Chapter 56

103K 3K 162
                                    

Lauren's POV

Mabilis ang naging kilos ni Sasha. Agad niyang sinugod si Yuri na nasa likod ko. Napaluha ako sa sakit ng sugat at sakit ng puso dahil sa katotohanang traydor si Yuri.

Pilit kong inabot ang likod ko. Napangiwi ako at binigla ang pagbunot sa kutsilyo na nakabaon sa aking likod. Nalukot ang mukha ko sa sakit na dulot nito. Nilapag ko ang kutsilyo sa lupa at tinitigan ito na nababalutan ng aking dugo. Mula sa aking wrist hanggang siko ang haba nito. At halos kalahati nito ang bumaon sa aking likod. I gasped for air. Mabuti na lamang at hindi sa may bandang tiyan ang tama nito.

Dahan-dahan akong gumapang papunta sa puno at sumandal nang patagilid doon. Nakita ko kung paano maglaban si Sasha at si Yuri. They look so eager to kill each other.

Hindi ko inakala na ang traydor ay si Yuri. Kung tutuusin, mas malapit sa pagiging traydor si Sasha dahil sa nangyari sa nakaraan. Kaya hindi ko ito inakala, and now it happened na si Sasha ang pumoprotekta sa akin. At ang Yuri na nakasama ko sa palasyo ay ang nagtangka ng buhay ko.

Yuri is now gripping on her sword at ganoon din si Sasha. They always try to thrust their sword to each other but they are able to cover themselves easily. Hindi ko alam kung ano ang dapat gawin. Nahihirapan ako. Kapag nanalo si Sasha, mamamatay si Yuri. Ngunit kapag si Yuri ang nanalo... mawawala si Sasha at ako ang isusunod niya.

"Tumakbo ka na, Lauren!" sigaw ni Sasha. Pinahid ko ang luha at nanghihinang tumayo.

"Hindi kita iiwan dito!" saad ko. Umiling siya at pinagkrus ang dalawang espada para depensahan ang sarili. Tinapunan niya ako ng tingin.

"Kaya ko 'to! Isipin mo ang mga anak mo... si Austin!" aniya.

Napatili ako nang masaksak siya sa tagiliran. Napaluhod siya. Fuck! Kakampi talaga si Yuri ng mga itim na bampira na iyon! She's using a silver knife and sword.

Bumaling sa akin si Yuri. Puno ng galit ang kanyang mata. Mabilis siyang naglakad papunta sa akin kaya napa-atras ako. But Sasha immediately pulled her hair down and thrusted her sword on Yuri's back. Napasigaw ako. She became important to me. Ang lahat ng nilalang na nakapaligid sa akin ay mahalaga. Kumirot ang likod ko ngunit titig na titig ako kay Yuri.

She's staring at me with wide eyes. Hinugot ni Sasha ang espada at binagsak si Yuri sa sahig. Yuri's finger flinched and she slowly look unto me with those teary and pleading eyes. I felt warm thing touch my heart. Umatras si Sasha. Mabilis ang ginawa kong paghakbang at lumapit sa kanya.

"No Lauren! Huwag kang lalapit sa kanya!" sigaw ni Sasha.

Pero bingi ako at nilagay siya sa kandungan. Hinaplos ko ang mukha niya.

"Yuri, bakit mo nagawa iyon?" tanong ko.

"S-sabi nila, s-si Austin ang pumatay sa m-mga magulang ko..." Sumuka siya ng dugo.

Napaiyak ako lalo. "Hindi magagawang pumatay ni Austin ng nilalang na walang ginawang masama." Lumuluha kong saad.

"Sabi rin n-nila, bubuhayin nila ang N-nanay at T-tatay ko. Pati ang kapatid k-ko. Ang sakit na mawalan ng p-pamilya. Mag-isa na lang ako dahil p-pinatay s-sila. G-gusto ko pa s-silang makasama. Ni hindi ko man l-lang sila n-nakasama nang matagal at kasalanan lahat iyon ng p-pumatay sa kanila..." Bumuhos ang luha niya. Pinahid ko ang sariling luha.

"Pero mali na magtanim ng galit at m-maghiganti," saad ko.

"N-nasasabi mo lang yan dahil hindi mo pa naranasan ang naranasan ko." Umiwas siya ng tingin.

Mas lumala ang pagsuka niya ng dugo. Mariin siyang pumikit.

"S-sorry Ate Lauren..." bulong niya.

Being The Vampire King's BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon