Chapter 20

109 2 0
                                    

Lumingon si Scarlett sa nakasaradong pinto nang may mag-doorbell.

"Ako na ho, Aling Loling."

Dalo-dali nyang tinungo ang pinto. Sa susunod na araw ang uwi ni Chad. At nagtaka sya kung sino ang nasa labas. Araw-araw kino-kumusta nya si Chad ngunit kahit isang reply wala syang natanggap mula sa asawa. Tuwing gabi, pumapasok sya sa silid nito upang doon matulog, lilipat sya ng madaling araw sa sariling silid sa takot na baka maabutan ni Chad at pagalitan. Iyon lamang ang alam nya para maibsan ang labis na pagkasabik sa asawa.

"C-Chad!" Namutawi ang gulat at tuwa sa mukha nya. Lumukso ang puso nya ng masilayan ito. Dali-dali syang lumapit at yumakap ng mahigpit. Maya-maya pa ay natigilan sya. Naglaho ang kanyang ngiti. Nahihiyang kumalas sya at umatras ng kaunti. Tumingala sya sa asawa. Tinapunan sya ng walang ganang tingin.

Ngumiti sya. "Akala ko sa isang araw ka pa, uuwi. Tamang-tama nagluto ako ng nilag-" tumalikod si Chad. Umakyat ito sa hagdan. Alerto syang sumunod. Nais nya itong makasama kahit hindi sya kausapin ay ayos lang. "Nagluto ako ng nilagang baka. Gusto mo na ba kumain ngayon o mamaya na lang at magpapahinga ka muna?"

Walang imik si Chad. Nakarating sila sa itaas. Diretso ito sa silid. Nakasunod pa rin sya sa likuran nang bigla syang bagsakan ng pinto. Napaatras sya.

Tulala syang nakatitig sa nakasarang pinto. Pumiyok sya nang hindi mapigilan ang emosyon. Namalisbis ang luha nya. Paulit-ulit na kinumbinsi ang sarili na ayos lang ang lahat. Siguro pagod lang talaga ang asawa, gayunman, masaya sya na narito na ito sa bahay. Mapapanatag ang loob nya. Mababawasan na rin ang kanyang pag-aalala.

She composed herself and smile despite the pain. Wipe her tears and wait for her husband to come out. Nangalay ang binti nya, ngunit walang Chad na lumabas.

Matamlay na nilisan nya ang pinto at bumalik sa kusina.

"Oh, nasaan ang asawa mo iha? Hindi pa ba sya kakain?"

Umiling sya. "Gusto muna nya magpahinga, Aling Loling. Baka mamaya pa iyon kakain."

"Oh sya, sige iha. Doon muna ako sa labas, tatapusin ko iyong labahan ko."

Tumango sya sa matanda. Naiwan syang nakatingin sa nilagang baka. Kapagkuwan, iniligpit nya iyon. Kinuha nya ang susi ng sasakyan. Habang nagda-drive, napadaan sya sa convenient store na palaging binibilhan ng bear bago tumuloy sa puntod ng ina noon.

Napangiti sya ng mapait. Hindi sya pwedeng uminom ng beer o magsigarilyo dahil may bata sa sinapupunan. Nagmaneho sya hanggang sa napagod. Itinabi nya ang sasakyan sa gilid. Sumubsob sya sa manibela, yumogyog ang balikat nya sa matinding emosyon.

Parang sasabog ang dibdib nya sa sakit.

"What have I done? Why you treated me like this? Ang saya natin noon pero bakit bigla yatang nag-iba kana? Ang dami mong pangarap para sa atin. Nasaan na yun, Chad? Nasaan na ang pangako mong aalagaan at mamahalin ako kasama ng magiging anak natin?" She cried even more.

Nang mahimasmasan. Pinaandar nya ang sasakyan. Huminto sya sa dalampasigan. Binuksan nya ang bintana para makapasok ang hanging pandagat. Tahimik na pinagmamasdan nya ang payapang karagatan. Napangiti sya ng maalala ang gabing kasama si Chad sa dalampasigan noon. She missed those moment. Sana pala, nagdala sya ng camera para kunan ang sandaling iyon.

Ipinilig nya ang ulo. Lumanghap sya ng sariwang hangin. Pero kahit na anong gawin nya, naroon pa rin ang bigat sa dibdib. Bumalik sya sa bahay, malayo pa lang tanaw na nya ang papalabas na sasakyan ni Chad. Huminto sya sandali. Nagtatalo ang isip nya kung susundan ito o hindi. Sa huli, natagpuan nya ang kamay na muli ng nagmaneho. Sinigurado nya na malayo ang distansya sa kotse ni Chad para hindi nito malaman na sumunusunod sya.

LOVING ATTORNEY DELA VEGAWhere stories live. Discover now