Second chances?

812 56 3
                                    

second chances in love

it can mean for both

una para sa relasyon niyo ng mahal mo, pangalawa para sa sarili mo

sa nangyari sakin, sa amin ni Manoah pangalawang pagkakataon muna para sa aming mga sarili ang nauna

pagkakataong mas makilala pa namin kung sino nga ba kami, ano nga ba talaga ang hangad naming mangyari?

oras din para buohin muna namin kung ano ang kulang, dahil hindi ka naman maaaring magbigay ng wala naman sayo, ano nga ba ang ibibigay mo sa taong mahal mo kung ikaw mismo? hindi pa buo

sunod ay ang pangalawang pagkakataon para sa inyo ng taong mahal mo

maaring para magkaroon ng closure? depende sa inyo

maari niyo namang pag-usapan kung talagang pareho niyong gusto pang ilaban kung nais niyo pang dugtungan ang naputol niyong pagmamahalan o sadyang kailangan lang magkapatawaran para makawala na sa sugat ng nakaraan

kung bibigyan ka ng pagkakataong makasama ulit ang iyong mahal,

sa pangalawang pagkakataon nayun na ibinibigay ng Dyos, dapat ay wala ng pagpapanggap, wala ng itinatago sa isat-isa

hindi naman kayo magiging masaya mula umpisa kung nag-papanggap lang kayo hindi ba?

sa amin ni Manoah, maraming pagpapanggap, maraming lihim hindi lang sa pamilya namin ngunit sa aming mga sarili din

pilit na kinubli, pilit itinago sa takot na baka pag ito ay madiskubre ay lalayuan kami ng mga mahal namin

mag-mula kay Enrique, hanggang kay Ate, MAnoah at sa akin

lahat kami nabalot ng takot ng katotohanan, na baka kami ay tuluyang maipagtabuyan ng aming mga mahal

masakit man ang pagkakalayo namin? ito rin ang naging daan upang mas tumibay pa ang aming samahan, para mas lumaban at mabuhay 

ngayon nayayakap ko na ulit siya, nahahalikan nakakasama ang pagkakataong ito, hinding hindi ko na sasayangin pa

sadya yatang pinagtibay kami ng panahon, na mas malaki ang pagmamahal namin sa isat-isa laban sa aming takot

at ang masasabi ko, lahat ng bagay na karapat dapat ay pinaghihirapang makamit

~Abi

--------------------------------

"you are worth all the pain mahal ko"- Manoah

"and so are you mahal"- Abi

------------------------------

"we cannot give anything we do not have"

SabayWhere stories live. Discover now