Chapter 16

90 2 0
                                    

Lumuhod sya at tinanggalan ng sapatos si Chad pagkatapos ay ang kurbata nito ang sinunod ngunit napatigil sya sa ginagawa nang mapansin ang kiss mark sa kwelyo ng asawa.

Napahakbang say paatras. Tila sya itinuod habang nakatitig sa walang malay na lalaki. Napakurap sya nang maramdaman ang pangingilid ng mga luha, hanggang sa unti-unting magsilaglagan.

Itinakip nya ang kamay sa bibig at patakbong pumasok sa banyo. Isinara nya nag takip ng toilet bowl. Umupo sya at doon umiyak ng tahimik.

She doesn't want to conclude, yet. Siguro kasama na naman nito ang kaibigan. Pero ang hindi nya maintindihan kung bakit naglalasing si Chad. May problema ba ito? Wala syang idea. Pero bakit may kiss mark ito?

Pagkatapos nya umiyak. Tumayo sya at naghilamos. Gano'n pa rin ang posisyon ng asawa paglabas ng banyo. Iwinaksi nya sa isip na may babae ito. Hindi iyon magagawa ni Chad. Mahal sya ng asawa. Ilang beses nya iyon narinig mula sa bibig nito.

Kahit masakit. Binihisan pa rin nya ang asawa. Kinoskos nya ng towel ang isa pang kiss mark nito sa leeg. She stared at him. Namasa na naman ang mga mata nya. Chad will never cheat on her. He loves her and she knew that.

She stay awake until late at night. Pinagmamasdan lamang nya ang asawa. Hindi nga nya namalayan na iginupo na rin sya ng antok.

KINABUKASAN maaga pa lang ay gising na sya. Balak talaga nya unahan sa paggising si Chad. Alas-singko-y-media pa lang ayon sa relo. Maingat syang tumayo para hindi maistorbo ang mahimbing na tulog ng katabi.

Pinili nyang gamitin ang sariling silid. Pagkatapos maligo, bumaba sya at naghanda ng breakfast. Malapit na sya matapos sa magluluto nang makaamoy ng mabango. Hindi na nya kailangan lumingon. Alam nya kung kanino ang amoy.

Ngumiti syang bumaling sa mesa, saktong papasok si Chad. Inaayos nito ang kurbata. "Good morning, kain na. Gusto mo ng kape? Ipagtitimpla kita."

Sandali syang tiningnan ni Chad. "Morning, yes, please." Humila ito ng upuan. Ang mga mata ay nasa mesa at wala sa kanya. Mayamaya pa, inilagay ni Chad ang kamay sa ulo. Mahinang minasahe ang noo.

"Here..." inilapag nya ang kape sa harapan. Kinuha naman nito na walang isang salita. Ngumiti sya ng lihim. Binuksan nya ang medicine cabinet at kumuha ng gamot.

"Inumin mo 'to pagkatapos mo kumain." Tinapunan ng tingin nito ang inilapag na gamot.

Ipinilig ni Chad ang ulo. Humigop ito muli ng kape. Kinuha nya ang pinggan ng asawa at say na mismo ang naglagay ng kanin.

"I don't want to eat. Coffee is fine."

"Pero kailangan mo kumain, kahit kaunti lang para maka-inom ka ng gamot." She insisted.

Hinablot nito ang baso gamot at direstong inilagay sa bibig sabay abot ng tubig sa harap. Mabilis itong tumayo sa hapag nang hindi man lang nagagalaw ang pagkain.

"I'm going." Paalam ni Chad. Iniwan sya sa mesa.

Palabas na ito ng main door nang matauhan sya. Tumayo sya sa upuan at hinabol ang asawa.

"Uhm, what time ka uuwi mamaya?"

Yamot na bumaling si Chad. "I don't know, I have tons of work to be finished." Binuksan nito ang back seat at doon hinagis ang briefcase.

"C-Chad..." habol nya.

"What?"

Napalunok sya. Dati naman hindi sya takot sa tuwing sisigaw ito. Pero ngayon, hindi nya malaman ang gagawin. Nais na lamang nya umiyak biglang pagbabago ng pakikitungo nito.

LOVING ATTORNEY DELA VEGAWhere stories live. Discover now