Chapter 4

146 5 0
                                    

NATIGILAN si Scarlett nang makita si Chad na prenteng naka-upo sa pandalawahang upuan na naroon sa loob ng boutique. Huli na para magkubli siya dahil lumingon na ito sa kanyang gawi. Napilitan siyang lumapit sa lalaki.

"Hi..."

Pinigil na itirik ni Scarlett ang mga mata pagkabigkas ng simpling pagbati ni Chad.

"Ano'ng ginagawa mo rito?"

"I'm here to take you out for dinner."

Tinaasan niya ito ng kilay. Ano mayron sa lalaki? Bakit bigla-bigla yata ang pagyaya sa kanya? Nakonsensya ba ito sa mga pinagsasabi sa kanya kagabi?

Dahil walang magawa si Scarlett napilitan siyang pumayag sa alok ni Chad. Nasa manibela ito at katabi niya sa unahan. Kakalabas pa lamang nila ng parking area ng mall. Kapwa sila tahimik at parehong pinapakiramdaman ang isa't-isa. Hinintay ni Chad ang closing ng boutique niya para makapag dinner sila. Nagpasya na lamang siya na mag sarado ng maaga dahil hindi siya sanay na naroon ito sa loob ng boutique at naghihintay sa kanya.

Kotse niya ang gamit nila dahil tila sinadyang iwan ni Chad ang sariling sasakyan sa bahay. Pinagbigyan niya ang lalaki sa nais nito na maghapunan sila. Wala siyang ideya kung saan siya dadalhin ni Chad. Minabuti na lamang niyang manahimik. Itinuon niya ang pansin sa labas ng bintana. Alas-otso pa lang ng gabi, maaga pa para sa mga taong nasa lungsod naninirahan. Napatuwid siya ng upo nang pumasok ang sasakyan sa isang Japanese restaurant. The last time she had ate Japanese foods was 6 months ago. She dearly missed the taste of it. Paborito niya ang pagkaing hapon, iwan ba niya kung bakit iyon ang naging paborito.

"How did you know this place?" hindi mapigilang tanong niya sa lalaki.

Ngumiti si Chad. Ngunit tila iba ang dating ng ngiting iyon para sa kanya o guni-guni lamang niya?

"Nakita ko lang kanina nang mapadaan ako."

Umingos siya na tila hindi kombinsido sa sagot ng kausap. Well, wala siyang paki-alam basta masaya siyang matikman muli ang Japanese foods. Pagka-park ng sasakyan, hindi na siya nag-aksaya ng oras, kaagad siyang bumaba. Namanghang pinagmasdan ang labas ng restaurant. Marami iyong tao sa loob, napangalingon siya ng tumabi si Chad sa kanya.

"Baka wala tayong ma-upuan." Inginuso niya ang loob, "maraming tao."

Nagulat siya nang kunin ni Chad ang isa niyang kamay, bumaling ito s kanya at ngumiti, "don't worry, akong bahala. Let's get inside." Wala sa loob na tumango siya. Nagpatinaod siya nang hilahin ni Chad papasok sa restaurant.

Sumalubong sa kanila ang nakangiting waiter, "Reservation for Dela Vega." Ani Chad. Hindi mapigilang ngumuso ni Scarlett sa lalaking may hawak ng kamay.

Napadaan daw, pero may reservation pala. Teka, pinaghandaan ba niya ito?

"This way ma'am, sir."

Napakurap si Scarlett nang muli silang lumakad at sinundan ang waiter. Ipinaghila rin siya ni Chad ng upuan which is new to her. Ano kayang nakain nito at biglang bumait sa kanya? Binigyan sila ng waiter tig-isang menu. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang mga pagkain, para tuloy siyang naglalaway.

"Order what you want, don't limit yourself." Ani Chad.

Sa mabagal na kilos paunti-unti niyang ibinaba ang menu book na nakatakip sa mukha dahil sa tutok na tutok niyang pinagmasdan ang mga pagkain.

"Sabi mo, napadaan ka lang. Eh, bakit may reservation ka?"

"Because I intended to take you here, bumaba ako at nagpa-reserve for us."

Hindi na siya umimik pa, muli niyang ibinaling ang mga mata sa menu. Nagulat pa siya na umorder si Chad nang kagaya ng inorder niya. Wala raw kasi itong alam sa Japanese food kaya magkapareho na lang sila. The dinner went well, the foods were perfectly satisfied her craving mood. Panaka-naka'y nag-uusap sila ni Chad, nagtatanong ito kaya sinasagot naman niya ng maayos.

LOVING ATTORNEY DELA VEGAWhere stories live. Discover now