Maybe (pt.2 Flashbacks)

665 50 2
                                    


NP: Spring time (Yiruma) on loop

i came home later that afternoon, smiling from ear to ear. pagpasok ko sa mansyon lahat kayo nagbubunyi. hirap akong tumingala at titigan kayo isa-isa ng paikot. lahat kayo ang saya-saya

---------------------------

Jessa? anak halika may balita ako sayo- Marry Anne

magiging ate kana!- Rodolfo

Rodolfo anu kaba inunahan mo pa ako- Marry Anne

eh pasenysa na sobrang tuwa ko lang talaga. oh Jessa huwag masyadong kukulitin si tita Marry Anne mo ha, maselan daw ang pag bubuntis niya mahirap na

Rodolfo! Jessa anak halika...diba sabi ko sayo magiging mabuti kang ate? ito nayun oh, magiging ate kana talaga! masaya kaba?

opo

(nods in agreement, hiding her report card behind her back totally thrown off the scene)

----------------------------------

masaya naman talaga ako noon. yung lungkot ko napalitan ng tuwa, nasabik ako sa kapatid kong hindi ko pa nakikita. pakiramdam ko noon siya ang kapalit ni nanay

--------------------------------

baby? baby sister or baby brother? si ate ito, excited nako makita kita, pag labas mo aalagaan kita mabuti tapos maglalaro tayo (Jessa talking to her baby sis/bro placing her right ear at her tita Marry Anne's tummy)

oh! sumipa si baby Jessa, ilagay mo kamay mo rito

(Jessa placed her hands at her Marry Anne's tummy and giggles at baby's every movement)

hala baby! hinay-hinay lang, malapit ka ng lumabas, magkikita na tayo

-------------------------------

nung pingananak si Abigail, lahat sa mansyon nagbunyi. parang pyesta palagi. at yung mga ngiti ni papa, yun ang unang beses ko siyang nakitang ngumiti at tumawa ng ganun kalakas. sa tuwing tititigan niya si Abigail kukikinang ang mga mata niya, parang ginto ang hawak-hawak niya, bawal makuha ng iba, dapat ingatan, dapat alagaan.

ang saya-saya ko rin nuon. nung baby pa si Abi lagi akong pumupusliut sa kwarto nila ni tita, dahil namimiss ko siya agad, yung amoy niya lagi kong sinisinghot. sa tuwing idadampi niya ang maliliit niyang kamay sa mukha ko, parang langit, parang lahat ng lungkot at hirap nawawala, lalo nat pag-ngingitian ka niya

---------------------------------

pero kung anu naman ang pagkasabik ko sa kapatid ko siya namang lalong pag-init ng ulo ni papa sa akin

------------------------------

nuon pa man ahy mahina na ang puso ni tita Marry Anne, hindi kinakaya ng puso niya ang matitinding emosyon. hanggang sa, iniwan niya na tayo ng tuluyan...ang huling habilin niya lang sa akin

"kahit anong mangyari hwag mong papabayaan ang yong kapatid"

naalala ko, kung gaano nagluksa ang papa mo nuon. isang linggo siyang nagkulong sa kwarto- Nay Rona

masyado siyang nasaktan sa pagkawala ni tita. it made me wonder if ganun din kaya siya nung nawala si nanay?

pero parang sasabog ang dibdib ko ng mga panahong iyon, dahil dalawang ina ang kinuha sa akin

----------------------------

sa sobrang laki ng epekto ng pagkawala ng ilaw ng tahanan si papa, lalong naging strikto sa lahat ng bagay. ni ayaw niyang palapitan kung kani-kanino si Abi, lalo na sa akin...pero nung lumaki na si Abigail inutusan niya akong bantayan ito lagi, at wag na wag papabayaan o maalis man lang sa paningin ko

------------------------

si Abigail, mahal na mahal ka ni Abigail Jessa

every time nga na manggagaling ako sa skwelahan, naka-abang na siya sa likuran ng malaking pinto para sorpresahin ako. kahi na alam kong nandun na siya hinahayaan ko siyang gawin yon paulit-ulit hahahaha tuwang tuwa siya pag umaarte akong gulat na gulat.

yung ginagawan ka niya ng sandwich at inis na inis pa siyang hindi niya mai-fold ng maayos ang tinapay hahaha

oo nga nay, hahaha...at yung juice na tinitimpla niyang tinitiis kong inumin dahil sa pagka tamis tamis...at yung mga drawing niya sa notebook ko, nasa college nako nun at nagtataka mga classmates ko sa mga sulat sa notebook ko, na gawa ng eigth year old kong kapatid

-----------------------

ate JEssa! open your door puhleasssssssss (eigth year old Abi keeps knocking at her sister's room)

oh...Abi, ate is studying pa

eeeehhhh i want to play

but it's late na po, a little girl like you needs to sleep na

sige pero once contidtion

hmmmm anong kondisyon yan aber???

dito ako tulog sayo, pleeeaaasseee...pramis talaga ate hindi po talaga ako maggulo

hmmm...

pleeeeasseeee (charming her sister)

sige na nga

yey!!!!! (Abi hurried herself inside and jumps up and down at her sister's queen size bed)

oooppsss sabi mo hindi ka noisy

opo ate pramisssss

------------------------------

there were nights na ganun, natutulog siya sa kwarto ko. minsan pinapanuod niya lang akong mag-aral tapos makakatulugan niya na.

kahit saan ako magpunta gusto ni Abigail lagi ko siyang kasama. sapat na sa amin ang nakaupo lang ako sa park habang nagbabasa, habang binabantayan siyang maglaro, makipaglaro sa ibang mga bata...

elemetary days niya noon, at nagtataka ako sa tuwing sinusundo ko siya sa school niya eh lahat ata ng classmate niya alam na alam ang tunugkol sa akin..

hahaha oo nga, kahit saan pinagmamalaki ka ng kapatid mo, hero ang tingin niya sayo

pero ang totoo ako pala ang villain sa buhay niya

bigla kang naging malihim ng mga panahong iyon Jessa, at dun narin nagsimulang lumalala ang relasyon niyo ng iyong ama...bakit?

(she looked straight into nanay Rona's eyes)

nagmahal ako...

SabayDonde viven las historias. Descúbrelo ahora