Chapter 44

104K 3.2K 437
                                    

Lauren's POV

Matamlay akong nagising. Natapos ang panaginip ko sa senaryong iyon. I don't know what happened next, all I know is Austin was hardly smitten over that beautiful girl.

Pinagmasdan ko ang sarili sa harap ng salamin. Marahan kong sinuklay ang aking buhok. I'm staring to a woman with so much tiredness, pain, fear and sadness on her eyes. Pinanood ko ang pag-alpas ng luha mula sa aking mata. Sunod-sunod ito at napakasakit panoorin. Inilapag ko ang suklay at sumandal sa upuan. Mariin kong ipinikit ang mata.

Sa mga nakaraang araw, wala na akong maramdaman kung hindi sakit at lungkot. Pakiramdam ko ay nag-iisa ako sa napakalaking palasyo na 'to. Pakiramdam ko ay bumalik ako sa pagkabata na naghahanap ng pagkalinga at pagmamahal. I feel so down, empty and in deep pain. Parang wala na akong kakampi. Nag-iisa... I'm alone. All alone.

Muli kong naalala ang mukha ni Asha. Malayong-malayo siya sa akin. I have black hair and black eyes. Pareho kaming maputi ngunit ibang-iba kami ng physical appearance. Marami ang nagsasabi na maganda ko, and yeah I believe them. Pero ngayon parang hindi na. Asha is beyond perfect. She looks so fragile yet precious. Golden hair and golden eyes. Napakaganda pa ng mukha niya. At ang babaeng iyon ang unang beloved ni Austin. Ang babaeng kinabaliwan niya nang sobra.

And he's with her now.

Sa campsite sa Iscro, malamang magkasama sila. Maybe like the old times. Making up to each other? Mariin akong napapikit nang kung anu-anong senaryo ang pumasok sa isip ko na maaari nilang ginagawa. They are maybe laughing, talking happily, kissing... or making love?

Pagak akong natawa.

Samantalang ako, narito. Nag-iisa at nasasaktan.

Matagal ng hindi umuwi si Austin. Maybe he enjoyed being with that Sasha/Asha girl. Well, lagi naman siyang nage-enjoy based on what I witnessed on my dreams. Kahit curious ako sa nangyari, natatakot pa rin ako na matuloy iyon dahil baka hindi ko kayanin ang susunod na mangyayari.

Pero bakit sila naghiwalay? Mukha namang mahal nila ang isa't-isa. Kahit bata pa si Asha, kitang-kita ko. How genuine her feelings for Austin is. Ang klase ng tingin niya at ngiti. Ang kislap ng mata niya. Ramdam ko lahat. At ganoon din si Austin. I saw how he intently looked at her... with passion and admiration. How he smiled at her... how he changed because of her. They are perfect together.

So, ano ako sa eksena?

Minahal ba ako ni Austin? Yes, I felt his love for me. Pero natatakot ako na dahil lamang sa ako ang nasa tabi niya kaya minahal niya ako. Natatakot akong naaalala lamang niya si Asha sa akin kaya ganoon ang pakikitungo niya. Samantalang ako, mahal na mahal siya. Baliw na baliw sa hari ng mga bampira. Sa beloved ko.

Tumayo ako at pumikit. Pagmulat ko ay nasa hapagkainan na ako. Handa na ang lahat pagdating ko. Tahimik akong kumain... at mag-isa. Mapait akong ngumiti at umiling. I should stop this.

Naiisip ko, ano pa ba ang kwenta ko rito. Napahawak ako sa dibdib nang maramdaman ang biglaang sakit nito. I imagined myself, being pushed away dahil may bago ng reyna. 'Yong original na reyna na dapat ay dati pa. Tapos ako, saan mapupunta? Makikita ko silang masaya at nagtatawanan. Tapos ako, nakatanaw sa malayo at pinapanood sila.

Pinalis ko ang luha at nginuya ang sinubong pagkain. Nanghihina na ako dahil ilang araw na akong hindi nakatikim ng dugo ni Austin. I wonder if he's experiencing the same. But I doubt that, kasama naman niya ang unang beloved niya. He can drink her blood anytime since they're together.

Umiinom ako ng juice when I felt a tingling sensation. Napatayo ako at nilibot ang tingin sa paligid. And in a cue, pumasok si Austin sa dining room. Natulala ako habang pinagmamasdan siya. I suddenly felt warm. I felt home with his presence. His aura is dominating the room. Yumuko ang ibang naroon samantalang ako ay nakatingin lamang sa kanya.

Being The Vampire King's BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon