Chapter 12

210K 8.5K 284
                                    

Lauren's POV

Nanghihinang sinandal ko ang aking likod sa puno. Nanghihina ako dahil sa halo-halong mga emosyon na nararamdaman ko. Fear, nervousness, disappointment and more. Clark... Hindi ako makapaniwala sa ginawa ni Clark.

Napasinghap ako nang makitang muling inihagis ng lalaki si Clark. Hindi ko siya makita dahil sa dilim at naka-cap pa siya. But his built is familiar.

Napahawak ako sa paa ko nang kumirot iyon. Ramdam ko ang pagtulo ng dugo mula ro'n na nakuha ko dahil sa pagtakbo. Ilang beses rin akong nakatapak ng matatalas na bagay.

Napa-hikbi ako dahil sa sitwasyon. Bakit kailangan pang umabot sa ganito? Bampira si Clark and he tried to rape me. Sinaktan niya ako. Napatay rin niya si Lena.

"Damn you!"

Napa-angat ako ng tingin at wala sa sariling napailing. Sakal-sakal na ng lalaki si Clark at anytime from now, he can rip Clark's head. Alam kong katulad siya ni Clark dahil na rin sa bilis ng kilos niya at sa kakaibang lakas. But he is obviously stronger than Clark dahil walang kalaban-laban ito.

"Huwag!" sigaw ko nang aktong pipilipitin niya ang leeg ni Clark.

Yes, sinaktan niya ako. Pero hindi ko kayang mamatay ang bestfriend ko.

Napalingon sa akin ang misteryosong lalaki at nagtama ang paningin namin. Kitang-kita ko sa dilim ang pula niyang mga mata. Ramdam ko ang bahagyang pagkalma ko at maging siya nang magtama ang paningin namin. I heard him heaved a sigh bago pabalang na ibinagsak ang walang malay na si Clark.

Gusto kong lumapit kay Clark but I just can't because of the wounds on my feet. At natatakot din akong saktan niya akong muli. Dahan-dahang naglakad palapit sa akin ang misteryosong lalaki. Nang makalapit na siya sa akin ay lumuhod siya sa harapan ko.

Imbes na matakot, I felt comfortable and safe. Napa-pikit ako nang maramdaman ang palad niya na hinaplos ang pisngi ko. Iminulat ko ang mata ko at nakita ang unti-unting pagbalik ng kulay nang kanyang mata.

Humangin nang malakas at kasabay no'n ay ang pag-galaw ng mga ulap na tumatakip sa liwanag ng b'wan. Unti-unti na ring naging malinaw ang 'itsura ng lalaki sa 'king harap. And I can't believe when I recognized him.

"A-austin Cali...." bulong ko.

Kitang-kita ko ang pagkislap ng mata niya na may bakas ng kasiyahan saka siya ngumiti nang matamis at bahagyang tumango.

I suddenly felt an urge to hug him. At 'yon nga ang ginawa ko. At ang alam ko na lang ay humihikbi ako sa dibdib niya at siya ay yakap ako nang mahigpit saka paulit-ulit na hinahalikan ang buhok ko na tila pinapakalma. And it's really effective.

Niyakap niya ako nang mahigpit saka dahan-dahang binuhat. Sandali siyang naglakad kaya napa-tingin ako sa walang malay na pinaka-matalik kong kaibigan.

"Hold on tight," bulong niya na agad kong sinunod and the next thing I knew ay tumatakbo na siya nang napakabilis habang ako ay buhat niya na parang prinsesa.

Ramdam ko ang hampas ng hangin dahil sa napakabilis na takbo. Lalo kong isiniksik ang sarili ko sa kanya dahil ramdam ko ang lamig ng paligid.

His body is cold but it has a warm effect on my body.

Tumigil siya sa pagtakbo nang nasa may bukana na kami ng gubat at sa isang kisap-mata ay nasa loob na kami ng napakalaking kwarto. Everything inside the room shouts luxury and fortune. Parang sa royalties ang dating.

