Chapter 9

168 5 0
                                    

After dinner, namasyal sila sa tabing dagat. Maliwanag ang sikat ng buwan at marami-rami rin ang tao sa dalampasigan. Pareho silang nakapaa ni Chad bitbit ang tig-isang beer in can.

"Have you ever dream to have a child?"

Huminto si Scarlett sa paglalakad. Sinipa niya ang bato sa paanan papunta sa dagat. Child? Oo, pangarap niya. Pero takot siya, baka hindi niya makayanan ang responsibilad bilang nanay. Ni hindi nga niya alam kung magiging mabuti siyang ina.

"Wala pa sa isip ko ang magkaroon ng anak. I'm quite a afraid of responsibility. A lot of what ifs engrave in my mind." Anya. Nasa karagatan ang atenyon niya. Narinig niya ang pag-hugot ni Chad ng malalim na buntong hininga.

"I understand."

Umisang tango siya at lumagok ng beer. Binalingan niya si Chad na naroon sa likod. Nagtama ang kanilang mga mata. Humakbang ito at pinamulsa ang libreng kamay.

Samantalang inaanod ng hangin ang kanyang buhok dahilan para tumabing sa mukha. Huminto si Chad sa mismong harap.

"I can wait, hihintayin ko kung kailan ka handa."

Nginitian niya ang asawa at inabot ang kamay nito. She entwined their fingers and close the gap between them. Yumakap siya kay Chad nang nakatagilid. Pinalibot nito ang libreng kamay sa bewang.

Swayed their body and listen to the rhythm of their heartbeats. She leaned a head over his chest and inhaled his manly scent.

"Chad..."

"Hmm?"

"Can I ask a question?"

"Sure, what it is?"

"Why did you marry me? Maraming babae ang nakapalibot sa'yo, bakit ako? You're a successful lawyer yet you marry me; unsuccessful. Wala pang napapatunayan. Sakit ng ulo ng ama."

Naging mahigpit ang yakap ni Chad sa kanya.

"Don't belittle yourself, you are special. Talented and beautiful." Chad lift up her chin using his thumb. "You don't have to prove something because the simply you are something to be proud of. And I'm proud of you, sweetheart."

"C-Chad..." nangilid ang luha niya.

Nakangiting kinabig siya ng asawa. Pumikit siya ng maramdaman ang labi nito sa buhok. It stayed there for a couple of minutes.

"Thank you, Chad."

"For?"

"For understanding me. You know, I'm hard to deal with and honestly, I don't have friends to trust on. But I have this one place; my favorite place where I could hang out the people easily."

Nalukot ang balat sa noo ng asawa.

"What place is that? Can you bring me there?"

"Of course, one of these day. Kapag hindi na tayo busy pareho. I'm sure you will love the place and the people around."

"Sure, I am as long as I'm with you."

Pabirong kinurot niya sa tagiliran ang asawa. Tumawa ito ng mahina bilang sagot.

"Its getting late, let's go home?"

Kumalas siya. Inilibot niya ang paningin sa paligid. Kakaunti na lamang ang naroon. Ibinalik niya ang paningin kay Chad saka tumango. Kinuha nito ang kanyang kamay at sabay silang bumalik sa sasakyan na nakaparada 'di kalayuan.

She looked at Chad, while their hands were clasped together. Sometimes, it's hard to believe na mayroon na siyang asawa. Parang kailan lang nang mangarap siya na dapat ikakasal lamang siya sa taong pareho nilang mahal ang isa't-isa. But those dreams were vanished.

LOVING ATTORNEY DELA VEGAWhere stories live. Discover now