Chapter 17

85 2 0
                                    

HINDI nya nadatnan ang asawa nang magising sya. Maaga itong umalis at hindi man lamang nya namalayan. Kanina pa sya gising ngunit tinatamad syang bumangon. Naka-upo lamang sya sa kama, nakasandal ang likod sa headboard at yakap nya ang unan ni Chad. Ibinaon nya ang mukha sa unan.

Sumisikip ang dibdib nya. Nasasaktan sya. Ayaw na ba ni Chad magka-anak? Bakit hindi nya makita ang tuwa sa mukha nito nang ibalita nya ang kalagayan? Kinapa nya navigation tiyan ng tumunog.

"Sorry, baby. Gutom kana ba? Wait lang, ha? Bababa na si mama para kumain."

Tumungo sya sa kusina. Kinuha nya ang food cover sa ibabaw ng mesa. Nagulat sya na meron nang nakahandang pagkain. Mayroon ding gatas at prutas.

Kinuha nya ang naka-ipit na papel. "Finish your breakfast." Napangiti sya ngunit nag-ulap ang kanyang mga mata.

Nagsimula syang kumain. Dati naman, ayos lang sa kanya na mag-isa sa mesa. Sanay na sanay syang mag-isa noon. Ngunit simula nang nagkamabutihan sila ni Chad, nasanay sya na palagi itong kasama. Namiss nya ang mga araw na parang ayaw na nitong mahiwalay sa tabi nya.

Iyong damang-dama nya ang pagmamahal nito. Iyong mga oras na sinasabi ni Chad ang tatlong kataga. Hindi man nya magawang sagutin ang mga iyon, idinadaan naman nya sa pag-aalaga sa asawa.

Humugot sya nang malalim na paghinga. Pagkatapos kumain, umakyat sya para maligo at magbihis. Saktong tumunog ang cellphone paglabas nya ng banyo. Ang kuya nya. Susunduin daw sya. Alam na rin nito na may asawa na sya ngunit pa niya naipapakilala ang kapatid kay Chad.

Hindi sya makahanap ng tiyempo dahil sa biglang pagbabago ng asawa. Lagi syang nauunahan ng takot sa tuwing ibubuka ang bibig.

Ewan ba nya! Hindi naman say gano'n dati. Ibinigay nya sa kapatid ang address ng bahay. Binilisan na rin nya abg pagbihis.

"GREAT you're just on time."

Lumapit sya sa kapatid. Niyakap sya bago hinalikan sa noo.

"Good. Where's your husband?"

Lumungkot ang mukha nya. Ngunit nagawa pa rin nya ngumiti para hindi mahalata ng kapatid na in bad terms sila ni Chad.

"Maaga syang umalis. Maaga ang hearing nya." She lied kahit ang totoo ay hindi nya alam kung may hearing ito o wala. "Don't worry, I will introduce you two, soon."

"As you say so, shall we?"

"Yup!" Pinasigla nya ang tinig. Binuksan ng kapatid ang pinto para sa kanya.

"Saan tayo pupunta? Hindi ito ang daan papunta sa boutique."

"Oh I'm sorry, I forgot to tell you. We're having breakfast at home, hinihintay nila tayo."

Namilog ang kanyang mga mata. Sa huli ngumiti sya dahil makakasama nya sa hapag ang pamilya. Medyo malungkot nga lang dahil wala si Chad.

"MA'AM, Scarlett? Ayos lng po ba kayo?" May pag-aalalang puna ni Violet sa kanya.

"Ayos lang, bakit?"

Kumunot ang noo ng babae. Nasa kaha kasi sya. Since naboboring sya sa loob ng maliit na opisina. Lumabas sya at umupo sa kaha.

"Ang putla nya kasi."

Yumuko sya at. Cheneck ang balat. Medyo maputla nga sya. Normal lang iyon, at batid nya na epekto ng pagbubuntis ang pinagdadaanan.

"Normal na balat ko 'to, ano ka ba!" Natatawang pahayag nya. "Pasok muna ako sa loob." Iniwan nya ang kaha ganon din ang tauhan na tila hindi kombinsido sa sinabi.

Nakaramdam sya ng pagod. Feeling nya bibigay ang tuhod nya. Mabilis syang naupo at isinandal ang likod sa sandalan. Inabot nya ang cellphone na nakapatong sa mesa. Nagdadalawang isip say kung tatawagan ang asawa.

LOVING ATTORNEY DELA VEGAWhere stories live. Discover now