Chapter 49

113K 3.5K 401
                                    

Lauren's POV

Seeing him vanished into thin air with tears on his eyes is heartbreaking. I sobbed and covered my face with my hand. Bakit ka umiiyak Lauren? 'Di ba, pinaalis mo siya? Pinalayas mo sya at sa sarili pa niyang palasyo! I remember how he cried... he begged.

Parang sinakal ang dibdib ko. He's a man at minsan lamang umiyak ang mga lalaki. They can't even fake it. At si Austin pa na isang hari. He kneeled in front of me while crying. He looked so weak earlier at kanina ko lamang nakita na gano'n ang estado niya. And it pains me a lot.

Pinalis ko ang mga luha na umaalpas sa aking mata. Parang gusto ko magsisi. No, I am really regretting that I pushed him away. Pero kasi... ang sakit. Nasasaktan ako nang sobra at natatakot ako na masaktan pa. But when I remembered what he said, nagsisi ako. Sana pinakinggan ko siya.

He's begging earlier na pakinggan ko siya. Pero hindi ako nakinig. Kasi natatakot ako na baka kung ano ang sabihin niya.

Takot? Takot na naman. Ano bang mangyayari kung lagi kang natatakot, Lauren? Wala, hindi matatapos ang lahat ng ito. I should've listened to him.

Tumayo ako at tinungo ang teresa. Binuksan ko ang pinto at lumabas saka sumandal sa railings. Nagkalat sa baba ang mga kawal at sundalo ni Austin. They are guarding the whole palace. Nasaan na kaya si Austin? I tried to look for him ngunit hindi siya mahanap ng mata ko.

I stiffened when I felt that someone os watching me from afar. Tumindig ang balahibo ko at tila nagkagulo ang sistema ko sa kaba at takot. It's not the comfortable feeling na naidudulot ni Austin. This is creepy one.

I swallowed hard at mabilis na umalis doon. Sinara ko ang pinto ng teresa at siniguradong naka-lock ito. Dahan-dahan akong umupo sa kama at hinaplos ang aking tiyan. Napangiti ako nang maramdaman ang aking anak sa aking tiyan. Ngunit napakunot-noo ako nang maramdaman na tila may kakaiba sa loob. Mas hinaplos ko ito at dahan-dahang nawala iyon. I sighed before lying on the bed. Tinakpan ko ng kumot ang aking katawan.

Hindi maalis sa isip ko si Austin. Nasaan na kaya siya ngayon? Pero sabi naman niya ay babantayan niya ako kaya alam kong nasa tabi-tabi lamang siya. But what he was talking about Asha? Malungkot akong napangiti. Nabanggit na naman niya ang pangalang iyon. Napakahalaga talaga sa kanya ng babaeng iyon. Why I suddenly want to be Asha instead? Argh! Lauren, mali 'yang iniisip mo. 'Di na naman gumagana nang maayos ang utak mo.

Naalala ko tuloy 'yong time na nagpaparamdam sa akin si Clark no'n but I was too slow to understand what he said. Buti ngayon hindi na ako slow at manhid.

Ipinikit ko ang mata. Ngunit naalala ko ang mukha ni Lola lalo na ni Demonique. Napamulat ako muli. May utang pa pala ako sa batang iyon. 'Di ko man lang nalaman kung ano iyong kapalit. Baka magkita pa naman kami no'n. Hahanapin ko na lang siya. Sana ligtas sila ni Lola.

Unti-unting bumigat ang talukap ko. I felt a tingling sensation from the presence of someone inside the room. Napapikit ako at napangiti nang makilala iyon. Gusto kong magmulat ngunit antok na antok na ako. I felt his lips landed on my lips.

Austin...

Pagmulat ng mata ko ay bumungad sa akin ang magulong lugar. Nasa labas ng kwarto ang ilang taga-silbi at tumatangis sila. My forehead creased at mabilis na pumasok sa loob. Magulo rin ang loob ng kwarto. Lahat ay natataranta.

Napasulyap ako sa kama at do'n nakita ang nakaratay na si Asha. Punong-puno ng dugo ang kanyang bestida. May kwintas siyang suot. Pamilyar ito sa akin. Tama! It looks like the necklace that I was wearing no'ng nasa mundo pa ako ng tao! Bakit suot niya iyon?

Nasa gilid ang binata na si Austin. Tila sinakal ang puso ko ng makita siyang tahimik na tumatangis habang hawak ang kamay ni Asha. His face is full of emotions. Pain, misery, anger... he's a total mess.

Being The Vampire King's Belovedحيث تعيش القصص. اكتشف الآن