Chapter 16

201K 6.8K 303
                                    

Lauren's POV

I heard him sigh for the nth time kaya 'di ko napigilang lingunin siya. My brow arched when I saw him looking so bothered. Bahagya pang nanginginig ang kamay niya. I tapped his shoulder at bahagya siyang napaigtad dahil sa gulat.

"Okay ka lang?" tanong ko.

Muli siyang bumuntong-hininga saka humarap sa 'kin. Sinapo niya ang pisngi ko kaya 'di ko napigilang mapapikit dahil sa sensasyong hatid ng haplos niya.

"I'm nervous. No, I'm scared," bulong niya.

My forehead creased. "Bakit? Bakit ka naman matatakot?" takhang tanong ko.

"Because of the ritual that will happen later. I'm afraid... What if you can't get through it? What if— fuck!"

Hinilamos niya ang palad sa mukha saka parang batang tumingin sa akin.

"Minamaliit mo ba ako? Kayang-kaya ko 'yon, no? Ako pa ba?" Pagpapalakas ko ng loob niya.

Maging ako rin ay natatakot. There are some cases na hindi kinakaya ng tao ang ritual ng mating process. Dahil hindi nakakayanan ang kamandag ng dugo ng mate niya. Kung pareho kaming bampira, hindi mahirap kaya walang problema. But I'm a human and I just learned that he is the vampire king.

And it means, he's a strong vampire. And the strong the vampire is, the strong the venom would be. So I need to be strong. I still want to live. Gusto ko pang mabuhay. Gusto ko pang makita si Mama. At gusto ko pang makasama si Austin.

"Yeah, right. You can do it, right?" saad niya saka niyakap ako nang mahigpit.

If we failed to do the mating process mamamatay ako.

And the ritual later is like hitting two bird with one stone. I will turn into a vampire and we will be officially mated at the same time. Mas mapagtitibay ng mabubuong bond mamaya ang pagiging mag-mate namin ni Austin.

"Yeah, I will. For Mama and for you, of course," sagot ko.

Isinubsob niya ang mukha sa leeg ko. At hindi ako makapaniwala na nararamdaman ko na natatakot talaga siya.

He's a king. And being a king means that you need to be the strongest and really fearless. And Austin now is showing his weak side. Am I his weakness?

I really got shock when I learned that he is the king. Naririnig ko kasi ang tawag sa kan'ya ng mga kasambahay dito.

Pakiramdam ko ang swerte ko. Aba't ako ang beloved ng vampire king. Hihihi, ang ganda ko talaga.

Ngayon ko na nararamdaman nang sobra ang kaba. Damn, lalo pa akong kinakabahan dahil sa mga binubulong bulong ng mga mukhang babaylan. Pero witches daw 'to na kakampi ng mga bampira.

Grabe, totoo pala talaga sila. And they are not like of those witches on the stories that I have read. May walis, buhaghag na buhok, mahabang ilong at sobra-sobrang matangos na ilong. In fact, they are beautiful. Green ang kulay ng mga mata nila at  mahaba ang itim na itim na buhok. Maputi rin but not as white as the vampires.

Nakasuot ako ng puting bestida. Longsleeve, abot hanggang paa at silk ang tela. Nakalugay rin ang buhok ko. Ang ganda ko pa! At least maganda ako kung sakaling mamatay ako. Well, mamamatay naman talaga ako, eh. Tapos magiging bampira.

Inalalayan ako papasok sa isang kwarto na maraming mga kandila na kulay pula. It has a scent na naghahatid ng nakaaantok na amoy. Pero ang bango!

May puting kama sa gitna, kung saan ako ihihiga. May mga pula pang petals na mukhang galing sa rose. Pinahiga ako sa gitna ng kama.

I stared at the ceiling, hinihintay ang sunod na mangyayari. Napatingin ako sa pinto ng pumasok si Austin. His face is stoic pero ramdam ko ang pag-aalala niya. Well, perks of being his beloved. Pero later, magiging opisyal nya na akong asawa at mate.

Lumabas na ang ilan pang bampira sa loob. Sinara nila ang pinto, pero rinig ko pa rin ang bulong ng mga witch, at may mga binibigkas na kakaibang salita.

