Chapter 18

92 2 0
                                    

"Good morning..." nagmulat si Scarlett dahil sa mabangong amoy.

Ang gwapong mukha ng asawa ang namulatan nya. Nakatayo ito sa gilid ng kama, hawak ang tray ng pagkain.

"Breakfast on bed."

"Morning..." anya. Bumangon sya at umisod sa headboard ng kama.

Inilapag ni Chad ang tray sa tabi. Yumuko muna ito at hinalikan ang tiyan nya. Natunaw ang puso nya sa ganoong tanawin. Akala nya ayaw nito sa anak nila. Akala nya nagbago na ng isipan nito.

"Hey, little one. I'm your dad. Mommy and I, are so excited to see you honey." Ngumiti si Chad nang umangat sa kanya. "Kumain kana." Tumango sya. Inilagay ni Chad ang tray sa harap.

"Ikaw? Sabayan mo na ako, ang dami nito."

"I'm done with my coffee. I have to take a bath, now. Finish it para maging malakas kayo ni baby." Hinalikan sya ni Chad sa noo.

Pumasok ito sa banyo. Saktong nag ring ang cellphone nya. Ang kuya Paul nya ang tumatawag. Binalingan muna nya ang banyo bago sinagot ang tawag.

Pagkatapos mag-usap, bumalik sya sa pagkain. Lumingon sya sa banyo nang bumukas ang pinto. Lumabas ang nakatapis na asawa. Mamasa-masa ang buhok nito. May mumunting butil ng tubig na dumadaloy sa dibdib patungo sa pusod. Napalunok sya ng wala sa oras.

Naglalaway kasi sya sa magandang tanawin. Tumikhim si Chad dahilan para matauhan sya. Namula say at mabilis sa alas-kwatrong ibiniling sa ibang direksyon ang paningin.

Nginuya nya ang pagkain na naroon sa bibig. Nagbihis si Chad habang sya ay panaka-nakang ninanakawan ito ng sulyap. Feeling nya ang ilap ni Chad sa kanya.

"Are you done? I have to go, now."

"Ngayon na?" Binalingan nya ang relo. Ang aga pa, sayang naman. Nais sana nya ito makasama.

"Yeah. Marami akong trabaho na naiwan sa opisina." Nalungkot sya.

"Pwede ka ba umuwi ng maaga?"

Nagsalubong ang makinis na noo nito. Yumuko sya. She doesn't want to disappoint herself. Sa unang tingin pa lang, alam nya na disgusto ito sa hiling.

"I can't promise, I will see to it if I can make it home, early. Bye, have to go now."

Napabuga sya ng hangin sa kawalan nang mabilis na mawala ang asawa sa paningin. Itinabi nya ang pagkain at pumunta sa binta. Papalabas na ng bakuran ang sasakyan ni Chad at wala sya ng magawa kundi tingnan lang iyon.

Wala sya sa mood pumunta sa boutique. Aantukin lamang sya roon. Tamang-tama, niyaya sya ng kapatid na mag-lunch. Tatanggihan nya sana ito para makasama ang asawa kaya lang ay iniwan naman sya.

"Hey, honey! We are going to have lunch with your tito. Ang busy kasi ng daddy mo sa work. You know what baby, miss na miss na ni mommy si daddy but daddy is always busy at work." mahinang kausap niya sa flat na tiyan habang hinahaplos ito.

She look around and smiled. Damang-dama niya ang lungkot sa loob ng bahay. Parang kailan lang noong magkaayos sila ni Chad. Naalala niya ang maikli ngunit masasayang sandaling magkausap sila ni Chad.

She is clueless of what happening to him. Ramdam niya ang biglang pagbabago ni Chad. Ayaw lamang niya itong komprontahin sa takot na baka ipagtabuyan siya nito. She loves him so much. Hindi niya iyon maamin sa asawa sapagkat may malaking takot sa kanyang puso. But God only knows kung gaano niya ito kamahal.

Gayon pa man, umaasa siya na muli silang magkakaayos ni Chad. Umaasa siya na babalik ang dating Chad. Ang asawa niya na laging nagpaparamdam ng pagmamahal nito sa kanya.

LOVING ATTORNEY DELA VEGADove le storie prendono vita. Scoprilo ora