3 'Selos'

18K 548 18
                                    

''Ate Tash, paluto naman po ako ng chocolate cake! Darating si kuya ngayon, ang sabi niya ay dito daw siya kakain at may kasama siya. Oh my god! I bet it's Drigo!''

Bahagya akong natigilan. Ang hindi alam ng bata na nandito ang kuya niya kagabi.

''Uy --- dalaga na si Briella!''

Kahit ayoko mang aminin ay na - eexcite din ako. Mabilis kong inihanda ang sangkap ng cake, ito ang unang itinuro sa akin ni ma'am Bree. Namiss ko siya tuloy.

''Eh, kasi naman, kasi. Si Drigo ang unang lalaking nakakita sa hubad kong katawan.''

Napadilat ako. Bigla ay gusto ko siyang kurutin. Syempre naman, childhood brother niya yung si Drigo. Ang sabi nga ni Lalang, si Briella, nakita niya na din ang kay Drigo noong bata pa sila.

''Sshh.. Lalang baka may makarinig sayo.'' Banta ko sa kaniya.

Pero inikot niya lang ang mata niya at tinaas pa ang kilay.

''Wa ko care, te Tash. Anyway, Congrats! Sorry hindi kami nakapunta ni mom. Kailangan din kasi kami ni ate doon.''

Ngumiti ako sa kaniya. Nasa harap ko siya sa kabila ng counter table. Ang ganda nang batang to kahit mataba.

''Proud na proud nga kami sa'yo eh. Matalino ka kasi, te. Sexy pa, sana nga ay ma reach ko yang sexy body mo.. oh, how i wish. Sege te,swimming muna ako.''

Natawa na ako sa sinabi niya. Ang kulit eh. Na iiling nalang akong nagbake nang cake.

At sa di maiwasan ay di ko maiwasang isipin ang nangyari kagabi. Leave. Siguro nga ay pinapaalis niya na ako sa bahay na'to. Bumuga ako nang hininga. Gustuhin ko man ay hindi ko naman kayang magpaalam kay ate Youmie.

Sinarapan ko ang gawa nang cake. Gusto kong makapag usap kami nang mabuti ni Ago. Lilinawin ko ang lahat sa kaniya. Hindi naman ako sa kaniya nagtatrabaho kundi sa mga kasama ko sa bahay. Mula nang magsarili na kasi ito ay napakarami nang dapat nang nagbago pero ganun pa rin siya sa akin. Utusan at parausan nang halik.

Di ko maiwasang kabahan nang marinig ko na ang kotse ni Ago. Pero gusto ko namang mapangiti. Ewan, hindi ko na maintindihan ang sarili ko.

Nang maihanda na namin ni nay Costa ang hapag ay mabilis na akong pumasok sa kwarto ko. At gaya nang dating gawi ay nagbibihis na ako nang panibagong damit saka inaabangan nang palihim si Ago mula sa malayo.

Napahawak ako sa aking dibdib nang makita ko siya. He's wearing a sunglasses. Ang presko nito tingnan kahit nandoon pa rin yung pasa sa kaniyang labi. May sout ito nang itim na sweatshirts at dark green na shorts at vans shoes. Ang gwapo niya pero yun nga pangit naman nang ugali.

Pero nahigit ko ang aking hininga nang may sumunod na babae dito at agad na yumakap sa braso nito.

''Ang ganda niya.'' Bulong ko sa sarili.

Wavy at blond ang buhok nito. Maputi at parang alagang belo ang mukha. Sa tingin ko ay magkaparehas lang kami nang tangkad. Jumper short ang sout nito at pulang masikip na off shoulder naman ang nasa loob noon. Petit pero malusog ang dibdib nito.

Masaya itong nakakapit lang kay Ago. Habang seryoso lang si Ago na tumatango sa babae. Sa lagay ko ay magnobyo sila. Sweet at bagay na bagay silang dalawa. Sobrang bagay sila. Napangiti ako nang bahagya.

Pero b- bakit ba nanlalambot ako? Bakit nangingilid ang luha ko? Bakit sumusikip ang dibdib ko? Bigla akong sumandal sa pader at napatingala sa kisame. Nanginginig ang labi ko. Bakit ganito ang pakiramdam ko? Gayong alam ko namang wala akong karapatan.

Ngayon ang unang pagkakataong nagdala siya nang babae dito. Ang akala ko ay ang kaibigan niyang si Drigo ang kasama niya.

Isang luha ang bumagsak nang mariin akong pumikit. Nasasaktan ako. Kagabi lang ay hinalikan niya ako. Kagabi lang ay muntikan na akong bumigay sa kaniya. He even kissed my breasts. Kaya ba gusto na niya akong umalis? Ayoko mang aminin pero nasasaktan ako.

Ilang sandali muna akong naglagi doon at nang mahimasmasan ay mabilis ang hakbang ko para makarating agad ako sa kwarto ko. Pero nakita ako ni Lalang. Tinawag niya ako at kahit ayokong humarap sa kaniya ay wala naman akong choice.

''Akala ko talaga si Drigo ang kasama ni kuya! Babae pala! At isa pa, ayoko sa babaeng 'yun -- well, maganda siya pero hello? Uso ang tuko ngayon! Endangered,eh? Pati si kuya, God!''

Maganda ang bihis ni Lalang. Mukha ngang may date ito, pero inis at di maipinta na mukha ang nito nang humarap ako. Nakataas lang ang kilay niya saka tumalikod na  rin.

Sa hindi malaman na dahilan ay gumaan ang pakiramdam ko. Bahagya akong napangiti. Ewan.

Nasa hapag na silang lahat nang pinatawag ako ni ate Youmie, maliban kay sir Shiba. Ang sabi niya ay ilabas ko daw yung sinasabing cake na pinaluto ni Lalang.

Nang bitbit ko na ang cake ay hinuhuli ko ang mata ni Ago. Puno nang ngiti ang mukha niya. Gaya noong katabi niya nakangiti lang din habang nakatingin sa lalaki. Ang sweet. Nagtinginan pa sila habang nagkahawak nang kamay. Wow, ang sweet talaga.

Gusto kong umirap sa babae nang tumingin ito sa akin. Pero ngumiti nalang ako nang konti. Nakangiti lang siya pero ang ganda na noon para sa akin.

''Thanks, ate Tash na maganda! Masarap yan kuya! Si ate Tashia ang may luto niyan!''

Gusto kong ngumiwi kay Lalang. Ayaw niya nga siguro sa babae. Si ate Youmie ang unang tumikim noon.

''Mhm! Kuhang kuha mo ang timpla nang Bree ko, Tash. Ikaw Hope, marunong ka rin bang magluto nang cake?''

Malawak na ngiti ang binigay nang babae saka tumango.

''Yes, tita. Next time I'll bake a moistured one.''

Hope ang ganda din nang pangaln niya. Pag - asa.

Tumikhim nang mahina si Ago at tumingin sa deriksyon ko. Katatapos niya lang nguyain ang cake na niluto ko.

''It's not good. Hindi naman noya nakuha ang lasa nang luto ni ate.''

''T!''

''Kuya!''

Sabay na saway ni ate Youmie at Lalang. Kahit napahiya ako ngumiti pa rin ako. Tila nahihiya ding ngumiti si Hope sa akin.

''Ago naman.''

Nag excuse na ako nang bumalik na sa pagkain ang atensyon nila. Dumeretso ako sa may pool at nakatingin lang sa kawalan. Bakit ginaganito ako ni Ago? Wala naman akong nagawang kasalanan sa kaniyan mula noon ah. Simula nang tumongtung ako sa bahay na ito ay hindi na maganda ang trato niya sa akin. Dahil ba nabili lang ako ni ate Youmie noon? Dahil ba sa wala akong magulang o kapatid? Dahil ba mahirap lang ako?

''I thought you're leaving? Bakit nandito ka pa?''

Matiim na tingin ang sumalubong sa akin.

''Why you're still here?''

Napakagat labi ako at minsan pang pigilan ang luha. Gusto ko siyang sumabatan.

''Bakit, Ago? Di ba dati pinigilan mo akong lumipat sa bahay nina Sir Lorvin? Bakit kapag babalakin kong umalis ay pinipigal mo ako, kesyo 'you owned me' kahit wala namang 'tayo' di ba? B- Bakit mo ako hinahalikan kapag lasing o bigo ka? -- bakit mo ba ako ginaganito?''

Nanginginig na ang labi ko. Di ko na mapigilan ang luhasa kanina ay pigil ko pa. Hibdi niya ako tinitingnan. Na bulsa nang pantalon niya ang kaniyang kamay. Malamang bago ulit ang salamin niya.

''Simula noong dumating ako dito, bakit galit na galit ka na sa akin? Dahil ba bobo ako? Dahil ba mahirap lang ako? Dahil utang ko sa mommy mo ang buhay ko, Ago?''

Gusto ko nang humagulhol pero pinigilan ko baka may makarinig pa sa akin. Humakbang ako sa kaniya.

''Kung binabalak mong pagselosin ako kay Hope... oo -- a - aaminin ko. Nagseselos ako.''

Nayuko ako sa harap niya at kahit mahina lang ang boses ko ay alam kong dinig niya iyon.

Humugot siya malalim na hininga kaya napatingala ako sa kaniya, saka tiningnan ako sa mata. Seryoso at kakaiba.

''Let's make it clear, Tashia. Wala kang dapat ipagselos dahil -- wala namang tayo.''

---

T&T

I Am Not Yours - CompletedDove le storie prendono vita. Scoprilo ora