get out of h-here. I-isuot mo ang kwintas mo."

Iba ang boses siya. Tila namamaos at nahihirapan. His face is also pale and his lips. Hinawakan ko ang mukha niya sa pag-aalala, pero agad niyang tinabig ang aking kamay. Napamaang ako at gulong-gulo na.

"G-go now." Tila hirap na hirap niyang sabi.

"Intoxicating smell."

"She has the sweetest scent among all."

Nagsitaasan ang balahibo ko sa ibang boses na narinig. Ako ba pinag-uusapan nila? Pero hindi naman siguro. Imposible na maamoy nila ako, eh, medyo malayo kaya ako sa kanila. At parang ang creepy naman, 'di ba?

May lumapit sa aking lalaki pero agad hinarangan ni Clark.

"Stay away from her!" galit niyang sabi sa lalake.

"You can smell it too, right. Come on. Mag bigay ka naman, hindi 'to makararating sa hari," nakangisi niyang saad.

He stared at me and licked his lower lip. Napaatras ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko maintindihan but I'm sure something bad is going to happen.

"We can't drink even a drop from her. King Cali will surely kill us." Hirap na sabi ng babae sa may gilid.

Kumuyom ang aking kamao. Damn! Ano ba talaga ang nangyayari?

Biglang dumating si Lailyn, her expression is the same but she looks better.

"Umuwi ka muna, Lau. Bumalik ka na lang, and make sure to wear that necklace." Dire-diretsong sabi niya. Tila hindi na siya lumalanghap pa ng hangin.

"Teka, bakit parang 'di ka humihinga?" takhang tanong ko at pinagmasdan siya.

Hinawi niya ang buhok at umismid.

"Tss, ang dami mong napapansin! Umalis ka na," pagpapaalis niya sa akin.

Hindi naman siya mukhang galit but there is an urgency on her voice, kaya sumunod na lamang ako. I shrugged my shoulder before turning my back.

Weird talaga ng mga tao dito. Halos mapuputla at pulang-pulang labi. Wala ring mga matataba rito. Lahat ay tama lang ang katawan. Tapos ngayon pinag-uusapan nila ang amoy ko at pinapaalis pa ako. Isn't that creepy?

Dire-diretso akong lumakad. Ang mga nadadaanan kong estudyante ay biglang lumalayo. Ang iba ay nagtatakip ng ilong. Napalabi ako at inamoy ang sarili. Hindi naman din ako mabaho. Ano ba ang problema nila sa akin? Hindi naman sila ganito noong mga nakaraang araw!

Malaya akong nakalabas ng gate. Tumigil ako sa harap ng tarangkahan at tiningala ang mataas ng gate. There is really something weird about here.

Vlad Zacher University. Kakaiba, 'di ba? Ang pangalan ng paaralan na parang masyadong westernized. Minsan nga parang jeje ang dating niya sa paningin ko.

Saan kaya nagmula ang pangalan na 'yan. Pangalan kaya 'yan ng may-ari? Ang alam ko lang na pangalan ay Zach. Ngayon lang ako nakakita na may Zacher pala na name. Simula lang noong pumasok ako dito. O, baka naman, wala ng maisip ang may-ari ng paaralan na 'to kaya Vlad Zacher University na lamang ang ipinangalan.

Napailing ako at pumara muli ng tricycle. Hays, weird.

******

Supladdict<3

Being The Vampire King's BelovedWhere stories live. Discover now