Chapter 39

136K 3.5K 160
                                    

Lauren's POV

Alam kong may problema si Desteen. Sa sandaling nakasama ko siya, nalaman ko ang ugali niya. Masiyahin at optimistic. She always see things on a positive way. Kapag may negatibo, she will do her best to shoo that away. Malayo siya sa dating Desteen ngayon.

Pilit ang ngiti niya habang isa-isang niyakap ang mga malalapit sa kaniya rito sa palasyo.

"Mami-miss ko kayo," bulong niya sa bawat isa.

Malungkot ang mukha ng mga ito, dahil alam kong maging sila ay naging malapit sa prinsesa. Matapos magpaalam sa mga ito ay humarap ito sa amin. She sighed and faked a smile.

"Queen, King, aalis na ako," aniya.

I sighed bago lumapit sa kan'ya at niyakap siya nang mahigpit. Everything is sudden.

"Desteen, sabi ko naman ate na lang, 'di ba?"

"Well, mas matanda naman ako sa'yo. But you are right. Dapat kitang tawaging ate. Mas mature ka pa sa akin eh," mahina siyang tumawa.

Marahan akong lumayo sa kan'ya at hinaplos ang pisngi niya.

"Ano ba'ng problema mo, Desteen? You can tell me. Baka matulungan kita," saad ko. Ngumiti siya at umiling.

"Wala ate. I just really want to go back to the Arc Village. Naho-home sick ako rito eh," aniya at muling tumawa.

But her laughs seems fake. Pilit ang mga ito at pakiramdam ko ay naririnig ko ang pait at lungkot doon.

"At ayaw niyo 'yon? Wala ng istorbo!" she teased.

Uminit ang mukha ko nang maintindihan ang sinabi niya. Magsasalita sana ako nang tumikhim si Austin.

"Tell me, Desteen. What's your problem? I know you Caleigh." Biglang sumingit si Austin na kanina pa tahimik.

Napatingin kami sa kan'ya at nakita ko ang seryoso niyang mukha. Nakakunot ang noo at mariin na magkalapat ang labi. Just looking at him, alam kong malalim ang iniisip niya. And as his beloved I am able to know what he's thinking.

'Nangyari na ba? Did the prophecy already happen?'

"Ate! Kuya! Mag-asawa nga kayo! Pareho kayong paranoid!" At muli siyang tumawa. "Wala talaga akong problema, okay? It's just that, I'm not used to live here, kaya hindi ako nagiging komportable. Don't worry I'm fine. I'm okay," dagdag pa niya. Naglakad siya palapit kay Austin at niyakap ang kan'yang kuya.

I heard Austin 'tsk-ed' before hugging her back then he kissed her on her forehead. Napangiti ako habang pinapanood sila. Kahit hindi sila lagi magkasama, ramdam kong malapit sila sa isa't-isa.

Bumaling ulit sa akin si Desteen at muling yumakap.

"Mamimiss kita Ate. You're so kind and gorgeous. Tayong dalawa lang ang maganda here." Tumawa ito muli. "You really deserve the throne. Take care of my kuya and pahabain mo ang pasensya mo, masungit 'yan at masa--"

"Desteen Caleigh." May banta sa boses ni Austin sa pang-aasar sa kan'ya ng kapatid.

Bumaling sa akin si Austin. "Don't believe her. I'm a good boy, right?"

Halos mamilipit sa tawa si Desteen nang halos mag-puppy eyes si Austin. Napatawa rin ako. He's cute and very adorable. Bigla itong nagseryoso at sinamaan ng tingin si Desteen.

"Oh s'ya, aalis na ako. I belive that you will be a good queen, ate Lauren."

Napangiti ako at tumango.

"Thank you Desteen. Take care, and it's nice to meet you. Hope to see you again," saad ko.

Hinawakan ako ni Austin sa bewang at hinalikan sa gilid ng ulo. Pinanood namin ang papalayong bulto ni Desteen. Pinagbuksan siya ng pinto ng limousine, tumingin siya sa gawi namin saka kumaway. I waved back and watched the car went away.

Being The Vampire King's BelovedWhere stories live. Discover now