Chapter 13

217K 9.2K 951
                                    

Lauren's POV

Nagising ako sa 'di pamilyar na kwarto. Sandali akong natulala at sunod-sunod na pumasok sa utak ko ang alaala kagabi. Lahat ng nangyari. I heaved a sigh. Hindi pa rin ako makapaniwala. Clark is a vampire. He hurt me. Austin Cali is also a vampire. He helped me and... namula ang pisngi ko nang maalala ang nangyari kagabi.

Bakit ramdam ko pa rin ang labi niya sa balat ko? Damn, ano'ng nangyayari sa utak ko!

Kasalanan 'to ni Austin Cali! Hell, oo nga pala! He's a vampire. Pinagaling pa nga niya ang mga sugat ko. It means meron, siyang kapangyarihan. Baka naman may kinalaman siya sa nararamdaman ko? Tama! Hmm, aawayin ko siya. Hindi sapat na tinulungan niya ako para paglaruan ang nararamdaman ko!

Tumayo ako saka pumunta sa closet. Ang dami masyadong damit and all of it seems perfect for me. Lahat ay katulad sa size ko, mga mamahalin pa. Siguro sa mga babae 'to ng Austin na yo'n? Naiinis na sinabunutan ko ang sarili when I felt a pang of pain on my chest because of the thought. Umiling ako saka kinuha ang creamy white dress na above the knee at may manipis na strap. Ang ganda ng dress! Simple yet elegant.

Naligo ako saka nagbihis. I picked a pair of flat shoes saka lumabas ng closet. I was taken a back nang makita ang dalawang babae na kasama sa tinawag kagabi ni Austin.

Yumuko sila saka ngumiti.

"Ipagpaumanhin po ni'yo ang nangyari kagabi. Ako nga po pala si Liezel," ani ng isa.

Ngayon ko lang pansin na magkamukha sila!

"Ako naman po si Lezlie. Patawad po sa nangyari. Kami po ang inatasan para mag-assist sa inyo," magalang na saad ng isa pa.

Kambal sila! Ang cute!

Ngumiti ako saka tumango. "Ako naman si Lauren Xena. Okay lang iyon," ani ko.

"Salamat po. Hinihintay na po kayo ng mahal na hari para mag-agahan. Sumunod po kayo sa 'min," saad ni Lezlie.

Hari? Sino naman ang hari na iyon? Nagkibit-balikat na lang ako saka sumunod sa kanila.

Dumaan kami sa isang mahabang hallway saka bumaba sa napakataas na hagdan. Tapos hallway na naman, tapos mataas na hagdan.

"Kapagod," bulong ko nang pangatlo na naming hagdan ang tinatahak.

Palasyo ata 'to eh! Madami nga akong nakikitang magagandang bagay kaso nakakapagod pa rin.

Nabigla ako nang tumigil ang kambal saka nag-aalalang lumapit sa akin.

"Naku, pasensya na po. Nakalimutan naming mabilis pala kayong mapagod 'di tulad namin," ani Liezel.

"Mag-teleport na lang po tayo," saad naman ni Lezlie.

Bampira nga pala sila kaya kahit bulong ay maririnig nila.

Sus! Pwede naman pala eh! At sa isang kisapmata, nasa dining room na kami. Room o hall? Ang laki sobra! Parang isang bahay ang laki ng dining room.

They ushered me to the center at nakita ang napakahabang lamesa at maraming upuan. Grabe naman to, palasyo na yata ito!

Heto na naman ang mabilis na tibok ng puso ko nang makita ang pamilyar na likod na lalaki. Tuwid itong naka-upo sa gitna na kadalasang inuupuan ng padre de pamilya sa hapagkainan. Sa medyo malayo naman ay nakahilera ang mga babaeng nakayuko na tila hinihintay na utusan.

Naglakad ako palapit do'n at napansin ang pag-aliwalas ng mukha niya nang makita ako. Ang ganda ko naman kasi talaga.