We are looking at each other's eyes. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa kama saka umupo at tinitigan ako. He dipped down and kissed me fully on my lips. Sandali pa akong natigilan, but later on, I answered his kisses.

The kiss deepened as the minutes goes by. Isinabit ko ang kamay sa kanyang batok at mas hinila pa palapit. I felt thousands of tingling sensation spread all over my body as our lips danced in a rhythm.

Bumaba ang halik niya sa leeg ko at binigyan ito ng nanunuyang halik. I felt him sniff my scent at marahang kinakagat-kagat ang balat ko.

Lalong lumalakas ang mga salitang minumutawi ng mga witches sa labas samantalang lumalalim ang halik namin.

Napa-igik ako nang maramdaman ang pagbaon ng dalawang matulis na bagay sa leeg ko. I moaned, not because of pain but because of so much pleasure. Hindi ako nasaktan bagkus ay parang mas gusto kong ipagpatuloy ang pagsipsip niya sa dugo ko.

Later on, I felt him licked my skin on my neck saka nag-angat ng tingin sa akin. Pinalis ko ang ilang bahid ng dugo sa gilid ng labi niya, I gasped when he suck my thumb.

Sandali niya akong tinitigan saka hinalikan muli sa labi, pagkatapos sa noo at sa labi muli.

"Aaaaaaah!!" I screamed because of pain.

Naramdaman ko ang pagbaon ng kutsilyo diretso sa puso ko, pero patuloy siya sa paghalik. Napa-iyak ako dahil sa sakit. Mas pinalalim pa niya ito hanggang maabot na nito ng tuluyan ang puso ko.

Muli siyang nag-angat ng tingin. I saw the pain, nervousness, and fear on his eyes. I bit my lower lip and tried my best to smile, habang naghahabol ng hininga.

"I'm sorry If I need to do that baby. Mahirap at masakit para sa akin, but it's a must," aniya at nakita ko ang pagkawala ng butil ng luha sa mata niya.

Umiling ako saka pinalis ang luha sa mata niya kahit nahihirapan na akong kumilos.

"It's o-okay..." bulong ko.

Yumuko siya at pag-angat niya ng tingin ay pula na ang mata niya. Nakita ko ang pag-igting ng panga niya, paglabas ng itim na mga tattoo sa mukha niya, braso, leeg at paglabas na rin ng pangil niya.

Napapapikit na ako at tila hinihila na ang wisyo ko. Ramdam ko rin ang napakabagal ng pagtibok ng puso ko. Napa-ubo ako at naglabas ng dugo sa bibig.

I managed to open my eyes at nakita ang pagkagat ni Austin sa pulso niya at lumabas do'n ang dugo.

Pero hindi ko na kaya...

And my eyes closed as I fell into a deep slumber.

Third Person's POV

Nanginginig ang kalamnan ni Austin. Pinisil pa niya ang braso dahilan para mas lumabas ang kanyang dugo, ngunit hindi iyon ang kailangan niya.

Napasigaw siya dahil sa galit. He's scared. At hindi niya mapigilang magalit sa sarili. Sinaktan niya ang kanyang reyna, pinatay niya. Pero ano nga bang magagawa niya? Kailangan niya iyon ayon na rin sa proseso.

Sa wakas ay lumabas na rin ang kanina pa niyang hinihintay. The special blood from like, like a venom. Kaya dali-dali niyang itinapat sa bibig ng dalaga ang pulso niya at hinayaan 'tong makapasok sa katawan ni Lauren.

Matapos ang ilang sandali ay tulala lamang siya habang nakatingin sa dalaga. Unti-unti ng gumaling ang sugat niya sa pulso ngunit wala pa ring nangyayari sa katawan ni Lauren.

Magsasalita na sana siya para tawagin ang matandang mangkukulam nang magsimulang manginig ang katawan ni Lauren. Nangitim na rin ang ugat nito na senyales na kumakalat na ang venom.

Pumikit siya nang mariin, hiniling na sana kayanin nito ang espesyal na dugo niya. Sana ay kayanin ng kanyang pinakamamahal.

*******

Supladdict<3

Being The Vampire King's BelovedWhere stories live. Discover now