Chapter 10

206K 6.4K 488
                                    

Lauren's POV

"I will go on a vacation at gusto ko sana na kasama ka Lauren. Matagal na tayong hindi nagbo-bonding," saad ni Clark saka kumagat sa burger niya.

We are here in cafeteria, eating on our breaktime.

"Saan naman 'yon?" tanong ko at inabot ang coke in can at uminom.

Nilunok muna niya ang kinakain niya saka nagsalita.

"Sa Bicol. We have a rest house there. Sigurado akong magugustuhan mo do'n. It is near on the sea," aniya na nagpa-excite sa akin.

Dagat? Oh my, sabik akong makaligo sa dagat dahil isang beses pa lang ako nakapag-swimming sa dagat sa buong buhay ko. Hindi rin kasi ako basta-basta pinapayagan ni Mama. She's very strict pagdating sa pag-travel. Ayoko naman dito sa Manila. Hindi na rin kasi malinis, unlike in provinces.

"Kailan?" I eagerly asked.

Nilagay niya ang hintuturo niya sa baba niya saka umaktong nag-iisip. I giggled on his gesture. Ang cute talaga ng bestfriend ko!

"Hmm, pwede ka ba sa lunes?" tanong niya.

Bigla naman akong napa-isip. Lunes? Merong activity dito sa University that day kaya pwedeng hindi pumasok. Aabutin iyon nang limang araw so, tamang tama para mag-relax sa Bicol. Wala naman din akong lakad.

"Pwede!" masayang sagot ko.

Ngumiti siya nang matamis saka tumango-tango.

"Yes, so ready your clothes. Ako nang bahala sa mga foods. May stocks naman do'n. And we will use my uncle's helicopter," aniya.

Napatango-tango naman ako. Sabado ngayon. I just need to wait more day and hello Bicol na kami!

Ibinuka ko ang dalawa kong kamay saka huminga nang malalim at sinalubong ang napakasariwang hangin. Ibang-iba ang simoy ng hangin dito. Parang napaka-linis. Inilibot ko ang tingin sa labas ng rest house nila Clark. Ilang metro lang ang lalakarin ay makikita mo na ang napakalinis na dagat.

Tapos sa hindi kalayuan ay parang gubat. Matataas na mga puno. Naninibago talaga ako kasi hindi ganito karami ang puno sa Manila. Malayo rin itong rest house sa ibang mga kabahayan kaya talagang relaxing kasi napakatahimik.

Napatingin ako sa likod ko nang may kumalabit sa akin. Nakangiti siya nang matamis saka humakbang at tumabi sa akin. Inakbayan niya ako saka sabay naming pinanood ang alon ng dagat. Pangalawang araw na namin ni Clark dito sa Bicol. Kaming dalawa lang din sa resthouse at isang dalagang katulong. So far, masaya ang pamamalagi namin dito.

"Are you enjoying your stay?" tanong ni Clark.

"Yeah, so much. Kaso the day after tomorrow uuwi na tayo," malungkot ko na saad. He chuckled and kissed my forehead.

"Don't worry, pag natapos ko ang dapat gawin sigurado akong lagi na tayong magkakasama, then we can go anywhere you want," masaya niyang saad.

Napakunot-noo ako dahil sa sinabi niya. Sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam ako ng kaba. Bakit parang may ibang kahulugan iyon?

"A-anong gagawin mo?" tanong ko saka tumingala sa kanya.

Tumingin siya sa akin saka muling ngumiti. "I'll mark someone para sigurado akong akin na siya," aniya.

"May babae ka pala malapit dito, huh? Sino, ipakilala mo sa akin?"

Napalitan ng excitement ang kaba ko kanina. May girlfriend na pala si Clark eh. And he will mark her? Sisiguraduhin niya talaga na mapunta sa kaniya!

"You'll know later," saka siya ngumisi.

Napa-iling ako dahil kay Clark. Ibang klase talaga.

"Let's eat our lunch," aniya saka hinila ako papasok sa rest house.

Their rest house is really beautiful. Three-storey house. Black and white ang motif. Tapos may ilang bahagi na glass ang pader. Sa taas naman ay puro glass wall talaga kaya masaya matulog do'n, kitang-kita mo ang kagandahan ng gabi. And doon nga ako natutulog. Isa sa mga kwarto roon.

Tumulong ako kay Lena— ang dalagang katulong dito sa rest house, sa pag-ayos ng lamesa. She's 18 or 19 I think. Ka-edad lang namin.

"Ako na po Ma'am," aniya.

Umiling ako saka ngumiti.

"Ako na, sige kumain ka na," saad ko.

Pinilit niya ako but I still insist kaya pumunta siya sa kusina at do'n na kumain.

We prayed first saka kumain. Nawe-weird-an nga ako kay Clark kasi nakangiti siya habang nakatitig sa akin. Inabot ko ang baso na may tubig saka ininum at nag salita.

"Bakit ka nakatitig?" takhang tanong ko.

Umiling siya. "Nothing. Masaya lang ako kasi mapapasaakin ka na."

"Huh?" Hindi ko kasi naintindihan ang sinabi niya sa dulo. Narinig ko lang na masaya siya. "Bakit ka masaya?" pag-uulit ko.

Ngumiti lang siya saka nakatitig sa akin na sumubo ng pagkain niya. Nagkibit-balikat ako saka pinag-patuloy ang pagkain. Minsan talaga si Clark parang ewan.

Napatigil ako sa pag-nguya nang bumilis ang tibok ng puso ko. And suddenly, I felt scared and nervous. Bakit pakiramdam ko may masamang mangyayari?

********

Supladdict<3

Being The Vampire King's BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon