Chapter 37

117K 3.5K 363
                                    


Lauren's POV

He said that despite of the hesitance he felt. Kita ang pangamba sa kan'yang mata. I saw how he got a wound by his own action. Itinaas niya ang kamay na may hawak na silver knife saka ito idiniin sa kan'yang balikat.

Napapikit ako nang halos marinig ko ang tila pagkapunit ng kan'yang balat. I heard his low groan because of pain. Tears escape from my eyes as I slowly opened it to see him. Kumakawala ang mga pulang likido mula sa kan'yang braso. Pinapanood niya ang bawat pag-alpas nito mula sa sugat.

Halata ang hapdi sa kan'yang mukha. Kung simpleng kutsilyo lamang iyon, I'm sure hindi magiging ganito ang reaksyon niya. But it's a silver knife. A deadly weapon, for vampire like us.

"Austin..." I uttered while looking at him.

Unti-unti siyang napatingin sa akin. Umiling ako habang patuloy na lumuluha. Nagmamakaawa na 'wag na siyang sumunod sa sunod na iuutos ni Venice.

Unang sugat na ginawa pa lamang niya ay sobra na akong nasasaktan.

"Very good, Cali," saad ni Venice.

Bumaling siya sa akin at tinaasan ako ng kilay.

"Ano kaya ang sunod, hmmm?" Ngumisi siya habang nakalagay ang hintuturo sa ibabang labi at umaktong tila nag-iisip.

I gulped hard as the blood scent invaded my nostril. Napapikit ako dahil sa tamis ng amoy nito pero sumakit ang aking ulo nang tuluyan itong pumasok sa aking sistema.

"Of course ako ngayon ang mahal niya, Lauren, that's why his blood will bring pain on you. Kahit maamoy mo lamang ito. Plus he's under the dark spell," saad niya.

Tinitigan ko siya at lumipat din ang tingin kay Austin. Kitang kita ko ang pagkulay itim ng mga gilid ng sugat niya. Bahagya naring huminto ang pagdaloy ng dugo.

"What do you think, Lauren, if he will stab himself... hmm on his stomach?" My eyes widened.

Alam ko na kapag doon niya sinaksak ang sarili ay tuluyan na siyang mapupuruhan nang malalim. And I can't bear to see him hurting.

"No please..." Pinagdikit ko ang aking palad na nakatali at nagmamakaawang tumingin kay Venice.

Batid kong isang sabi lamang niya ay walang pag-aalinlangan itong susundin ni Austin.

"Bakit kita susundin?" Nang-aasar niyang saad bago bumaling kay Austin.

Pakiramdam ko ay anumang oras ay mawawalan na ako ng malay dahil sa takot. Takot para sa mga maaaring mangyari.

"Please... Nagmamakaawa ako. Wag, wag si Austin. Ako na lang," I begged.

"Nagsasawa na ako sa mga iyak mo dahil ikaw ang nasasaktan. I want to hear you cry loudly because of agony and misery. And I know how will that happen."

Lumapit siya kay Austin at natatawang pinagmasdan ito.

"I want you to hmm... ano ba? Ah, please saksakin mo ang binti mo Cali."

And a swift move sinunod niya iyon. Tumarak ang kutsilyo sa maong na pantalon pailalim sa kan'yang balat. I heard him growled, louder this time. At punong puno ng sakit ang sigaw na iyon.

My Austin... please stop this. You're not just killing yourself, you're killing me, too.

Nagsalubong muli ang mata namin. Nakita kong nabigla siya sa pag-iyak ko. Bumalik ang magulo niyang ekspresyon habang pinagmamasdan ako. At halata na rin sa kan'yang mata ang pagod at panghihina.

I know we are both on our weak and vulnerable state. Matagal na simula nang hindi kami nakainom ng dugo ng isa't-isa. We are drained physically and emotionally.

Being The Vampire King's BelovedWhere stories live. Discover now