Chapter 25

177K 4.9K 229
                                    

Lauren's POV

"Austin, hubby..." mahina kong saad.

Nasa tabi niya ako habang naglalakad kami. His arm is possessively holding me on my waist. His face is stoic but I can feel his true emotion. Pa-cool kunwari. Hihihi, joke lang.

As a king, dapat karespe-respeto siya. And his presence shouts authority and power.

"What is it, wife?" malambing niyang tanong.

Tumingala ako sa kan'ya pero nanatili kaming naglalakad.

"Sabihan mo ang mga teachers na wag akong bigyan ng special treatment, ah?" Pakiusap ko.

I want to be fair, I want them to be true. Gusto ko na pantay lang katulad sa iba ang trato sa akin. Huminto kami sa paglalakad.

"But I want them to respect you. I want them to—" I cut him off.

"Hindi naman ibig sabihin no'n hindi nila ako igagalang, 'di ba? I'm sure they will. Ang gusto ko lang, 'wag sila maging masyadong maingat. 'Yon bang kapag may activity, hindi nila ako isasali dahil sa takot silang masaktan ako. Can you do that for me, Austin, hubby?" tanong ko.

Mariin siyang pumikit at tila nahihirapang magdesisyon.

So he wants them to give me a special treatment?

"Because you are so special. You're the most important to me, I want them to take care of you like a fragile gem," aniya.

Tumango ako bago hinawakan ang kamay niya.

"They will, Austin. Pero ayokong sobra, I want to do the half of it on my own," sagot ko.

He sighed before nodding. Napangiti naman ako. He kissed me on the side of my forehead before we resume on walking.

After walking for almost three minutes, muling sumalubong sa amin ang malaki at mataas na gate. May arko pa ito sa may bandang taas at nakalagay ang pangalan ng paaralan.

'Bloodstone Academy'

Dahan-dahan itong bumukas at bumungad sa amin ang malinis na pathwalk. Bermuda grass ang magkabilang gilid nito at may nakatayong mga lampost na hindi kalayuan sa bawat isa. Sa may pinakatabi, kung saan nandoon na ang pader bilang katapusan ay nagkalat ang mga pulang rosas. May mga upuan din malapit doon na katulad sa parke.

I'm so amaze because of the scene. Napakalinis at payapa.

Naramdaman ko ang kamay ni Austin, he interwined our fingers before proceeding. Sa may dulo ay may maliit na naman na gate, painted with bloody red and black on each corner of it.

At sa pagbukas nito ay sumalubong ang mga matataas na building. Students are busy, at nagkalat sa paligid. Ang iba ay nakaupo sa damuhan habang nagbabasa, ang iba ay nagmamadaling maglakad, at ang iba pa ay nagkekwentuhan.

Smile were plastered on their face.

Litaw ang mga kulay nila dahil sa uniform. Girls are wearing white longsleeve polo, covered with black vest. Nakapaloob din dito ang pulang-pula na necktie. Their skirts that are two inches above the knee are bloody red in colors mixed with black stripes. High-socks na itim at heeled-black shoes.

Sa mga lalaki naman ay white polo, black vest at may red neck tie din sa loob. It is paired with black slacks and black pointed shoes.

They look like Japanese students.

Natigil silang lahat sa kaniya-kaniyang ginagawa at dahan-dahang napalingon sa amin. I suddenly feel conscious because of their stares. It is deep and seems like analyzing me. Maya-maya ay sabay-sabay silang yumuko bilang pagbati. Hanggang ngayon hindi pa rin ako sanay sa tuwing may yumuyuko sa akin.

Being The Vampire King's BelovedWhere stories live. Discover now