Chapter 1

4.8K 182 40
                                    

Pinapa-tagal ni Scarlett ang pagbabad sa ilalim ng shower. Ninanamnam niya ang lamig ng tubig na dumadaloy sa kanyang pisngi. Kinuskos ang katawan gamit ang sponge na mahigpit na hinahawakan. Nagbuga siya ng malalim na paghinga bago piniga ang hawak at ibinalik sa lalagyan. Inabot niya ang shampoo at mariing kinuskos ng mga daliri ang anit.

Laman ng isipan niya ang estrangherong kasama. Malimit lamang na magka-bangga ang kanilang landas sa loob ng dalawang palapag na bahay. Mayroon itong limang silid sa itaas, dalawang maids quarter sa ibaba, malawak na living room at maluwag na kitchen area.

Masyadong malaki ang bahay para sa dalawang tao na walang pakialam sa isa't-isa, lalo na't hindi naman sila magkakilala. 'Yon ang nasa isip niya.

Nagpapasalamat pa rin siya nang sa gano'n, hindi nila kailangan magpa-tintiro para maka-iwas sa presensya ng bawat isa. Pinatay niya ang shower at inabot ang towel para patuyuin ang katawan.

Tinignan niya ang sarili sa salamin ang nakikita niya ay tumingin din ng kaparehong reaksyon na mayroon ang kanyang mukha. Kinuha niya ang toothbrush at nilagyan ng toothpaste. She was brushing her teeth eagerly and she doesn't know why.

Pagkatapos ay ibinalot niya ang katawan sa roba. Hawak pa rin ang tuwalya sa kamay na kanyang pinapatuyo sa buhok. Lumabas siya ng banyo at dumiretso sa walk-in closet. Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan niya bago iyon binuksan. She picked up the first dress her eyes pointed. Twisted her lips while looking the dress and returned it abruptly. Hindi niya feel magsuot ng dress, binalingan niya ang isa pang pinto ng cabinet. Binuksan niya iyon, kumuha siya ng signature white t-shirt, ripped jeans and pair of black close shoes with 3 inches high.

She opened another door where her undergarments place neatly. Nakuha ng atensyon niya ang isang itim na pares panloob. Bumalik siya sa kama saka nilagay ang susuotin. Pagkatapos magbihis ay tumungo siya sa dresser. Kinuha niya ang hair dryer, pinatuyo ang mahaba at makapal na buhok, kinulot niya ang dulo at hinayaan na lamang na nakalugay. She applied thick make-up with matching red lipstick. Nang makontento sa sarili, hinablot niya ang sling bag at lumabas ng silid.

Iginala niya ang paningin habang pababa ng hagdan. Napaka-aliwalas ng bahay, sayang lang at hindi magiging isang masayang tahanan kagaya ng iba. Walang ibang dekorasyon ang living room maliban sa couch, center table at t.v.

Tumuloy siya sa kusina dahil ramdam niya ang pagkatuyo ng lalamunan. Binuksan ang ref at kumuha ng tubig Napapailing na inilibot niya ang paningin. Apat na buwan na siyang naninirahan sa bahay pero kahit ni minsan ay hindi pa siya nakapagluto sa kusina.

She owned a boutique inside the mall. Doon niya ginugugol ang buong oras nang sa gano'n maka-iwas sa lalaking kasama sa bahay. Minsan naman kapag gusto niyang magliwaliw, iisang lugar lang ang gusto niyang puntahan. Ang lugar kung saan, nahahanap niya ang tunay na kaligayahan. Nakakangiti nang maluwag at hindi pilit. Ang tanging lugar na nagpapayapa sa kanya sa tuwing magulo ang utak niya.

Lumabas siya ng bahay, tinungo ang naka-park na kotse. She started the engine and drove away. Ilang segundo ang nakapalipas bago niya marating ang mall na kinaroroonan ng boutique. May dalawa siyang tauhan na naroon. Nakabukas na rin ang boutique, nakita niyang nag-aayos ang mga ito.

"Good morning, ma'am."

Sabay bati ng dalawa pagkakita sa kanya.

"Morning." anya diretso upo sa kaha.

"Have you check our stock already? Ibigay niyo sa akin ang lista para ma-order ko kung ano'ng dapat."

"Yes, ma'am. Sandali lang po at kukunin ko."

Naagaw ng atensyon ni Scarlett ang magkaparehang pumasok sa boutique. Kilala niya ang lalaki, ngunit ang babaeng kasama nito ay hindi. Tumawa siya ng mapait habang napapailing. Akalain mo nga naman sa dinadami-rami ng lugar na pwedeng makita ang ex niya ay sa loob pa mismo sa boutique niya. Nasaan na kaya ang ipinalit nito sa kanya at iba na naman ang kasama?

LOVING ATTORNEY DELA VEGAWhere stories live. Discover now