Chapter 53

115K 3.2K 338
                                    

Lauren's POV

Iginiya ako papasok ng mga taga-silbi papunta sa bahay na may dalawang palapag. Everything is made of woods ngunit napakaganda pa rin. It is still look elegant and cozy. Nanghihina akong napaupo sa bangko at sinubsob ang mukha sa palad.

Nag-aalala ako sa mga naiwan namin doon lalo na kay Austin. Sana ay manatili silang ligtas. Sana hindi na madagdagan pa ang mga namatay dahil sa pakikipaglaban at pagiging tapat kay Austin.

Nag-angat ako ng tingin nang marinig ang paglapag ng mangkok sa katabing mesa. Nakita ko si Yuri na may maliit na ngiti sa labi bago iminuwestra ang mansanas na hiniwa niya sa maliliit na piraso.

"H'wag ka na pong mag-alala sa mahal na hari, aming reyna. Malakas po siya. Atsaka mga bampira lang naman ang kalaban niya kaya sure po ang panalo niyan. Si kuya Austin po ang pinakamalakas na bampira sa lahat," aniya.

Napangiti ako at tumango. Napagaan niya ang loob ko.

Tama, si Austin ang pinakamalakas sa lahat ng bampira. Kayang-kaya niya iyon, lalo na at puro mga bampira lang din naman ang kalaban niya. Sana kung may halong ibang race, na may ibang kakayahan tiyak na mahihirapan siya. Pero bampira din naman ang mga iyon.

Ngunit hindi pa rin mawala ang takot sa puso ko. Masyadong marami ang bilang ng kalaban, at ang mga sandata nila ay gawa sa silver na maaaring makapatay ng kapwa bampira. Mariin kong pinikit ang mata at piping nagdasal. Tulungan niyo po ang asawa ko, gabayan niyo siya.

Nagmulat ako at binalingan ang mansanas. Kumuha ako ng piraso bago ito dinala sa bibig at nginuya. Hindi dapat ako ma-stress. Hinaplos ko ang tiyan ko na bahagyang may bump na. Ang bilis naman nila mag-develop. 'Di na ako magtataka na wala pang ika-siyam na buwan ay nanganak na ako.

Yumuko ang isa sa babaeng taga-silbi. May hawak siyang bote na naglalaman ng wine. Kumuha siya ng baso at sinalinan iyon. Napapikit ako nang malanghap ang dugo ni Austin doon. Ginaya ako ng lalaking 'yon na naghahalo ng dugo sa wine para sa kanya. Napa-iling ako at ininom agad iyon.

"Sarap..." Nagsalin akong muli. Mukhang gustong-gusto ng mga baby ko, ah?

Lumipas ang ilang minuto, pilit akong pinatulog ng mga taga-silbi.

"Ayaw ko nga!" singhal ko. Hihintayin ko nga si Austin.

"Sige na po, nahal na reyna," pamimilit nila. Kumunot ang noo ko at pumadyak.

"Sabing ayaw ko nga! Pektusan ko kayo!" inis kong saad.

"Buntis ho kayo. At hindi po biro ang pagdadalang-bampira para sa tulad natin dahil kukunin po ng sanggol ang lakas ninyo. Lalo na at dalawa ang nasa sinapupunan ninyo," mahinahon na saad ng tila namumuno sa mga taga-silbi.

Nanubig ang mata ko. Pinagtutulungan nila ako, eh...

"Mahal na reyna..." Nag-aalalang saad nila. Pinunasan ko ang luha na umalpas na pala.

"Basta kapag dumating sila Austin gisingin niyo ako, ah?" Nanghihina kong saad.

Ngumiti sila at tumango. Tumalikod ako at tinungo ang kwarto. May malaking kama sa gitna na gawa sa kahoy ngunit pinatungan ng foam at makapal na bed sheet kaya naging komportable ang pagtulog ko.

"May nilalang na mawawala... na nagkaroon ng malaking gampanin sa buhay ninyo.."

Natigil ako sa paglalaro ng mga bulaklak nang marinig ang malamyos na tinig na iyon. Nilibot ko ang tingin sa paligid at pilit na hinanap.

"Ina..." bulong ko.

Being The Vampire King's BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon