Chapter 57

129K 3.7K 562
                                    

Lauren's POV

My body trembled slightly. I can feel their presence and it is so strong compare to me. Masyado na akong nanghihina. I breathed hard as I felt one of them tapped my head.

"You gave us hard time..." saad ng isa.

Fuck! Bakit may pakiramdam ako na hindi lamang basta mga itim na bampira ang nasa harap ko ngayon? Bakit pakiramdam ko ay sila ang matataas at malalakas sa grupo ng mga kalaban?

I want to throw an energy ball to them but I'm too drained and tired to move. Napakasakit ng buong katawan ko at hinang-hina. Dahan-dahang lumuhod ang isa sa aking harapan. Pinanood ko ang paghalik ng tuhod niya sa maalikabok na sementadong sahig. I flinched when his cold fingertips brushed my chin at bahagya itong inangat. I shivered upon the contact. Nagsalubong ang mga mata namin. His eyes are crimson red and directly piercing to me. His lips tugged into smirk.

"Pinahirapan mo kami... but I think, worth it naman ang lahat dahil ngayon, hawak ka na namin," he said.

He touched my face gently na tila pinag-aaralan at inieksamin ang aking mukha.

Gusto kong itaboy ang mg haplos niya at sumigaw, lumayo... tumakbo paalis. Ngunit wala akong magawa, kung hindi ay sumandal sa malamig na pader at pabayaan ang ginagawa niya.

"And any seconds from now, you're gonna be dead. And finally, wala ng threat sa amin," he stated.

Tanging mata lamang niya ang aking nakikita dahil sa full mask na nakatakip sa kaniyang mukha. Ngunit sapat na iyon para malaman ang bawat ekspresyon na kaniyang ginagawa.

Bigla siyang naglahad ng kamay sa mga kasama niya. Hindi ko alam kung gaano sila karami dahil hindi na ako nag-aksaya pang tapunan ng tingin ang iba. Inabot ng isa sa kasama niya ang isang bagay. I tried to suppress my gasp when I saw it. It's like a hunter knife. Napakatalim nito at alam kong kapag bumaon iyon sa akin ay katapusan ko na. Katapusan na namin.

I want to cry and shout in fear. Hindi ako natatakot para sa sarili ko. Kung hindi, para sa mga anak ko. I want them to live. To see the world, I want them to be with their loving father. Gusto ko silang makasama. Kaya kung maaari, gagawin ko ang lahat mailigtas lamang sila. Ngunit napaka-imposible no'n sa ganitong sitwasyon. Kapag may masamang nangyari sa akin ay damay na sila.

"May ideya ka ba kung saan ko 'to gagamitin?" tanong niya at ramdam ko ang pag-ngisi niya.

Tila tuwang-tuwa sa mga nagaganap. Napaka-hayop nila. Bakit hindi na lamang kapayapaan ang hayaan nilang mamayani sa mundong ito? Bakit hindi nila hayaang maging matiwasay ang lahat? Bakit mas gusto pa nila ng kasamaan at kaguluhan?

Gusto kong itanong lahat iyon sa kaniya, ngunit hindi ko magawa. I'm just helplessly staring at him, tila naghihintay sa susunod na mangyayari.

"Hindi namin alam kung saan ka nanggaling, ngunit habang tumagal ay nalaman ko rin. H'wag kang mag-alala, iilan lamang kaming nakakaalam ng sekreto mo..." He smirked again and caressed my cheeks. "At alam namin na hindi ka bastang isang bampira lamang. Paanong nangyari iyon, namatay ka na noon pa! Isang batang may gintong buhok at gintong mata. Ngunit lumipas ang panahon, sinabi ng itim na propesiya ang pagbabalik mo sa ibang pagkakakilanlan. At paano nabuhay ang isang patay? Dahil makapangyarihan, hindi ba? At doon namin napagtanto na nagmula ka sa anak ng sinasamba nilang dyosa. Ang duwag na dyosa na kahit kailan ay hindi sa amin nagpakita. Ang dyosa na walang ginawa kung hindi ay pigilin ang lahat ng gagawin namin..." he said.

I want to shout at his face. Gusto kong sabihin na hindi gagawin iyon ng aking ina kung mabuti ang hangarin nila. Ngunit masama sila.

He hold my jaw tightly. "At ang isang katulad mo ay hindi basta-bastang namamatay. That's why we look for a weapon that can kill you. 'Yong wala nang magagawa ang iyong ina kung itarak ko ito sa puso mo." Then he chuckled. Hanggang sa naging halakhak. Tumingin siya sa akin muli. "Kaya nakipagsundo kami sa mga demonyo. They are after you, too. Pero ngayon, kami ang bahala. After all, we have one aim. To kill you. At ang kutsilyo na 'to na gawa ng mga demonyo ang papatay sayo. At alam mo ba na ang demonyo ang mortal na kalaban ng diyosa? Dahil ang lakas nila ay higit sa aming mga bampira at kayang humabol sa kakayahan ng diyosa."

Being The Vampire King's BelovedWhere stories live. Discover now