15 Kinamumuhian.

13.2K 385 14
                                    

Hindi ko alam ang dapat at tamang gawin. Wala pa akong nasasabi tungkol sa mga nagaganap kay Niel.

Nahihiya ako at natatakot.

Hanggang ngayon ay di pa rin maawat ang kaba sa dibdib ko. Ayokong masaktan siya.

Tuloy na tuloy ang kasal kahit nasa ibang bansa si Ago para sa isang Enterprenuer's Semenar. Si ate -- m-mommy Youmie ang kasa-kasama kong nag aasikaso sa mga detalye nang kasal.

Isang linggo ang matuling lumipas at di pa rin kami nag-uusap ni Ago. Isang linggo kaming hindi nagkita. Natatakot akong baka pag dumating na ang araw ng kasal namin ay bigla siyang aayaw at aatras. Wala namang problema sa akin iyon, ang iniisip ko ngayon ay ang expectations nilang lahat.

Next month at ilang araw nalang mula ngayon ang takda nang kasal namin.

Ang bilis.

Napakabilis na halos naglalayag lang ang isip ko. Ang daming gumugulo sa isip ko.

Oo, minahal ko si Ago. Pero ayokong maging dahilan para makulong siya sa sitwasyong ito. Alam kong ayaw niya na sa akin mula pa noon at ngayon ay madadadagan pa.

Lihim ko siyang minahal sa kabila nang pagiging kaaway na tingin niya sa akin. Lihim akong nagmamahal sa kaniya kahit ayaw na ayaw niya sa akin. Ang tanga ko kasi. Pinilit kong umiwas sa kaniya. Pinilit kong lumayo. Pero wala eh, isang halik niya lang ay bumabalik ang nararamdaman ko. Kahit ang turing niya sa akin ay panakip butas lamang.

Paano ko ba malalampasan ang problemang ito. Noong nakaraang araw lang ay sinadya ko bahay kung saan nakatira ang mga magulang ni Niel. Masaya silang makita ako pero napalitan nang galit at pagkadismaya ang saya na yun dahil sa sinabi ko.

Hindi ko nga alam kung papaano ko nasabi at nakaalis ako sa lugar na yun nang maayos. Ang akala ko ay sumbat o sampal ang aabutin ko sa mag asawa pero wala naman akong narinig mula sa kanila.

'It is not our story to tell, Tash. Ikaw ang magsabi sa kaniya. Yun lang ang pakiusap namin.'

Yun ang tanging hiling nang ginang bago ako umalis. Iyak ako nang iyak nang makarating ako nang bahay. Bahay ni Ago. Dito na ako pinatitira ni mommy Youmie dahil mag aasawa naman na din daw kami ni Ago, next month Ang sama sama ko di ba?

Ang sama ko.

Nagdesisyon akong tawagan siya. Kakarating lang namin sa bahay ngayon galing sa wedding planner. Sinubukan kong edial ang numero ni Niel. Humugot ako nang hininga saka binuga.

Kinakabahan ako. Bahala na. Lakad ako nang lakad, paroo't parito.

(Babe..) bagong gising ang nasa kabilang linya.

Nagising ko pa ata siya.

''Niel..''anas ko.

Suminghap pa ako nang maramdaman ang pag agos nang luha ko sa pisngi.

(Yes, baby. How are you? I'm sorry, sa sobrang pagod ko, hindi na kita natawagan kanina. How's your day, baby -- are you crying? Oh god, i miss you so much. Can't wait to be with you soon.)

Lalo akong napahagulhol. Nako-konsenya ako. Dios ko, bakit nangyayari sa akin 'to? Napakabait ni Niel.

''Ne-Niel, ikakasal na ako.''

Pabulong ang bawat salita ko. Enough, paramarinig niya iyon. Tulo nang tulo ang luha ko, walang sumagot sa kabilang linya.

''Niel..''

(Kanino?)

Ako naman ang di nakasagot.

(Is it Thiago? Fuck! -- they forced you, right?! Uuwi ako, Tash. Tatapusin ko lang itong isang project ko. Pinilit ka ba nila ,babe?)

Nawala ang antok sa boses niya. Lalo akong nanlunmo at napaupo na ako sa gilid nang kama.

''M-May nang --- nangyari sa amin.'' pag aamin ko.

