Chapter 21

112 2 0
                                    

Pinilit ni Scarlett na pumasok sa boutique kahit magang-maga ang mga mata. Nagtaka pa si Voilet nang bumungad sya bigla, matapos syang batiin hindi na rin nagtanong pa ang tauhan. Ilang araw syang lumiban sa trabaho dahil sa morning sickness. Ngayon nga ay kinailangan na rin nyang pumasok.

Nilibang nya ang sarili sa harap ng computer. Sinadya nya na huwag na munang bumili ng cellphone matapos masira ang cellphone kagabi. Tinawagan na lamang nya ang kapatid gamit ang landline sa opisina para ipaalam na sira nga ang cellphone. Tumingala sya ng mangalay ang leeg. Ipinikit nya ang mga mata. Ang galit na mukha ni Chad ay kaagad rumihistro. Napadilat sya at panandaliang nakatulala sa harap ng computer.

Hindi na nya maintindihan si Chad. Ang biglang pagbabago ng ugali nito. Ang pakiramdam na parang ayaw na sa kanya. Na parang sa isang iglap lang naglaho ang lahat ng parangap nito noon para sa kanila. Ang Chad, na nagsasabing mahal sya. Ang Chad na laging humahalik sa noo nya.

Pinahid nya ang luha. Hindi nya namalayan na umiiyak na pala sya. What have she done? Did she do something wrong para maging iba ang trato sa kanya ng asawa? She's clueless of what happening. Is Chad have an affair? Is he cheating on her?

Her heart tightened. She stood up from swivel chair and take a deep breath. Placing palm on her tummy and caressed it softly.

"I'm so sorry. I shouldn't have felt this way because this is not healthy for you. I should be happy and always cheerful. Don't worry, starting tomorrow, mommy will try to smile often. Forget all the pain and problems. I will think of more of you so mommy won't be sad at all. I love my little one. I'm excited to see you." Kausap nya sa anak kahit na fetus pa lang habang hinihimas ang flat nyang tiyan.

Mabilis na lumipas ang oras. Maaga syang nagligpit ng gamit at umuwi rin ng maaga. Naisipan nya na magluto ng chicken curry. Paborito iyon ng asawa. Siguro naman ay humupa na ang galit nito kagabi.

Naiiyak na naman sya nang maalala ang salitang binitawan ni Chad. It hurts so much knowing that the person you expect to protect you is the one hurting you so bad. It's sad when know that your heart couldn't have the courage to hate him instead it worried a lot.

She tried to fix herself. Pinaalala nya sa sarili na hindi sya dapat makaramdam ng ganoon. Ipinangako nya sa anak na maging masayahin sya. Pinahid nya ang luha at dinama ng palad ang manipis na tyan. Napangiti sya sa isip.

Dumadaan muna sya sa grocery store para mamili ng lulutuin. Natigilan sya nang maalala ang pagkikita nila noon ni Chad sa kaparehong mall. Sa bahagi kung saan nya ito nakitang may kasamang ibang babae.

Sumilay ang mapait na ngiti sa kanyang mapuputlang labi. Yumuko sya at tumuloy sa paglabas bitbit ang grocery. Nadatnang nya ang kahungkagan sa loob ng bahay. Pina-uwi na kasi ni Chad nag katulong na hiniram nito sa bahay nila. Kaya naman, balik ulit sya sa pag-iisa tuwing wala ang asawa.

Umakyat muna sya para makapag-palit bago sinimulan ang paghahanda ng lulutuin.

Napatanga sya sa kabubukas lang na pintuan. Pumasok si Chad bitbit ang suitcase nito. Nagtama ang kanilang mga mata. Si Chad ang unang nag-iwas ng tingin, iiling itong tumuloy sa hagdan. Sinundan ito ng tingin hanggang sa marinig ang pagbukas at pagsarado ng pinto.

Napabuntong hiningang itinuloy nya ang pag-aayos ng mesa. Tamang-tama lang ang dating ni Chad dahil katatapos lamang nyang magluto. Umuusok pa ang sabaw ng sinigang na baboy. Nang maayos ang mesa, nagpahid sya ng kamay. Tiningnan nya ang hagdan.

She forced to smile and headed upstairs para tawagin ang asawa. Hesitantly, she bite her lips, raised hands to knock on the door. She waited her husband to open it, nakahinga sya ng makaranig ng yabag.

Ang bored na mga mata ni Chad ang sumalubong sa kanya. "What?" Anito sa walang kabuhay-buhay na boses.

Nag-iwas sya ng tingin dahil nakabalandra sa harapan ang patong-patong nitong abs. Bakit ba kasi nakahubad ito? At tanging boxer short lang ang suot? Hindi nito gawain ang maghubad, nag-aalangan tuloy syang harapin ang asawa. It felt awkward after their fight last night and now facing him in such get up?

LOVING ATTORNEY DELA VEGAWhere stories live. Discover now