Chapter 22

128 3 0
                                    

Itinukod ni Chad ang kamay sa sink. He was having a terrible headache. Itinakip niya ang isang kamay sa noo, ang isang kamay ay nakatukod sa sink. Bumalik siya sa kama, umupo siya sa gilid at sinapo ang ulo. Noon siya nakarinig ng mahinang katok. Bumukas ang pinto, pumasok si Scarlett na may dalang tray. Langhap niya agad ang mabangong niluto nito. May sabaw din na umuusok pa. Noon niya napagtanto na gutom na gutom siya. Hindi umimik si Scarlett. Tahimik na inilagay nito ang tray sa ibabaw ng kama. Napansin niya ang dalawang gamot na naroon.

Pinagmasdan niya ito. He felt guilty. Mas lalo itong gumanda. Hiyang ito sa pagbubuntis. May kaunting pagbabago na rito; tulad ng medyo paglaki ng dibdib nito, may umbok na rin ang tyan. And for that, mas lalo siyang nakaramdam ng pagkahabag.

He studied her movement. Pigil na pigil niya ang sarili na ikulong ito Aaron mga bisig. God only knows how much he messes his wife. Naramdaman niya ang pagkailang nito. Ni hindi ito tumingin sa gawi niya. Lumabas ito na walang katagang binitawan.

May sakit na biglang gumuhit sa puso niya. Kasabay ng takot na namuo. Ipinilig niya ang ulo. Tiyak na dala lang iyon ng gutom niya.

Pagkatapos kumain. Ibinaba niya ang pinagkainan. Hinanap ng mga mata niya si Scarlett, ngunit wala ito sa ibaba. Natagpuan niya ito sa likuran ng bahay na nag aayos ng mga bulaklak. Ngumunot ang noo niya nang mapansin ang madalas na pagtaas ng kamay nito sa pisngi. Nailing siyang pumasok sa loob at umakyat muli sa silid.

He called his secretary to cancel all his appointment. He considered the day as his off day. Pagkaraan ng ilang segundo, hindi niya matiis na walang ginagawa. He opened his laptop to do his work.

He received an email from a trusted person who conducted his big favor. May kung ano'ng galit sa puso niya ang muling nabuhay. Binasa niya ang email, kunot na kunot ang noo niya hanggang sa mabasa ang pinakabood.

Napatulala si Chad sa impormasyong nabasa. He couldn't have believed what was it. Or it was really a joke? Nais niyang iuntog ang sarili sa pader. Gusto niyang saktan ang sarili. He was a big stupid!

Tumakbo siya sa bintana. Malinaw na nakita niya ang asawa. Umiiyak ito! Noon nanghina ang tuhod niya. Napatago sya sa gilid at sumandal sa pader. Unti-unting dumaos-dos sa sahig ang puwetan niya hanggang sa tulayang makaupo. Sinapo niya ang ulo na ngayon ay mas lalong sumasakit.

What was he did? Isa siyang malaking gago. Tatlong buwan niyang tinikis ang asawa. Tatlong buwang pinarusahan sa kasalanang hindi nito ginawa. He was doomed! Go God's sake! Scarlett was pregnant to their child. Sukat sa isiping iyon, magkahalong excitement at takot ang nadarama niya.

Kusang tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Napatayo siya bigla. Deretso siya sa pinto, saktong pagbukas niya. Natanaw niya ang likuran ni Scarlett papasok sa sariling silid. Nais niya itong sundan ngunit nahabag ang kanyang buntot.

Ano ang sasabihin niya? Baka magtaka ito bigla. At paano niya sasabihin ang lahat sa asawa? Bigla ang panlalamig niya rito kung kailan magkakaanak sila. She was in front of him to witnesses how helpless and miserable she was asking what was their problem.

He was being so unfair. Ang laki ng kasalanan niya kay Scarlett. He definitely, deserves to be punished. At nakahanda siyang tanggapin iyon. Binalikan niya ang laptop sa ibabaw ng kama. Ikinuyom niya ang palad dahil sa inis niya sa sarili.

Inabala ni Scarlett ang sarili. Nilinis niya ang buong silid, kahit paano ay nakalimutan niya ang problema. Mabilis na lumipas ang oras, hindi niya namalayan na alas dos na ng hapon. Ni hindi man lang siya nakaramdam ng gutom gayong may bata sa tyan niya.

Ngumiti siya, nang libutin paningin ang buong silid. Pinakawalan niya ang malalim na hininga. Satisfied siya sa kanyang ginawa. Tila kay aliwalas na ng kanyang silid. Kumuha siya ng roba at pumasok sa banyo. Pagkatapos maligo, nagbihis siya at bumaba na dahil nagsisimula ang kumalam ang kanyang sikmura.

LOVING ATTORNEY DELA VEGAWhere stories live. Discover now