Gusto ko nang sabihin lahat kahit huli na.

(Damn! He raped you!?)

Umaling ako at napahawak na sa bibig. Nanginginig na ang labi ko. Halos hindi na ako makahinga dahil sa sobrang konsensya.

(Umalis ka na sa bahay na yan Tash. Babayaran kita kung kinakailangan. Just please --)

''Niel! You don't have to say that.''

(I'm so sorry, baby. Tashia, mahal na mahal kita. --- ganito, hintayin mo ako. Ilang araw nalang naman na din lang itong unang project na ito. ---)

''Niel, i'm sorry..''

Humikbi ako. Ang sakit. Bakit ganito? Kung kailan natutunan ko nang mahalin ang isang tao ay siya ring dapat at kailangan na pakawalan din ito.

(Kailan ang kasal?)

''fifth day, N-Next month.''

(Bakit ang bilis? Bakit ngayon ko lang nalaman 'to? Tashia -- kailan lang may nangyari sa inyo?)

Nanginginig ang boses ni Niel sa kabilang linya na lalong nagpa iyak sa akin.

Durog na durog ang puso ko. Ang sakit. Ayokong pati si Niel ay damay sa sumpang dala dala ko. Bakit ba kasi naglihim pa ako? Bakit.

''I'm sorry, Niel --''

(Kailan pa?!) tumaas na ang boses nang lalaki kaya nagulat ako.

Pero hindi na ako nagsalita. Ayoko nang dagdagan pa ang sakit na nararamdaman namin. Tama na.

(Minahal naman kita Tash. Mahal na mahal kita. Pero hanggang ngayon siya pa rin ba?)

Napapikit ako nang mariin saka pinunasan ang mga luha sa pisngi.

''Niel, mahal kita --''

(Pero bakit? Bakit naglihim ka? -- Tashia naman eh.)

''Putang ina, Tashia!! Kaya ba hindi kita makontak dahil may kalantari ka palang iba?!''

A voice roared inside my room. Agad ko namang pinatay ang tawag sa kabilang linya at gulat na hinarap si Ago. Halatang kagagaling lang nito sa byahe. Kitang kita sa mukha nito ang pagod at kulang sa tulog.

Pero galit ang mata niya. Deep brown iyon at alam kong galit na galit siya. Napatayo ako at nanginginig na napahawak sa phone na nasa aking dibdib. Sumalakay ang kaba sa aking dibdib.

Sa boung buhay ko ay ngayon lang ako nakaramdam nang takot sa kaniya.

Nang tuluyan akong makalapit sa kaniya ay isang sampal ang aking natanggap.

Natigalgal ako. Ang sakit. Napanting ang aking tenga. Uminit ang kabilang bahagi nang pisngi ko. Hindi ko lubos maisip na sasampalin niya ako. Hindi pa naman kami mag asawa pero bakit niya na ako ginaganito? Oo, nag aaway naman kami dati pero hindi niya ako sinaktan nang ganito.

Dahil ba nakatayo ako sa sariling bahay niya? Bakit ba niya ako ginaganito? Dahil ba sa akin niya sinisisi na nalagay siya sa sitwasyong ito?

Ayaw ko rin naman, ah? Ayaw ko ring makasal sa kaniya. Ngayon ko napatunayan kung gaano ko siya kinamumuhian.

Pinalitan nang pagkamuhi ang nararamdaman kong pagmamahal na iyon.

Tumulo ulit ang luha ko sa pisngi pero agad ko iyong pinunasan.

''I - I'm sorry. Sinabi ko lang kay Niel na magpapakasal na ako.''

''Kung mahal mo pa, sana hindi ka pumayag sa sitwasyong ito, Tashia! And daming options pero pumapayag ka. You don't have the right to put all the blame on me.''

Mababa ang boses nito pero may diin ang bawat salita. Nakayuko parin ako. Di na ako nagsalita. Ayoko na siyang kausapin. Ang boung akala ko kasi ang bukas pa ang uwi niya.

Bumuntong hininga siya saka niluwagan ang tie nito.

''Nagugutom na ako. Prepare me a food.'' aniya saka umalis.

Pagod na pagod akong napatingin sa likod niya.

Bakit si Ago pa?

-----

I Am Not Yours - CompletedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora