Chapter 19

94 2 0
                                    

Nagmulat sya. Mahapdi ang kanyang mga mata gawa ng labis na pag-iyak. Naninibago sya sa dating silid. Nasanay na kasi sya na katabi ang asawa. Malanghap ang amoy nito matitigan sa tuwing magigising sya sa gitna ng gabi.

Kinapa nya ang tiyan. Kanina pa iyon nagrereklamo. Paniguradong gutom na ang anak nya. Kahit nanghihina, sinikap nyang bumangon. Naghilamos sya at matagal na pinagmasdan ang namamagang mga mata. Namumula rin ang buo nyang mukha. Sisiponin pa yata sya. Pinahiran nya ng puting towel ang mukha. Bumaba sya pagkatapos magbihis.

Huminto sya sa paglalakad nang may makitang babae sa kusina. Sa hinuha nya ay nasa mid-forties ang babae. Nag-angat ito ng tingin nang mapansin sya.

"Magandang umaga, ma'am. Ako ho si Loling. Pina-punta ako ni sir Chad dito para may makasama kayo."

Naguluhan sya. Itinuloy nya ang paglapit sa kusina. "Magandang umaga din, ho. Ganoon ho ba? Pasinsya na kayo tinatanghali ako ng gising. S-si Chad ho naka-alis na ba?"

"Ah, si sir kanina pa ho umalis, ma'am. Isang linggo raw syang mawawala, kaya tinawagan nya ako sa mansion para samahan kayo rito."

"Mansyon?"

"Sa bahay po ng mga magulang ni sir, doon ako naninilbihan ma'am."

Nakakaintinding tumango sya. Nasaktan sya nang malaman na umalis si Chad nang hindi man lang nagpapaalam. "Ah, Aling Loling, Scarlett na lang ho ang itawag nyo sa'kin. Nakakahiya naman ho sa inyo. Kaya ko naman ang sarili ko."

"Naku! Ayos lng iyon ma'am-ah-este Scarlett. Mabuti na iyong may kasama ka rito, matagal-tagal pa naman mawawala si sir."

"Saan daw ho sya pupunta? May sinabi ho ba sa inyo?"

"Nabanggit nya na may biglaan syang conference na nadadaluhan sa Cebu."

Cebu? Kumapit sya sa mesa nang madama ang panghihina ng binti. 'Di nagtagal ay umupo sya sa upuan.

"Oh, iha. Kumain kana, mukhang namumutla kana yata. Heto oh, mainit-init pa."

Pinagmasdan nya ang pagkain na inihanda ni Aling Loling. Naluluha sya ngunit ayaw nya iyong ipakita sa matanda baka kasi magtaba ito. Ngumiti sya at nagpasalamat. Pinilit nya kumain, hin para sa sarili kundi para sa anak nya. Kailangan nya maging malakas para rito.

"Kayo ho? Sabay na ho kayo sa akin, Aling Loling."

"Salamat iha, pero katatapos ko lang. Sya, kumain kana. Ito, masarap ito."

"Salamat ho." Sumubo sya. Ang utak nya ay lumilipad sa asawa. Nag-aalala sya para sa lalaki. "Aling Loling, iyong mga magulang ni Chad? Mabait po ba?"

Halatang naguluhan ang matanda sa tanong nya. Sa totoo lang, hindi nya kilala ng personal ang mga magulang ni Chad. Dalawang beses nya lamang nasilayan ang mga iyon. Noong ikasal sila ni Chad pinaka-una.

"Bakit iha, hindi mo pa ba nakikilala ang mga beyanan mo?" Ngumiti sya nang matamlay. Umiling sya bago sumubo. "Dalawang beses ko lang po sila nasilayan."

"Ganoon ba, iha? Hay, masyadong abala kasi ang mag-asawang iyon. Hayaan mo, balang araw makikilala mo rin ang mga iyon. Kumusta nga pala kayo ni Chad?"

Yumuko sya. Nakatulalang tinitigan ang pagkain. Kumusta na nga ba sila? Dapat nya bang sabihin na galit sa kanya ang asawa? At hindi nya alam kung bakit? Maayos naman sila nang mga nakaraang linggo. Ramdam nya ang pagmamahal ng asawa ngunit namalayan nya na unti-unti iyong nagbabago. Bumalik sila sa dati kung saan wala silang paki-alam sa buhay ng bawat-isa.

Now, Chad left her alone. She's pregnant and he knows that she needed him more than whoever. She's still clueless of what's happening between them, until yesterday, after seeing how happy Chad was talking to the beautiful woman, it made her realized that maybe Chad is no longer in love with her. Hinihintay na lamang nya na sabihin na ayaw na nito. Sa isiping iyon,unti-unting nadudurog ang puso nya.

LOVING ATTORNEY DELA VEGAWhere stories live. Discover now