"Why are you giggling?" nakangiting tanong niya na lalong nagpatingkad sa kagwapuhan niya.

Napatuwid naman ako ng tayo saka nag-aalinlangang ngumiti sa kanya.

"Ah... hehe. Wala. Laureng umaga," maligayang saad ko.

"What? Laureng umaga?" takhang tanong niya

"Magandang umaga. Kasi maganda ako kaya 'Laureng umaga' ang dapat na itawag sa magandang umaga," saad ko.

Narinig ko ang hagikhik nang mga babae kaya napatingin ako sa kanila. Nahihiya naman itong ngumiti kaya nginitian ko rin sila.

Napa-iling iling si Austin saka tumayo at pinaghila ako ng upuan. Inalalayan pa akong umupo. Prinsesang-prinsesa ang datingan ko ah!

"Well, words are not enough to describe how beautiful and gorgeous are you," seryoso niyang saad na nagpapula sa pisngi ko.

He snapped his finger at sunod-sunod na dumating ang mga lalaking may dalang mga pagkain. Inilapag nila ang mga plato na may pagkain at sumunod ang mga babaeng binigyan kami ng plato, platito at mangkok. Iba-iba pa 'yong mga kutsara. Tapos may tinidor at kutsilyo pa. Hahaha, kutsilyo! Ano kami, mag-eespadahan? Echoss, alam ko naman ang gamit d'yan! Tinuturuan ako ni Mama ng mga etiquettes. Kaya marami na akong alam dito.

"Salamat," saad ko.

Napatingin naman ang isang binata sa akin na nagdala ng pagkain. Napatawa ako nang mamula ang pisngi niya. Napapansin ko, I really have this effect that I can make a guy blush just by smiling at them. Tila natauhan naman ito nang makarinig ng tikhim.

Tumingin ako kay Cali na madilim ang mukha habang nakatingin sa binata kaya sinundot ko sa tagiliran.

"Okay ka lang?" tanong ko.

Tumingin ito sa 'kin nang seryoso saka tumango.

Nilagyan niya ng soup ang mangkok, fried rice at itlog saka bacon ang plato at pancake with chocolate syrup ang platito. He also poured my glass with a milk. Napangiti naman ako saka tumingin sa kanya.

"Thank you," ani ko at nagsimula ng kumain.

Malapit na kaming matapos kumain nang may maalala ako.

"Ikaw, you're playing with my feelings, right?" tanong ko saka sinamaan siya ng tingin.

Napa-kunot noo siya saka kumuha ng tissue at pinunasan ang bibig kahit wala namang dumi. Taray!

"What do you mean?" tanong niya.

"May kapangyarihan ka! At ikaw ang dahilan kung bakit bumibilis ang tibok ng puso ko 'pag and'yan ka. Tapos, basta! Mina-magic mo ano!?" singhal ko.

Ang seryoso niyang mukha ay unti-unting napalitan ng ngiti hanggang sa naging halakhak. Nabigla naman ako dahil do'n. He's so gorgeous and sexy when laughing. Shit erase that! He's bewitching you Lauren!

"That's childish baby," natatawa niyang saad.

I felt my stomach churned because of what he just called me. My heart beat fast again and a foreign sensation spread all over my body.

"O-oh! Tignan mo, tignan mo! Nararamdaman ko na naman. Kinukulam mo nga ako!" singhal ko.

Napangiti siya saka umiling.

"Pfft. You're so cute and adorable, My Lauren," aniya, making my heat beat faster and faster.

"Waaaah! Ito na naman! Mangkukulam ka!" nanlalaki ang mata na sigaw ko.

He just laughed saka ngiti-ngiting nakatingin sa akin habang kumakain.

Inismiran ko siya.

"So, I also have an effect on you. No doubt, you are really my beloved," aniya.

Hindi ko naman na-gets!

****

Supladdict<3

Being The Vampire King's BelovedWhere stories live. Discover now