Chapter 11

169 5 0
                                    

It was late at night. Nauhaw siya kaya bumaba siya ng kusina. Nadaanan niya ang mini bar, nakabukas ang ilaw at naroon si Chad. Akala niya tulog na ang lalaki. Gabi na kasi sila umuwi, dahil sa labas na rin sila kumain.

Kunot-noo niya itong nilapitan.

"Hey..." anito ng mapansin siya.

"Bakit gising ka pa? Akala ko ba pagod ka?"

Itinaas ng lalaki ang basong may laman ng alak.

"I'm tired but not sleepy, nagpapaantok lang ako."

"May problema ba?"

Inilapag ni Chad ang baso at inabot ang kamay niya. Hinila siya ng marahan.

"No, walang problema. Ikaw bakit ka hiding ka pa?"

"Kukuha sana ako ng tubig nang makita kong bukas ang ilaw dito."

Bumaba sa high stool si Chad. Hinila siya patungo sa kusina. Ito na rin mismo ang kumuha ng tubig para sa kanya.

"Thanks. Okay na ako, bumalik kana sa bar."

"I'm done, drinking. Sleep in my bed, sweetheart." Natigil siya sa pag-inom ng tubig.

Inikot niya ang katawan para salubungin ang mga mata nito na naghihintay ng sagot.

Sa huli, tanging tango ang itinugon niya. Naging malawak ang pagngiti ni Chad. Kinuha nito ang baso pagkatapos niyang uminom.

"Shall we?"

"A-ah... yes."

Magkahawak kamay sila, paakyat sa itaas. Aaminin niya na namimiss niya ang silid nito, nang minsang matulog siya na kasama roon ang asawa.

"Magbabanyo lang ako, I'll be quick. You can lay first."

"Sige na, okay lang ako. Huwag mo na ako alalahanin, pumasok kana sa banyo." Pagtataboy niya.

Nahiga siya kung saan siya puwesto noon. Pinakiramdaman niya ang sarili, diresto sa kesame ang kanyang paningin. Ang bilis ng tibok ng puso niya, kinapa niya ang pulsuhan. Naiiling siya bago humugot ng malalim na paghinga.

Narinig niya ang pagbukas ng pinto. Lalong lumakas ang pintig ng puso nang malanghap ang sabong ginamit ng asawa. Bahagya niya itong nilingon nang sumampa sa kabilang gilid ng kama.

Nagkatitigan sila. Siya rin ang naunang nag-iwas, hindi niya kayang salubungin ang titig nito na tila nilulunod siya. Kinuskos niya ang mga palad, at ibinalik sa kesame ang paningin. Naipikit niya ang mga mata nang maramdaman ang pagdikit ng kanilang braso.

"Nervous?" Nagsitayuan ang balahibo niya nang tumama ang mainit nitong hininga sa leeg.

Alanganing siyang lumingon at kunwari ay tinaasan ito ng kilay para pagtakpan ang katotohanan.

"Why should I be?"

He shrugged and settled himself, bringing his eyes up to the ceiling. Her eyes focus on his handsome face. However, she could sence something in him. Is he hiding something from her? Shaking off the thought she followed his gaze.

She felt his hands on top of her. Massaging? No, he was teasing her. She knew it.

Mamaya-maya pa, gumapang ang palad nito sa kanyang braso. Pabalik-balik na humahaplos. Nais niyang umungol, sa simpling haplos lang nito ay nadadala siya. God knows kung gaano siya nagpipigil sa tuwing sinusubsob nito ang mukha sa dibdib niya.

Pumiksi siya nang lumapat ang malambot na labi ni Chad sa balikat. Kumawala ang mahinang ungol sa bibig niya. Bigla siyang nag-init.

Akala niya, tuloy-tuloy na ngunit huminto si Chad sa ginagawa. Hinintay niya na ituloy nito at nang hindi makatiis, binalingan niya ang asawa na titig na titig sa kanya. Nanghihingi ng permiso ang mga mata nito.

LOVING ATTORNEY DELA VEGAWhere stories live. Discover now