Tila isa akong diyamante at maingat na nilapag sa malambot na kama.

"Belinda," aniya.

And in a blink of an eye, mayro'n ng tatlong babae sa loob. Naka-suot sila ng damit pangkatulong gaya sa royalties. Ngunit pansin ko na mas mataas ang katungkulan ng nasa gitna. I think she's 29 or 30. Kitang-kita ang mapuputla nilang balat kaya alam ko na mga bampira sila.

Napa-pakapit ako sa kamay ni Austin nang maging pula ang mga mata nila at tila handa ng sumugod.

"Damn it! Get out of here! You're scaring her!" mariin na utos ni Austin.

Tila nahihirapan silang yumuko at bigla silang naglaho.

Napatingin sa akin si Austin saka siya tipid na ngumiti.

"Don't be scared. I'll protect you," aniya.

Maya-maya ay lumuhod siya saka ineksamin ang paa ko.

"They can't really resist your blood," saad niya saka tumayo. "Ako na lang ang gagamot," dagdag niya saka pumunta sa isang pinto na sa tingin ko ay bathroom.

Bumalik siya na may dalang maliit na basin na may lamang maligamgam na tubig at bimpo. Lumuhod siya sa harap ko at nagsimulang punasan ang paa ko. I feel special. Isang katulad niya ay nakaluhod sa harap ko? Ganyan kagwapo! Oh my gosh!

Napa-igik ako nang maramdaman ang hapdi. Tila nataranta naman siya kaya hinawakan ko siya sa balikat. Nabigla naman ako nang maramdamn ang kakaibang sensasyon. Kanina ko pa nararamdaman ito, simula nang dumating siya. His presence has an effect to me.

He flinched when I touched him. Nararamdaman din ba niya? Tumingala siya sa 'kin.

"Ah, gusto ko lang sabihin na okay lang ako kaya 'wag kang mataranta," saad ko.

Tumango siya saka bumalik sa pagpunas. It is more gentle now. Parang nag-iingat na 'wag akong masaktan. Sinunod naman niya ang braso ko na may ilang sugat pa, gamit ang bagong maligamgam na tubig.

Matapos no'n ay tinabi niya ang basin at inilapag ang bimpo saka hinawakan ang paa ko. Mula tuhod pababa ay pinapadaan niya ang palad niya and I felt a cold sensation entered my skin. My eyes widened nang mapansin ang dahan-dahang paggaling ng mga sugat ko. He stared at me and he chuckled when he caught me with wide eyes. I felt my cheeks burn.

Ilang sandali lang ay wala na akong maramdamang sakit o hapdi sa paa. Wala na ring kahit anong bakas na nagkasugat ako. Is that some kind of powers? Unbelievable!

Sumunod ay umupo siya sa tabi ko saka kinuha ang dalawa kong kamay na may ilang gasgas. Napakunot noo ako nang bahagya siyang yumuko and the next thing I knew is, paulit-ulit niyang hinahalikan ang kamay ko pataas sa braso ko. Babalik pababa sa likod ng palad ko. I gulped hard when I felt hot suddenly. His lips touching my skin has an effect on me. May dalang ibang pakiramdam na sa panaginip ko na minsang naramdaman. Later on, his kisses turned into lick. Kung iisipin parang nakadidiri pero hindi gano'n ang nararamdaman ko. Nawala na ang mga gasgas ko after few seconds. A soft moan escaped from my mouth when he gently sucked my soft skin. Ilang sandali ay tila natigilan siya. Rinig ko ang mabibigat niyang paghinga na katulad ng akin.

Tumingin siya sa akin saka tumayo. His eyes are full of emotion that I failed to read because he suddenly showed a cold expression.

"You can take a bath if you want. The bathtub is ready. You have clothes in your closet. Good night and sleep tight," nagmamadali niyang saad habang malalalim ang paghinga at wala pang ilang segundo ay wala na siya sa harap ko.

What just happened!?

********

Supladdict<3

Being The Vampire King's BelovedWhere stories live. Discover now